NAGISING ako nang dito naka-tulog sa sala. At mukhang papagurin ko ang sarili ko sa trabaho dahil weekend ngayon at walang pasok.
Nag-toothbrush at nag-hilamos muna ako bago mag-luto ng agahan. Ngunit tumunog ang tatlong sunod-sunod na katok sa pintuan kaya walang choice kundi buksan.
Sino naman kaya ang intruder na bibwisit sa araw ko!
Pag-bukas ko nang pinto ay bumungad saken ang mukha ni Marcus at may dala syang mga pagkain. Umalis ako sa pinto para papasukin sya. Walang bago lagi syang ganito simula nang maging malapit kame. At hindi na ako mag-tataka na lagi syang nasa labas ng bahay ko tuwing umaga.
"Problema?" tanong ko pero as usual walang sagot na matino.
"Makiki-tulog sana ako" sabi nya at umupo sa sala na kinalaunan ay nahiga na din.
"Nang-iinis ka na naman. May trabaho ako ngayon kaya hindi ka pwede dito" sabi ko at binuksan ang dala nyang pag-kain. "At uminiom ka ba kanina ko pa naaamoy ang alak sayo" pagka-ano'y tanong ko
"Malapit yung pinag-celebrate-tan ng birthday ni Monique dito kaya dito na ako dumiretso para na din matulog buong gabi kagabi nag-saya eh" paliwanag nya ngaunit naka-pikit na at ang isang braso ay nakapatong sa noo.
OMG! kung hindi lang talaga ako nag-pipigil matagal ko nang pinag-pantasyahan ang kagwapuhan nitong Adonis na to.
"Okay dito ka lang ha, wag kang gagalaw nang kung-ano ano dito kundi hindi ko na ikaw papasukin sa loob nang bahay ko" kundisyon ko sa kanya pero wala na akong narinig na sagot kundi hilik na lang nang isang natutulog.
"Hayy salot ka talaga sa araw ko, kundi ka lang gwapo matagal ka nang abandonado sa katamaran mo sana man lang sumagot ka nang ('Oo mikay wala akong gagalawin sa gamit mo sige na mag-trabaho ka na') eh kaso kahit nga pangalan ko or palayaw hindi mo binabanggit puro ka babae! hoy babae! bakit babae ang tawag mo saken ang ganda nang pangalan ko pero bakit iba ang tawag mo saken" hayst! bwiset kahit leksyonan ko sya tulog naman. Hindi rin naman nakikinig kahit gising kaya mag-sasayang lang ako nang laway sa kanya.
Tinapos ko na ang pag-kain ko at naligo. Habang sya ayun tulog. Kunomutan ko sya bago umalis at pumunta nang trabaho. Kailangan ko bumyahe nang kahit 15 minutos papunta sa Restaurant Caffe na pinagta-trabahuan ko.
"Good morning Mikay eto pina-aabot nang amo naten" si Debbie at inabot saken ang isang Puting envelope na may laman na pera.
"Debbie hindi pa ako sasahod kaya baka mali sila. At hindi ganyang kalaki ang sahod ko. Kahit buwan ako mag-trabaho ako nang isang taon dito hindi ganyang kalaki ang pera na sasahurin ko" binalik ko sa kanya ang mga pera.
"Mikay hindi mo ba alam na nabili na itong Caffe at ikaw ang dahilan kaya binili ito" masayang sabi nya.
"Anong ako wala naman akong ginagawa!? Sino daw ang naka-bili?" tanong ko dahil nakakapag-tako papaanong naging ako.
"Ahhm Ms.Briell Alcantara ang pangalan nya yun ang pakilala nya" saad nya.
"Hindi ko sya kilala bakit napaka-mysterious naman nya eh wala nga akong ginagawa" maktol ko
"Hay tumigil ka na nga ng page-emote mo ang sabi nya bumalik ka daw dito after one week dahil bakasyon daw muna tayo kase may ipapaayos pa daw sya bago ulit to buksan" sabi nito. Medyo nagulat ako sa balita nyang iyon. Medyo masaya ako pero parang nakakapag-taka naman. Pero alam ko naman na wala din akong magagawa kase desisyon iyon ng 'new owner' nang Caffe buti pa nga at may trabaho pa ako next week. At may sobrang laking pera pang binigay.
Napapansin ko na sobrang swerte ko nitong mga sunod-sunod na araw. Ito na ba ang pag-hinto ng spotlight para saken!?.
Bago ako umuwi ay bumili na muna ako nang mga pag-kain. Syempre kailangan din para sa yayamanin na si Marcus. Nag-grocery na din ako para sa pang-araw araw na pag-kain ko.