TAYO RIN PALA, SA DULO

33 3 0
                                    

AUTHOR: A'tin Mary-Ann(@loyalkayjosh2)

[_MARY-ANN POV_]
  Mabilis lang na lumipas ang mga buwan, aaminin ko nang natutunan ko na ring mahalin si Josh ang best friend ko. Alam kong huli na para masabi ko sa kaniya ang nilalaman ng puso ko. Alam kong masaya na siya. Sapat na siguro sa akin ang maging magkaibigan kami hanggang sa dulo.

"Hi Josh" saad ko. "Hello Mary-ann" sagot naman niya agad. "Josh, kumusta na pala kayo nang kadate mo lately?" tanong ko pa. Na pansin kong nag-iba na rin ang wallpaper niya. Dati ako yun ngayon iba na. "Josh, siya ba yun?" tanong ko pa sabay turo sa cellphone niya. "Oo mary-ann" sagot naman agad ni Josh.

Aray, bakit ganito yung dating sa akin? May tumarak na naman na kung ano sa puso ko.

"Josh, ang ganda niya pala" saad ko pa. Bigla siyang napatingin sa akin. "Bagay na bagay talaga siya sa wallpaper mo" saad ko pa sabay kunot nang noo. "Hala, mary-ann, nagseselos ka ba?" natatawang tanong niya. "A-ako? Nagseselos? No way" depensa ko pa.

Hindi ko talaga sinabi ang totoo. Alam ko kasi sa sarili ko na nakakaramdam ako ng selos. Halos manliit ako at mamula nang husto.

"Ayyiee nagseselos ang best friend ko" pangangasar pa niya. "H-hindi kaya" depensa ko pa. "Naku mary-ann, kilala kita. Tingnan mo nga yang butas ng ilong mo nalaki HAHA" pangangasar pa niya. Nakaramdam ako nang matinding hiya. Kaya napayuko na lang ako at nagsimangot.

"Mary-ann, sa totoo lang, hindi siya bagay sa wallpaper ko. Mas bagay siya" saad pa niya. Bigla akong napalingon sa cellphone niya. "Hala josh, bakit mo pinalitan?" nahihiyang tanong ko. "Mas bagay ka kase sa wallpaper ko. Kaya wag ka nang magselos" saad pa niya sabay akbay sa akin.

"Halaaaaa, pa'no yung girl? Diba?" putol kong wika. "Mary-ann, wag mo na siyang alalahanin. Hindi yata kami para sa isa't-isa ei" sagot pa niya. "What do you mean" naguguluhan kong tanong. "Mary-ann, ang hirap turuan ng puso ko na magmahal nang iba. Ikaw at ikaw parin talaga ang laman nito. Kahit na anong gawin ko. Ikaw parin ang hinahanap nito" saad pa niya.

Bigla akong napatingin sa mga mata niya. Kasunod nun ay ang pag-iyak. Hindi ko talaga inaasahan na sasabihin niya iyon. Hindi pa pala huli ang lahat. May panahon pa para masabi ang totoo sa kaniya.

"J-josh, hindi ko inaasahan na sa kabila nang mha nangyari. Walang nagbago diyan sa puso mo. Ako parin pala" umiiyak kong sagot. "Mary-ann, ang sarap mo kasing mahalin ei" emosyonal niyang sagot. "Josh" putol kong wika. "Mary-ann" sagot naman niya. "May sasabihin ka ba?" tanong pa niya.

Napapansin niya sigurong hindi ako mapakali kaya niya biglang natanong.

"Ah ei kasi ano" utal kong wika. "Kasi ano?" natatawa niyang sagot. "Josh, i love you" seryoso kong wika. Bigla siyang napatitig sa akin. Ang mga mata niya'y nangungusap. "Mary-ann, alam kong may kasunod pa yan, kaya wag mo nang ituloy" sagot niya. "Josh, sa puntong ito, wala nang kasunod yan" sagot ko. "Pa-pa'nong wala na?" tanong niya.

"I love you, not just we're friends but more than that" sagot ko. "Se-seryoso?" naiiyak niyang tanong. "Oo josh" sagot ko. "I love you" saad ko pa. Bakas sa mukha niya ang sobrang kasiyahan at pagkagulat. "Seryoso ba talaga?" tanong pa niya. "Gusto mo patunay ko?" pagbibiro ko.

Dahan dahan akong lumapit sa kaniya. Dahan dahan ko ring inilapit ang mukha ko, sa mukha niya. Inilapat ko ang mga labi ko sa mga labi niya. Alam kong ikinagulat niya iyon ng sobra. Yun na lang kasi ang naiisip kong paraan para maniwala siya.

"Josh, naniniwala ka na ba?" tanong ko. "Oo, naniniwala na ako" sagot niya. Bakas parin sa mukha niya ang pagkagulat. "A-akala ko ba? Kelan? Saan? Pa'no?" sunod sunod niyang tanong. "Josh, dahil sa mga ginagawa mo para sakin. Natutunan na rin kitang mahalin" sagot ko.

"Mary-ann" saad niya sabay niyakap ako nang mahigpit. "Josh" sagot ko sabay niyakap rin siya nang mahigpit. "I love you" bulong ko sa kaniya. "I love you too, mary-ann" sagot naman niya.

Sa dami dami nang nangyari, hindi ko o namin inaasahan na dito rin pala kami hahantong. Sa totoo lang, hindi naman mahirap turuan ang puso ko na mahalin ang best friend kong si Josh.

Sobrang suwerte ko kasi sa dami nang nangyari, hindi nagbago ang pagmamahal niya sa akin. Bagay na gusto kong ipagpasalamat kay ama. Siguro kung nung una palang, naappreciate ko na siya. Hindi ko mararanasan ang umiyak nang umiyak. Nangyari na yun. Focus na lang ako sa reyalidad.

[_JOSH POV_]
  Sa wakas, napasakamay ko na rin ang babaeng pinakamamahal ko. Parang panaginip lang ang nga nangyari. Hindi ko aakalain na, kami rin pala sa huli.

Mabuti na lang hindi ko sinuko ang pagmamahal ko sa kaniya. Kase may maganda din palang bunga. Sa ngayon mag iisang taon na mula nung maging kami ni mary-ann.

Mas masaya talaga at healthy ang isang relationship kung nagsimula ang lahat sa frienship. Kasi kung may hindi kayo pagkakaintindihan, mabilis lang nasusolusyunan. Kase kilalang kilala niyo na ang isa't-isa.

Minsa lahat nang bagay nagiging komplikado sa umpisa pero magiging maganda rin ang kalalabasan sa dulo. Kagaya nang nangyari sa aming dalawa.

From, AKO NA LANG, To, AKIN KA NA NGAYON. From, I LOVE YOU AS A FRIEND, To, I LOVE YOU SO MUCH NOT JUS A FRIEND BUT MORE THAN THAT.
                                                  THE END

    Thank you so much!

🎉 Tapos mo nang basahin ang AKO NA LANG - (COMPLETED) || SB19_JOSH FANFICTION 🎉
AKO NA LANG - (COMPLETED)  || SB19_JOSH FANFICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon