"Ang ganda ng tanawin diba" sabi ko dito habang nakatingin sa dagat nandito kami sa dalampasigan.
"Oo ang ganda sobra" sagot niya, habang nakatingin sakin.
Akala niya siguro ay hindi ko iyon nakikita, nakatingin siya sakin na para bang ako ang pinakamaganda sa paningin niya.
Nagfefeeling lang talaga ako hehe.
"Wag mo akong masyadong titigan, baka matunaw ako" pangaasar ko dito habang nakatingin parin sa tanawin.
Kitang kita ko sa gilid ng mata ko kung paano siya namula, kaya humarap na ako sa kaniya.
"Hoy anong- ang kapal mo ah! Nakatingin ako sa dagat hindi sayo" tanggi nito sakin habang magkasalubong ang kilay at umiwas ng tingin sakin.
Napangiti ako, hindi ko alam kung bakit pero hindi ko mapigilang ngumiti sa kaniya.
"Umamin kana, alam ko naman na maganda ako eh, promise hindi ako aangal" lalong pangaasar ko dito, habang tinutusok ang tagiliran nito, umaangal siya pero tumatawa din naman, abno.
"Hindi nga ikaw, muka kang kuyukot" sabi nito sakin, gago to ah!.
"Kung hindi ako ang tinititigan mo, bat ka muna namumula?" pang-aasar ko parin dito.
"Kasi nga aeliana mainit" palusot nito sakin, agad naman akong tumawa para lalo siyang maasar.
"Oh talaga elara?" panunusot ko dito lalo.
"Ewan sayo! Manahimik ka na nga lang dyan" sagot nito sakin, dahilan para lalo akong matawa sa itsura niya.
Sandaling katahimikan ang bumalot samin, parehas lang kami nakatingin sa alon ng dagat.
Nang malapit na lumubog ang araw ay bumangon na siya at umupo sa tabi ko.
"Thankyou" sabi ko dito, naramdaman ko na tumingin siya sakin.
"Para saan?" takang tanong niya sakin, agad naman akong ngumiti.
"Kasi dinala mo ako dito" nakangiting sabi ko sa kaniya habang nakatingin parin sa unting unti lumulubog na araw.
"I'll do anything for you" sagot niya sakin, agad akong humarap sa kaniya.
"Bakit? Dahil kaibigan mo ako?" Kakaiba lahat ng kilos niya sakin, hindi ako manhid para hindi yon mahalata.
"Dahil mahal kita." At tuluyan ng lumubog ang araw.
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses,place, events and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Remember plagrism is a crime.
YOU ARE READING
UNDER THE SUNSET (ON-GOING)
Teen FictionAeliana she's the kind of person who likes watching the sunset, para sa kaniya ito ang pantanggal niya sa stress. Araw araw niya sinasabi sa sarili niya na wala siyang iibiging iba, bukod sa araw.