Chapter 3
Sa matayog na lugar ay may mga nagkakasiyahan. Hiyaw doon, Hiyaw dito. Nag sasayahang mga tao ngunit kung iyong titignan ng mabuti ay mapapansing Kay sobrang puputi ng mga ito.
"Sir, they're already there." sabi nito sa kausap na ikina tango lamang nito sa kanya.
"Make sure that they're not going to leave that place.... and if they leave, you know what you'll do." malamig na sabi ng kausap.
"Yes, Sir." sabi nito sabay yuko at mabilisang naglaho sa harapan ng kausap.
Kung may nakakita man na ordinaryong tao dito ay maniguradong kanina pa ito nahimatay o kaya'y namatay sa mga nakikita at pinag gagawa ng mga hinding ordinaryong mga tao sa selebrasyon.
Tumingin lamang ito sa mga nagkakasiyahang mga tao o tao nga ba talaga.
"We're going to meet again, Scarlet." bulong nito sa huling sinabi bago tumingin sa bilugang buwan.
*wishg* *wishg* *wishg*
*tug* *dug* *tug* *dug*"Left, 'wag mo naman akong buhatin." antok na saad ni Alyas.
"Punyemas naman, Left 'wag mo ngang ipaamoy sa 'kin yang pwet mo." inis at antok na sabi naman ni Right.
Naging salubong naman ang dalawang kilay nila Alyas at Right dahil ganon pa din ang ginagawa sa kanila ni Left. Kaya inis na minulat nila ang kanilang mga mata. Sa una nagtaka muna sila dahil bakit pakiramdam nila ay lumulutang sila at nang nilibot nila ang kanilang mga mata ay hindi pala si Left ang may kagagawan non.
Hinanap ng mga mata nila Alyas at Right sila Left at Penelope ngunit hindi nila mahanap ang dalawa at silang dalawa lang ang nakikita nilang bitbit ng mga hindi nila malaman kung sadyang mga maliliit ang mga kumuha sa kanila o sa paningin lamang nila iyon.
"Hoy!" tawag pansin ni Right sa paanan niya na tao.
Tinignan lamang siya nito sabay balik tingin sa harap.
"Bwisit. Hoy, Alyas." tawag naman nito Kay Alyas.
"Oh?" walang ganang sagot nito Kay Right.
Inis na binalingan niya ito ng tingin sa gilid. "Anong oh?! Bwisit mag isip ka din kung pano tayo makakawala." inis na sabi niya dito.
Binalingan naman siya nito ng tingin. "Mamaya na. Nakikita mo naman kung ano ang kalagayan natin ngayon."
"Bwisit talaga. Hoy! San ninyo kami dadalhin, ha?!" inis na bulyaw ni Right sa mga ito.
"Hoy! Sabing saan ninyo kami dadalhin?!" sobrang lakas na sigaw nito na ikina tingin ng mga ito Kay Right ng masama. "Oh, bakit?!"
Huminto naman ang may mga hawak sa kanila at sabay punta sa kanya ng isa. Hindi nakaligtas sa kanya ang hawak nito sa likod.
"Hoy, anong gagawin mo?!" sigaw nito sa papalapit sa kanya.
Sisigaw pa sana siya ulit ngunit may pinaslak ito sa bunganga niya na ikinatawa ng malakas ni Alyas.
"Hahahaha. Bwisit." tawang sabi ni Alyas sa kanya Kaya sinamaan niya ito ng tingin at sa taong nagpaslak sa bunganga niya.
Pagkatapos sabihin iyon ni Alyas ay naging tahimik ulit ang buong paligid at pinapakiramdaman lamang nilang dalawa ang buong paligid.
Mga ilang oras na din silang tahimik ng may marinig silang mga hiyawan. Tinignan nila iyon at nakita nilang mga nagkakasiyahang mga tao ito.
Pagkapunta nila sa isang maliit na bahay ngunit kung makakapasok ka dito ay napakalaki nito sa loob.
YOU ARE READING
THE TWIN'S MATE
Teen FictionLuna Scarlet Penelope Harper, that's her full name, what makes her name so long is that her patience is so short. She is feared in their group because of her abilities, you can add her extra shortness of patience but even so, many are grateful to he...