Prologue

26 2 2
                                        

   It was the strangest feeling of solace and tranquility. The kind of feeling where the heavens open wide and divine voices from legions of angels seemed to welcome me. It was the strangest feeling of familiarity. Bizarre but lucid, peculiar but conspicuous.

    I have dreamed and dreamt until my heart can no longer refuse its falling. Silly, but how can I? It was just another eccentric reverie of a foolish Adam in the midst of my uncanny fantasies. But this little chap persists to shadow every trail I go in this vast space of my fragmented and gloomy little fictional mind. But like a ray of light, he came unexpected, I was unprepared. He came when I was about to be swallowed by this huge whole of emptiness. An angel, he was, and redeemed me, he did.

     “Earth to Reynang lutang!?” naputol ang pagmumuni ko nang marinig ang napakatalas na boses ng kaibigan kong si Tessa.

     “Huh? Ano sabi mo?” kunot noo naman siyang napatingin sa akin.

     “My God Reign, gusto mo ba itong kursong Business Ad natin o hindi? Pwede ka namang magback-out at iyong kapatid mong suwail na lang ang ipapa-manage sa business niyo, tutal siya naman ang magdadala sa apelyido ninyo,” saad niya na naglalagay pa rin ng peach lipstick sa mga labi.

     Ah, si Reagan, bunso namin na pinaka-spoiled sa lahat. Tsk, matigas naman ang ulo ng isang iyon. Mas uunahin pa ang pag-gigitara kaysa tumulong sa family business namin.

    “Alam mo naman hindi iyon mapipilit at tsaka, sa tingin mo hindi ako matatanggap ng mga tao dahil babae ako at mapapalitan lang din ang apelyido ko balang araw? Sus, para namang nanaisin kong magpapakasal eh gusto kong magtatandang-dalaga,” saad ko at ipinagpatuloy ang pagngunguya ng aking paboritong Caesar salad.

“Tsk, kulang na lang iispin kong ikaw ang nawawalang kambing ng driver naming si Mang Raul,” sabay irap at kitang-kita ang pagkakadisgusto sa kinakain ko.
  “Masarap kaya ito at mas nutritious pa kaysa sa hamburger na nilamon mo,” irap ko din sa kanya. Aba, akala niya siya lang marunong ng ganoon.

  “But real talk Reyna, I really desired to pursue my dream on being a flight stewardess. How come at ngayon lang sinuway ni dad ang mga luho ko, hmppp!” ika niya na nakapamewang at mas lalong naging madiin ang kanyang kunot-noo. Hahahaha, ang cute niya, sarap niyang ibalibag.

   Oh by the way, she calls me Reyna. Ewan ko lang kung kalian naging kamukha ko si Queen Elizabeth II para bigyan niya ako ng ganiyang palayaw. Pero echos lang iyon! Alam ko naman na may kinalaman iyon sa kahulugan ng name ko which justifies that I was really born to be a queen! Boom! May nanalo na!

“Oh, kahit na hindi kapa mag flight stewardess, remember that your father owns the most famous airport here tsk.”

  “So what gusto kong trabaho iyon. Hindi ko gusto mag-standby lang sa opisina at asikasuhin kung anumang panibagong isyu ukol sa airport namin ang lilitaw na naman.”

  “My God Tessa kahit magkunwari kang flight stewardess sa isang flight, hindi ka naman pipigilan ng mga epleyado roon dahil anak ka ni tito,” sabi ko na ginagaya ang tono niya kanina.

  “Sabagay, may punto ka naman,” tumatango siya na parang unggoy.

  “Tsk, halika na at ma-lalate na tayo, kahit bigatin ang mga pamilya natin, hindi pa rin tayo ligtas kung ipapa-guidance tayo.”

   Una na akong lumakad at pansin kong nilalagay pa niya ang kaniyang make-up kit sa bag niya. Umirap na lang ako sa kahinaan niya.

  Malapit na ako sa building namin ng may isang butete, ay tao na napakawalang-hiya at binangga ako. Sino ba itong buteteng ito at ako pa talaga ang pinili niyang bwisitin?

  Akmang hahampasin ko ito sa balikat nang lumingon ito sa akin. Aba, aba isa na palang grown palaka ang buteteng ito, ay este sh*t anghel ba ito? Nasa langit na ba ako? Pero Lord, hindi ako masama! Oo, plano kong hampasin ang walang-hiyang ito pero hindi naman iyon nangyari Lord! Huhuhuhu

  “Miss, are you okay?”

Sh*t, mala-anghel din ang boses. Ano ba ito, lead vocalist ng church choir nila?

“Okay look I’m sorry if I bumped into you hard, but I’m going to be late for class, here’s my number and contact me if you still have an issue with me,” ika niya sabay abot ng isang card na may pangalan, number at ... address? Grabe naman ang isyung ito at aabot pa talaga sa kanyang tirahan.

   Namalayan ko na lang na nawala siya na parang isang butete, ay este bula. Tinignan ko muli ang card at siniyasat.

Juan Azrael Salazar

09876543210

Imperial Village of Royals

    Wait, teka, hold on, sandali lang, just a sec... village namin iyon ah?

 
<><><><><><><><><><>

IS1: Queen Of Angels Where stories live. Discover now