JACOB POVUmikot ako sa ere saka sinipa ng malakas ang tabachoy na nasa harap ko, tumalsik sya sa basurahan dahil sa lakas non at bago pa man sya makatayo ay binigyan ko sya ng malakas na suntok at ayun tulog. Hinipan ko ang kamay ko at nakangising tumingin sa kasama ko pero napawi iyon at agad na bumusangot saka napakamot sa ulo ng makitang tapos na sila at ako na lang talaga ang hinihintay. Inip nila kong tiningnan, at nakita kong nakapameywang si deus na parang naiinis sya dahil antagal kong mapatumba yun.
"Kahit kelan talaga." pang-aasar ni kurt kaya sinamaan ko sya ng tingin. Ang yabang! Tatlong segundo lang naman ang lamang namin bago nya matapos yung stick man na kalaban nya!
"Yabang mo ah! Ilan ba napatumba mo ha?" hamon na tanong ko. Patukoy kung ilan ba ang kalabang napatumba nya.
"Apat baket ha?" halos mabilaukan ako sa kakatawa sa sinabi nya. Apat? Pft! BHAHAHAHA!
"Nakakainsulto yang tawa mo ah ano papala-" naputol ang sasabihin nya ng sumabat si jenzen.
"Tch tama na nga yan, para kayong mga bata." napailing iling na sabi nya. Napanguso namang nakatingin sa likod nya saka tiningnan ang kasama ko at nang makitang wala na ang mga ito ay agad akong tumakbo pasunod sa kanya at hindi pinansin si kurt na tinatawag ako. Sinabayan kong maglakad si jenzen. Maya maya narinig ko ang malutong mura ni kurt at ng harapin ko ito ay sumlubong sakin ang kamay nya.
PAK!
"Aray ko! Bakit ba?!" napahawak ako sa batok dahil pakiramdam ko matatanggal ulo ko sa lakas ng pagkabatok nya. Tngina saket. Hinilot hilot ko ito habang nakatingin sa kanya ng masama.
"Gago ka! Bakit mo ko iniwan dun?! Siraulo! Pano kung bumangon yung mga yun tas sugurin ako ha!" sigaw nya. Napairap ako. Psh parang bakla.
"O bakit hindi mo labanan? Magaling ka diba?! Kaya ko na yun!" umiwas ako ng aambang babatukan nya ulit ako at mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya. Gagong to di pa nga ko nakakamove on sa sakit tas babatukan ulit ako!
"Nakakailan kana ah!" Akmang babatukan ko sya nang agad syang tumakbo kaya mabilis ko syang hinabol. Nang maabutan ko ay agad kong niyakap ang batok nya at hinila baba saka ko pinaulanan ng malulutong na kaltok sa ulo. Uhm tngina mo ah. Napangisi ako at binitawan sya saka tinaas ang dalawang braso na parang susuko.
"I just take my revenge. Kwits na tayo" ngising asong sabi ko saka hinabol ang ibang kasama. May nadaanan kaming restaurant at doon ko lang naramdaman ang gutom ko. Oo nga pala, dalawang oras na pala ang huli kong kain. Huminto ako at napahawak sa tyan. Tiningnan ko ang mga kasama ko at binigyan sila ng paawang tingin.
"Guys baka naman pwede na tayong kumain? Nagugutom na ko e." at saka ngumuso dahilan para mapangiwi sila. Ang arte! Ang cute ko kaya pag naka nguso!
"For fvcking sake jacob kakakain mo lang kanina. Gutom ka na naman?" iritadong sabi ni son saka nag umpisa na ulit maglakad kaya wala akong nagawa kundi ngumuso lalo at sumunod.
Si Rex ang nasa unahan at walang pakealam sa paligid habang nakabulsa ang dalawang kamay. Walang emosyon ang mukha nito. Ni hindi ko pa nakitang ngumiti o tumawa yan lagi nalang ngisi! Kaya mag papa party talaga ako pag may nagpangiti sa kanya. Seryoso yun.
Si Deus naman ay parang robot na nakasunod sa kanya na nakabulsa din ang kamay. Kaya magkasundong magkasundo talaga sila ni rex e, parehong robot. Hinahangin ang hanggang balikat nitong dark blue na buhok dahilan oara makuha ang atensyon ng iba. Effortless chic magnet.