Scourge

654 24 4
                                    

I checked myself once more in front of the mirror. Tumayo ako para tingnan ang kabuuang itsura. Tuwid at itim na itim ang aking buhok na halos hanggang baywang ang haba. Pinahiran kong muli ng pulang lipstick ang aking labi at saka iyon ipinagdikit sa isa't isa. I am wearing a white sleeveless dress with a cut on the legs part, showing my glowing pale skin. Bagsak na bagsak din ang buhok ko't bakas ang nararamdaman kaba sa mukha.

Narinig ko pang muli ang pang-ilang ulit nang pagkatok ni Aling Sella sa pintuan ng aking kwarto. Sa ikatlong pagkatok niya'y inanyayahan ko na siyang pumasok sa loob.

She entered the room while I'm still checking myself. Nagkatitigan kaming dalawa sa harap ng salamin dahilan para magmadali siyang maglakad papalapit.

I turned around when she reached my direction. Kaagad niyang ikinulong ang mukha ko sa pagitan ng dalawa niyang kamay habang nakatingala sa akin.

“Ang ganda-ganda mo! Paniguradong pagtitinginan ka ng madla mamaya, hija!”

Nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa mga sinabi niya. Iniisip ko pa lang ang mga mangyayari mamaya'y parang gusto ko na kaagad mag-back out.

“Anong oras po ba matatapos 'to?”

Mahina niyang hinampas ang braso ko matapos marinig ang aking tanong.

“Hindi pa nga nagsisimula, gusto mo na kaagad matapos? Ito na ang araw na para sa iyo, Daisy!”

I just answered her with a forced smile. Ipinihit ko ang aking ulo patungo sa direksyon ng malaking salamin para muling pagmasdan ang sarili. Unti-unting naglaho ang mapagpanggap kong ngiti nang muling kumabog nang mabilis ang aking dibdib.

I am forcing myself to believe that this day is for me. But I guess, believing in the things that aren't real, can only make you feel even more insecure. Kagaya ng nararamdaman ko ngayon.

“Happy birthday, Daisy!” Vince greeted as he handed me a pile of flowers. Humalik ako sa kaniyang pisngi bago tuluyang tinanggap ang tumpok ng mga bulaklak.

Tinangay ng hangin ang nakalugay kong buhok. I stared at the driveway filled with cars. Madilim na sa labas at tanging ang liwanag na lang mula sa mga buildings at mga sasakyan ang nagbibigay buhay sa paligid.

Niyakap ko ang aking sarili nang makaramdam ng lamig bago muling nilingon si Vince na kanina pa pala nakatingin sa akin. He smiled when our eyes locked.

“Bakit narito ka sa terasa? You should go inside. Minsan lang ʼto,” mungkahi niya, dahan-dahang pinapagapang ang kaniyang mga daliri patungo sa aking baywang. Panandaliang nawala ang lamig na nararamdaman ko dahil sa braso niya ngunit mabilis din ʼyong bumalik nang umihip ang hangin sa mas malakas na paraan.

We both laughed when my long, black, straight hair hit our face because of the sudden blow of the wind.

“Ang dami-daming tao sa loob. Nakakahiya,” sagot ko. Umiling-iling siya habang nakangiti, sumabay sa galaw ng kaniyang ulo ang buhok niyang halos matakpan na ang kaniyang mga mata.

I stared at him as the light from the party inside landed on him. Nadepina ang mapusyaw niyang balat nang magtagal sa kaniya ang ilaw mula sa loob. Inayos niya ang necktie sa suot niyang tuxedo bago ako binalingan.

Wala akong balak pumasok sa loob. Wala akong balak maki-party kasama ang iba't ibang tao ngayong gabi. Their presence makes me feel so conscious. Hinihintay kong lumipas na ang gabing ʼto para matapos naʼt makapagpahinga na ʼko.

Ang lahat ng plano ko ay nakasulat na sa aking isipan. Naghihintay na lamang na isa-isa silang matupad. But, all of them disappeared when I heard a footsteps from behind us. Nakilala ko ang mga yabag kaya dismayadong bumuntong-hininga ako bago lumingon.

Scourging with the waves (EL Azaleas Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon