AUTHOR: A'tin Mary-Ann(@loyalkayjosh2)
"Josh, ayos ka lang ba?" biglang tanong niya. Hindi ko parin talaga magawang makapagsalita. Sobrang nabigla talaga ako. "Josh, sorry talaga" saad pa niya. "It's fine" depensa ko. "Josh, ayos lang kung magagalit ka sakin, naiintindihan ko" saad pa niya. Sana nga kaya kong magalit sa kaniya. Kaso hindi ei.
"Ayos lang sakin, mary-ann, tsaka hindi ako galit" depensa ko. "Salamat josh" sagot naman niya agad. "I'm happy for you, para sa inyong dalawa" pagsisinungaling ko pa. Sa totoo lang, sinabi ko lang yun, pero, balikwas talaga ang ibig kong sabihin. Sobrang sakit nun para sakin.
Gusto kong umiyak sa puntong ito, yung tipong gusto kong magwala, pero, hindi ko lang magawa. Ayokong ipahalata sa kaniya na nasasaktan na ako.
Mababalewala din naman kase, mukhang alam ko na kaibigan lang ang turing niya sakin. Pero gusto kong subukan.
"Mary-ann, may sasabihin, este ipagtatapat sana ako" lakas loob kong saad. Hindi pa nga siya nakakasagot ng biglang may tumawag. "Josh, wait lang hah, i'll answer this". Alam kong boyfriend niya iyon kaya "Sige, sagutin mo muna" sagot ko. "Thank you!" saad pa niya.
Hindi ko kayang marinig at nasaktan ako ng sobra sa mga palitan nila ng mga salitang "Mahal kita at Mahal din kita". Nakakainggit, ako na lang dapat yun.
Ilang saglit pa ay natapos na siya'ng makipag-usap at bigla na siyang lumapit sakin. "Josh, balik tayo sa ipagtatapat mo. Ano pala yun?" seryosong tanong niya. Sa totoo lang nawalan na ako ng gana. "Mary-ann, wala yun. Kalimutan mo na lang" depensa ko. "Sure ka?" tanong pa niya. "Oo mary-ann, wala lang yun" sagot ko pa.
Bakit kase kailangang mangyari sa akin ito? Kung kailan, balak ko nang mag confess sa kaniya tsaka pa may nangyaring ganito. Ako rin ata ang may kasalanan. Huli na para masabi ko ang buong katotohanan.
Naging mabilis lang ang paglipas ng buwan, sa puntong ito, pakiramdam ko nawalan na ako ng best friend. Nawalan na siya ng oras sa akin. Hindi na kami katulad ng dati."Matawagan nga si mary-ann" saad ko habang naglakad lakad. Aayain ko rin siyang lumabas. Sana naman pumayag na siya. "Hello josh" sagot agad nito. "Hi mary-ann" masaya kong sagot. Sobrang na miss ko talaga siya. Kaya ganun na lang ako kasaya nung marinig ko na ang boses niya.
"Mary-ann, free ka ba ngayon? Ayain sana kitang sumama sakin" saad ko pa. Wag mo sanang tanggihan ito. "Naku josh, sorry busy ako ei" sagot niya. Bigla akong napahinto sa paglalakad ko. At nakakita ako ng isang bagay na ikadudurog ng puso ko. "H-Hello josh? Nandiyan ka pa ba?" tanong niya.
Hindi ko magawang magsalita. Durog na durog na ako. Sabi niya busy siya yun pala magkasama na naman sila ng boy friend niya. Bakit kailangang magsinungaling pa siya?
Dahan dahang pumatak ang mga luha ko, hindi ko na talaga kaya ang bigat. Alam kong narinig niya ang mga paghigki ko.
"Josh, umiiyak ka ba?" pag-aalala niya. Ganun kase ang tono ng boses niya kapag nag-aalala ng sobra. "A-ako? Umiiyak? H-hindi" depensa ko. Bakit kailangan ganito? Nagka boyfriend lang siya, nawalan na siya ng oras sa akin. Nakalimutan na namn niya ang pangako namin sa isa't-isa.
Mas lalong nagpatuloy ang pagpatak ng luha ko nang maglapat ang mga labi nila. Sinundan pa iyon ng mga pagpipigil ko sa hikbi. Kitang kita ko sa harap ko mismo. Hindi man ako nakikita ni Mary-ann at boyfriend niya sa kinatatayuan ko. Ako, sila kitang kita ko.
"Sige josh, ibaba ko muna ito. Ang dami ko pa kasing gagawin" paalam niya. "Si-sige. Ingat ka" nasagot ko lang. Mary-ann, hindi mo gawain ang magsinungaling. Ang sabi ko sakin masama yun pero ano itong nangyayari? Parang kinaan mo lang ang mga sinabi mo.
Nang maibaba na niya ang tawag doon ko na ibinuhos lahat ng luha at paghihikbi ko na kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit na, ang sakit sakit na.
Maiintindihan ko naman kung sasabihin sa akin ni mary-ann na magkasama sila ng boyfriend niya. Ba-bakit kailangan niya pang magsinungaling? Hindi ko na nagugustuhan ang mga nangyayari.
TO BE CONTINUE...
BINABASA MO ANG
AKO NA LANG - (COMPLETED) || SB19_JOSH FANFICTION
FanfictionA SB19_Josh Fanfiction Story. Si Josh at Mary-ann ay matalik na magkaibigan. Halos ilang taon na rin ang friendship na meron silang dalawa. Kaya kilalang kilala na nila ang isa't-isa. Bilang best friend, walang ginawa si Josh kundi ingatan at...