7th scourge

119 3 0
                                    

Tahimik kong pinanonood ang aming professor na kasalukuyang ibinibigay ang resulta ng semester exam. Nilingon ko si Vince na walang kakabakabang hinihintay ang kaniya. Nagtama ang paningin namin nang lumingon siya sa akin. I gave him a smile before looking away.

Nabahiran ng dumi ang magandang imahe niya sa paningin ko matapos malamang nandadaya siya sa pag-aaral. Hindi ko pa siya kinakausap tungkol doon dahil hindi ko alam kung paano iyon sisimulan.

Mahigpit kong hinawakan ang ibinigay sa aking papel, nagdadalawang-isip pa kung titingnan ba ito o huwag na lamang.

“Don't be nervous. Kung sakaling mababa ang makuha mo, puwede ka pa rin namang bumawi sa susunod,” bulong ni Vince nang mapansin ang aking pagkabalisa.

Marahan ko siyang sinuklian ng ngiti bago ako huminga nang malalim at unti-unting sinilip ang papel.

I got a straight A.

Kaagad ko rin itong inilapag sa armchair matapos masilayan. I already expected this. Hindi na ako nagulat pa sa nakuha dahil ito naman talaga ang inasahan ko matapos basahin ang mga laman ng hard drive.

I suddenly feel relieved. Kung magpapatuloy ito, paniguradong mas magiging madali ang pagiging buhay estudyante ko, malaki rin ang tulong nito sa pagsasaayos ng aking schedule. I don't have to waste so much time to study anymore.

Nilingon ko ang hawak na papel ni Vince. He also got the same score as mine.

Nang matapos sa pagbibigay ng results, lahat kami ay naging abala na sa pag-aayos patungo sa science lab para ipagpatuloy ang discussions tungkol sa panibagong lessons. Umalis si Vince para kuhanin ang ilang mga gamit niya sa locker.

“Congrats, Daisy!” Bianca greeted before taking Vince's empty seat. I smiled faintly, concerned that she might spread what I had done incase she already knew.

Binasa ko ang aking labi nang mapatingin sa amin ang ilan naming blocmates. Inayos ko ang aking mga gamit at tumayo na.

“Sandali! Bakit ka naman tumatalikod kaagad? Mag-usap muna tayo.” Hinawakan niya 'ko sa braso't hinarang ang sarili para hindi ako makaalis. Dumapo ang mga mata ko sa direksyon ni Vince na nakabalik na pala, habang nagtatakang pinagmamasdan kami mula sa may pintuan.

“Ano ba ang gusto mong... pag-usapan?” mahina kong tanong, pasimpleng tinitingnan kung may nakamasid ba sa amin.

Humalakhak siya, bahagya niya pang hinampas ang aking balikat habang nakatingala. I smiled awkwardly.

“Hindi pa pala ako nakakapagpakilala nang maayos sa iyo 'no?” umiling ako't muling sinulyapan si Vince. Isinandal niya ang kaniyang likod sa may pintuan habang ang dalawang braso'y nasa harap ng dibdib, hinihintay ang paglabas ko. Nag-iwas ako ng tingin.

"Bianca,” muling pagpapakilala niya, inilalahad ang kamay sa aking harapan. Mabilis ko iyong tinanggap para makaalis na at para hindi na mabuo ang pagdududa kay Vince. But, Bianca slightly pushed me back when I stepped forward, making me stepped backwards. Nakuha namin ang atensyon ng mga nasa loob nang gumawa ng kaluskos ang upuan dahil sa mahina kong pagtama roon.

She drew a wry smirk on her lips, as if she already knew what I'd done despite the fact that I hadn't told anyone.

“Huwag mo na akong kakalimutan, ha? Tinulungan naman kita, 'di ba?” nakakurap-kurap ako sa diretsahan niyang sinabi. Malakas ang boses niya kaya napapatingin na sa gawi namin ang iba! Matuwid akong tumayo at diretsong siyang tiningnan sa mga mata, pilit na itinatago ang nararamdamang kaba.

“S-sige, Bianca... salamat, ah, mamaya na lang ulit-”

“Saan mo siya tinulungan, Bianca?” tanong ni Margarette! Siya ang presidente sa room kaya sigurado akong malapit sila sa isa't isa ni Bianca lalo pa't namamataan ko rin silang magkasama.

Scourging with the waves (EL Azaleas Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon