Having the knowledge about the wonders of love is what I only possess, but attaining the knowledge of how it feels is something I yearned but not exactly given. I know love is genuine whenever I see the unconditional passion of both what my parents have for each other.
All those beaming smiles, all those twinkling eyes, all those consoling embraces, the tenderness of their whispers, the sweetness of their caresses, and the earnestness of their kisses. Indeed, it was as mighty as God's affection for humanity that it can give oblation to its own dear life just for the sake of the latter.
Came, yes you came. I never asked for anything, I never knew anything. Never knew anything about you, but ever since I laid my eyes upon you, you introduced and made me feel the kind of love I have been longing and dreaming for so long that I need another lifetime to continue my waiting.
"Azrael..." I couldn't just cease my lips to utter his angelic name.
It has been 2 weeks since our first meeting and so far, hindi ko na siya nakita muli. Gustuhin ko mang magpatupad ng search-and-rescue pero parang ako naman ang naghahabol sa kaniya. Dapat dalagang Pilipina pa rin ako dahil isa akong kagalang-galang na butete, ay este binibini.
"Hmmm, we might be neighbours but it feels so distant," saad ko na parang isang hibang hawak-hawak ang card na ibinigay niya sa akin at kinakaway-kaway sa ere.
Those luscious lips na parang madudulas ako, that pointed noise na parang matutusok ang aking daliri, those hazel eyes na parang kinakausap ako, and that angelic voice na parang hinehele ako.
Arghhh! Sarap din kagatin ng pisngi niya at pindot-pindotin ang mga biloy niya! At sh*t, ngayon lang ako nainsulto sa boung buhay ko dahil sa height niya na lagpas sa isang average and normal citizen of the country, ay este player ng basketball. At ang buhok niya na napaka-brown my God! Mas shiny at smooth pa kaysa sa akin! Mestiso rin ang buteteng iyon kaya mas lalong magstastand-out siya sa crowd!
"Ate ano ba? Kanina pa ako kumakatok kawawa naman mga knuckles ko!" napabangon ako bigla mula sa pagkahiga ko dahil sa nag-aalburoto kong kapatid.
Ay! Siya pala si Czarina na hindi ko alam kung saan natagpuan ni mama at piniling i-evacuate sa bahay. Joke! Basta kapatid ko itong bruhildang ito na palagi na lang sumasabat sa pagda-daydream ko.
"Ano na naman kailangan mo sa akin? Kung magpapasolve ka ulit ng math niyo eh di huwag ako dahil my time is gold at mas mahal pa ito kaysa sa pagmumukha mo!"sumbat ko sa kanya, walang pakialam sa anong magiging sermon ni mama sa akin mamaya.
"Why do you always hate me? Is it because mama loves me more?" tanong niya sa akin na parang lumuluha na.
Lintik naman oh! Saan ba niya napulot ang isyung iyon at kailangan nang itapon sa septic tank?"What is this ruckus about?" biglang sumulpot si mama sa likod ng demonyita kong kapatid. Na lintikan na!
"Ha? A-ano, wala po m-mama hehe," pinagpawisan na talaga ako, real talk!
Iba kasi magalit si mama na pwede na siyang maging arsobispo sa tindi at haba ng litanya niya sa amin, lalong lalo na sa akin.
"What is wrong with you Czari?" tanong niya sa kapatid ko na klaro namang peke ang mga luha, napairap ako.
"Eh kasi si ate mama, inaaway na naman ako! Sasabihan ko lang naman na handa na ang dinner at bigla na naman siyang sinaniban at naging number one basher ko mama!" saad niya at humawak pa sa braso ni mama. Napangisi ako, para kasi siyang tarsier na kumakapit sa isang sanga.
"Reign stop that dahil mamaya ka sa akin! Magpalit ka na ng damit mo at may bisita ang papa niyo," sabay irap sa akin at tuluyang lumayas sa kaharian ko, este silid.
"Bad ka kasi!" sigaw niya at inilabas ang dila niya sabay irap. Tsk, para siyang takas mental.
Sunod naman akong bumaba at pumasok sa dining area na tuloly-tuloy ang pag-upo sa upuan ko without bothering to create any eye contact of my possible next target sa kamalditahan ko.
"Ah, hija, I would like you to meet Azi," saad ni papa at napatingin ako sa gawi niya na naka-awang ang bibig para sa susunod na subo ko.
"Ako ba?" tanong ko with a hint of kamalditahan.
"Yes hija, I would like you to meet your ninong Juanito's eldest son," sabi ni papa na nakangisi.
"Ninong Juanito? He's back from Spain?" tanong ko ulit.
"Yes, bringing his whole family back to their hometown," nakangisi pa rin si papa. Kaonti na lang at maniniwala na ako na may lahi kaming baliw.
"Ah sige bibisita lang po ako pag may time na ako papa," baliwala ko sa unang sinabi niya at itinuloy ang pagsusubo.
"Ahem," naririndi na ako dahil gusto ko lang na makakain ng payapa. Bigla ko namang binalingan kung saan nanggaling iyon at laking gulat ko sa nasaksihan kong pares ng mga mata.
"Isa pang tinig at makakatikim ka ng isang amor powers na-," sh*t my long lost angel!
"Buteteng walang-hiya?!"
<><><><><><><><><><>