Pabagsak akong umupo sa sofa sa loob ng office ko.
"Hayyy..." I am exhausted.
Bakit ba kasi ang sakit sa ulo ng kliyente ko? Pinagsabihan ko na nga na huwag magsalita kapag wala ko ba'ka kung ano pa ang masabi.
"Ma'am..." Pumasok si Alyssa sa office ko na mayroong dalang kape, "Napasin ko ho na kailangan n'yo ng kape."
"Can you believe that Alyssa?! Hindi talaga nag-iisip si Mr. Olivar! Ngayon, pwedeng gamitin sa kanya ang sinabi niya sa kalaban. I can't defend him. Nang galing na iyon sa bibig n'ya mismo." Gosh I hate clients na hindi makaintindi.
"Tell him to find another lawyer." sabi ko kay Alyssa. "You can leave early."
Ipinikit ko ang mata ko dahil sa pagod. Narinig ko bumukas ang pinto at hinayaan ko lang ito sa pag-aakalang si Alyssa ito.
"You bitch! You can't even defend me! Ikaw pa itong nagmamagaling!" I heard the man yelled at me. Nararamdaman kong nawawalan na ako ng hininga dahil sa kanyang necktie na nakatali ng mahigpit sa aking leeg.
I couldn't scream. I felt like I was dying. Unti-unti na akong nawawalan ng malay thinking that this would be my last day.
"Attorney!" Huling narinig ko bago ako mawalan ng malay.
Gumising ako sa isang puting kuwarto at nahihilo pa ng kaunti.
"Ma'am!" Mabilis akong napabaling kay Alyssa "Nag-alala ako para sa'yo, ma'am. Kasalanan ko kasi iniwan kitang hindi nasisigurado na hindi ka susugurin ni Mr. Olivar." Naiiyak niyang ani.
I was comforting Alyssa at sinasabing hindi niya kasalanan ng may pumasok sa kuwarto.
"You're awake."
"Ikaw ba ang nagdala sa akin dito?""Yeah." Parang nahihiya niyang sabi.
"Teka, paano mo ako nakita?" Nagtatakang ani ko.
"I was passing by and I saw the door open and saw you being choked in your office." Simpleng sagot niya.
"By the way, ano ang pangalan mo?" I asked
"I'm Charles Mariano." Parang pamilyar ang kaniyang apilyedo.
"I'm Atty. Aries Levin Claide." Saka inilahad ang kamay.
Aakmang kukunin na niya ang kamay ko nang pumasok si Eros. Napairap ako sa ere.
"At paano mo naman nalaman na nandito ako?" Mataray na tanong ko sa kanya.
"The news spread like wildfire."
"So? Anong ginagawa mo dito?"
"Binibisita ka, malamang." May pairap pa niyang sagot.Narinig kong humagikhik si Alyssa. "Bagay ho kayo, ma'am." Nakangisi niyang sabi.
"Mabuti pang umuwi na kayo lahat. I can take care of myself."
Umupo si Eros sa tabi ko. "Umuwi na kayo. Ako na magbabantay sa kaniya."
"What?" Nanlaki ang mata kong napabaling kay Eros.
"I'm here to protect you. Ba'ka ano pang mangyari sa'yo ulit." Mababang ani niya.
"Well, there are security guards here."
"And what? Hahayaan ulit na mayroong mangyari sa iyo?" Nanlilisik ang mata niya.
"Why do you care?" I asked.
"Kesa naman iyang lalaki na iyan ang magbantay sa iyo. Who knows what he will do to you."
"And what? Trust you?"
"Tanga ka rin pala. Abogado ka niyan? Nagpapatuloy ng tao na hindi kilala."
"That's why pinapauwi ko kayo lahat. Abogado ka niyan? Hindi marunong makinig." Kontra ko sa kanya.
"Whatever. I'm staying." Ani niya habang sumasandal sa kinauupuan niya.
"Sige na. Umalis na kayo. Ako na ang bahala rito." I smiled at them.
"See you when I see you, Aries." Sabi ni Charles.
"Never." Narinig kong bulong ni Eros.
YOU ARE READING
RIVALS
RomanceAries Levin Claide was unbeatable in court not until her rival since college came back. Eros Garcia was an international lawyer until he decided to settle again in the Philippines. Ano kaya ang mangyayari sa korte kapag silang dalawa ang naglaban? M...