CHAPTER 4

18 3 0
                                    

THIRD PERSON POV

Nanigas ang panga nang isang binata sa loob ng silid na iyon sa kanyang narinig. Hindi nya alam ang kung bakit ganoon na lang ang reaksyon nya gayong kilala sya bilang isang walang pakealam sa paligid nya pero nang marinig nya ang utos ng kanilang leader ay meron sa kanyang parte na gustong tumutol kaya bago pa man masunod ng ibang miyembro ang utos nito ay nagsalita siya.

"Don't" malamig na wika nya na ikinatigil ni rex na nagbabalak nang pumasok sa kanyang kwarto saka sya tiningnan ng nakataas ang kilay sa pagtataka.

"Why?" nagtataka sya sa inasal ng kanyang kasama dahil ngayon lang ito tumutol sa kanyang utos at ang rason ay ang babaeng ito.

"I think she's tired. Why don't we just let her sleep first? We can talk to her tomorrow why is she here when she's awake" sagot nya na ikinalaglag ng panga ng mga kasama nya. Halos lumuwa pa ang mga mga mata nitong gulat na nakatingin sa kanya.

Gulat na gulat ang mga ito dahil bukod sa ang haba ng sinabi nya ay mukhang nag aalala ito sa babaeng natutulog ngayon sa dorm nila. Hindi nila inaasahan na magmumula sa kanya iyon dahil wala naman itong pakealam sa mga nararamdaman ng tao sa paligid nya.

At isa pa ay ilag din ito sa mga babae. Hindi nila alam ang dahilan pero sa kanilang lahat ay siya lang ang hindi nila nakikitang may kasama o nakakausap na babae. Lagi din nitong hindi pinapansin ang mga babaeng lumalapit sa kanya, wala syang pakealam kahit mag hubad pa ito mismo sa harap nya pero ngayon? ang mag alala sya sa isang dalagang ngayon lang nila nakita ay hindi nila maiwasang magtaka at magulat.

Hindi naman nakasagot si rex sa sinabi nito at timitigan lang sya. Sinururi nya kung bakit ganon nalang ang reaksyon nya gayong ngayon lang naman nila nakita ang babaeng ito? Napatingin sya sa babae at napaiwas din ng tingin bago tumalikod at walang pasabing pumasok sa kwarto nya. Naiirita sa sya pagmumukha nito sa di malamang dahilan.

Nang makapasok sya sa kanyang silid ang mga kasama nya naman ay nanatiling nakatingin kay zion. Oo si zion lang naman ang nagsalita kanina na hayaan munang magpahinga ang babaeng 'to at matulog sa dorm nila. Si zion na walang pakealam sa paligid. Si zion na iwas sa babae. Sya nga. Hindi nila maiwasang mapaisip kung mag kakilala ba sila? Dahil hindi naman makakaganto si dos kung hindi.

Si zion naman ay malamig lang tiningnan ang mga kasama bago pumasok sa silid na parang walang nangyari. Alam nyang di sya tatantanan ng mga yon kaya magpapahinga na lang sya. Bago pa nya isara ang pintuan ay tjningnan nya pa ang babae saka marahas na napailing saka tuluyang sinarado ang pinto. she look familiar.






HER POV.







"Ugh!" napaungol ako ng bumagsak ang katawan ko sa sahig. Bumangon ako at napahawak sa balakang ko. ouch. napangiwi ako. ang sakit pashnea.

Nag angat ako ng tingin at natigilan ako ng mapagtantong hindi ito ang kuwarto ko.

where i am!?

Nanlalaking matang nilibot ko ang paningin sa paligid, nasa sala ako. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ang malaking sofa at sa tingin ko ay dito ako natulog kaya ganito nalang kasakit ang katawan ko.

Dahan dahan akong tumayo at nilibot ang paningin hanggang sa huminto iyon sa pamilyar na maleta. And it hits me. Napatampal ng noo at bumalik sa sofa saka umupo don. Oo nga pala andito pala ako sa dormitoryo.

~kruuuu~

Napahawak ako ng tiyan ng malakas na tumunog ito. Oo nga pala hindi nga pala ako kumain kagabi.

"Saan ba ang kusina dito nagugutom na ko" masyadong malaki ang dorm na 'to para sakin. Tumayo ako at hinanap ang kusina. Sa tingin ko ay pang sampung tao 'to. May nakita pa akong hagdan pataas at tingin ko ay merong mga kuwarto doon, mamaya ko na ililipat ang gamit ko dahil ang kailangan ko ngayon ay pagkain. Masamang pinaghihintay ang alaga ko dahil bumubuga ito ng apoy.

Nang makarating ako nang kusina ay dumiretso agad ako sa ref na parang nasa mansion lang. Kumuha ako ng madaling lutuin dahil nagugutom na talaga ako saka ko niluto. cooking is one of my hobbies. Nagtimpla na rin ako ng kape ko bago ko ilagay sa pinggan ang niluto ko. fried rice, bacon, egg and hotdog. Sa counter table na ko kumain dahil masyadong malungkot kung mag isa akong kakain sa dining table.

Habang kumakain ay nakarinig ako ng mahinang yabag. Wag mo sabihing magnanakaw dito? Humigpit ang hawak ko sa tinidor at tiningnan ang bakuna ng kusina. Pag nakita ko ang unggoy na naglakas loob manghimasok sa dorm ko titinidorin ko talaga sya makikita nya.

Nang nakita ko anino ng unggoy na papasok na sya ay tinaas ko ang kamay kong may hawak na tinidor. Nang makapasok na ito ay napakurap ako, ang tinidor na balak ko na sanang ihagis ay nabitin sa ere. Hindi ko maiwasang mamangha sa simpleng galaw nya. Para syang modelo. Napakagwapo. Mabagal ang hakbang nito pag pasok ng kusina habang kinukusot ang mata. Halatang bagong gising lang. Ngunit napakurap ako nang may mapagtantao.

"Who are you?"

Natigilan ang lalaki at napatingin sakin. Matapang kong tiningnan ang mata nya habang sya ay napako sa kinatatayuan nya at gulat na nakatingin sakin.







































:)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Brat In All Boys SchoolWhere stories live. Discover now