Chapter 1 - Ayoko na ng Reunions

7 1 0
                                    

I used to love reunions. Noong mga panahong hindi pa masyadong lumilipas ang taon, kabilang ako sa committee palagi. Walang palya. Ako ang laging tinatawagan kasi ako daw ang pinaka-experyensyado. 

Mula sa pagpaplano, sa pag-contact ng mga kaklase or ka-batch namin at maging sa logistics ng event, ako ang inaasahan nila. Hindi ko nga alam kung bakit. Pero ang naalala ko, hindi ako sikat noong highschool ako. 

Hindi ako kabilang sa mga popular kids. 

Hindi rin ako kabilang sa mga sutil na estudyante noon. 

Ang totoo niyan, hindi ko talaga masasabing nakikilala ako ng kahit na sino. Gusgusin, walang ka-impact-impact sa komunidad. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing dumadating ang panahon ang Reunions kada taon, nagri-ring ang cellphone ko. At ang tumatawag? The popular kids way back in highschool na gustong tulungan ko silang mag-reach out sa iba pa naming mga kaklase. 

Ironic nga minsan eh. Kasi, ni hindi ko kilala ang buong batchmates namin. Paano nangyari'ng ako ang tinatawagan nila?

But since I was bored, I said yes. I guess it's also a way for me to have a different perspective. 

I need some new things to see para sa mga isinusulat kong mga nobela. 

That's right. I'm a writer. A novelist to be exact. 

Pero walang nakakaalam. 

I use a pseudonym and all throughout, I tell people that I do freelance works. And anyone will believe it given the age I am in now. 

But this year, year 2023, I am no longer involved. 

Kaya laking gulat ko nang namutawi sa screen ng laptop ko ang isang imbitasyon. 

You are invited to our highschool reunion!!!

Complete in three exclamation points, font is Helvetica. 18 and font size. 

Sa baba ng e-invite ay iilang picture noong dati pa kaming mga teenager. 

Ni hindi ko na hinalukay at inusisi ang mga larawan dahil alam ko namang wala ako doon. 

Iilang taon na nga ba ang lumipa simula noong huling sumali ako sa reunion na yan?

Halos bawat taon may imbitasyon. Bawat taon din, may group chat na binubuo para sa lahat ng ka-batchmates namin. 

At bawat taon matapos ang taong huli akong sumali, silent participant lang ako. 

Indian Mango every year. Dahil hindi naman na din ako sumisipot. 

Pero this year, parang napapaisip ako. 

"Hoy!" sabay bagsak ng halos sampung folder sa mesa ko. 

Nang umangat ang paningin ko, nakita ko ang matalik kong kaibigan sa trabaho. 

"Kung makabagsak ka naman ng folders diyan, gulantang buong utak ko. Nawala tuloy, umalis."

"Ano ba kasi yang tinititigan mo diyan sa monitor mo?" nakapameywang pa si Alice na nakikiusyoso.

Mabilis ko namang na-minimize ang pahinang tinititigan ko kanina pa man. 

"Wala. Masyado kang pakialamera eh. Ano ba 'tong mga 'to?"

"Backlogs mo. Napapadalas na yata to ah."

Backlogs, ang pinaka paborito kong salita sa trabaho ko. 

Sa umaga, isa akong copy editor sa isang kilalang newspaper. A silent job in a place filled with a huge mass of people. 

Sa gabi, isang nobelista. 

Sa loob ng iilang taon, nakapaglathala na ako ng iilang nobela. Kalimitan naayon sa trope na usto ng karamian. Billionaire, Mafia, Werewolf, Vampire at kung anu-ano pa mang trope ang naiisipan ng mga publishing company.

BATCHMATES SERIESWhere stories live. Discover now