Simula

7 2 0
                                    

Simula

Sa edad na 35 ay wala paring asawa si Asuncion Lagmadeo. Madalas nga siyang pagsabihan ng mga kaibigan na nalilipasan na raw siya ng panahon.

Ulila na siya sa mga magulang at may sarili naring pamilya ang kanyang mga kapatid kaya mag-isa nalang siyang naninirahan sa mumunting bahay na napundar niya  ng dahil sa kanyang maliit na parlor.

Hindi maipagkakaila ang kagandahan ni Asuncion lalo na nung kanyang kabataan.

Chivalrous suitors flocked in front of her house but she never liked any of them. Maybe because there's a certain guy that already caught her heart.

"Magandang umaga, Asuncion. Saan ba punta mo? Hatid na kita." Leviano's famous line whenever Asuncion is waiting for a tricycle.

Ipinarada niya ang kanyang pulang tricycle sa harapan ng dalaga saka bumaba.

He's wearing a well-ironed polo shirt with his maong jeans. Maayos rin ang pagkakahati ng buhok niya sa magkabilang gilid na paniguradong nilagyan pa ng gel na binili kay Aling Belen.

Pareho sila ni Asuncion na nasa 35 na at wala pang asawa.

"Ah sige at tanghali narin naman. Kailangan ko pang magbukas ng parlor." malumanay na sabi ni Asuncion at dahan-dahang pumasok sa loob ng sasakyan na di man lang tinatapunan ng pansin ang binata.

"Napakamasungit talaga ng aking iniirog." bulong ni Leviano sa sarili.

Ganito ang eksena nila tuwing umaga. Ihahatid ni Leviano si Asuncion at magtatalo sila dahil ayaw tanggapin ni Leviano ang bayad sa pagsakay ni Asuncion.

"Wala akong barya kaya diyan muna lang yan." laging palusot ni Leviano.

"Kunin mo na kasi itong bente. Nakakahiya na. Palagi mo nalang akong hindi pinagbabayad." pagpilit pa ni Asuncion ngunit hindi parin talaga tinanggap ng binata ang bayad.

Tumalikod na si Asuncion para hagilapin ang susi ng parlor ng tawagin siyang muli ni Leviano na sa ngayon ay naka-angas na sa kanyang tricycle.

"Ah Asuncion, pupunta ka ba mamaya sa sayawan?"

Natigilan si Asuncion at nag-isip. " Siguro, kung ayain ako nina Adelia at Norma."

"Talaga? Aasahan kita ah." ngumiti ng pagkatamistamis ang binata bago pinaandar ang tricycle at umalis.

Buong araw sa pamamasahero ay hindi mabura ang ngiti sa labi ni Leviano dahil sa antisipasyon.

Samantalang si Asuncion naman ay abala lalo na't maraming nagpagupit at nagpa-pedekyur dahil sa may sayawan na naman mamayang gabi sa sentro. Katulong niya ang mga kaibigan na sina Adelia at Norma sa pag-aasikaso ng mga customer.

Sumapit ang ala-sais ng gabi. Both Adelia and Norma are already dressed up para sa sayawan. Meanwhile, Asuncion remained sitting on the couch. She felt drained and tired the whole day.

" Oh, ba't di ka pa bihis? Kakain nalang tayo kina Aling Belen bago dumiretso sa sayawan." si Norma na abala sa pagpapantay ng kilay niya.

Humikab muna si Asuncion bago sumagot. "Uuwi muna ako sa bahay para maka-idlip kahit konti tas sunod ako sainyo sa sentro. Kayo na ang bahalang magsara nitong parlor, ah."

Matapos ang pag-alis ng sinasakyang tricycle ni Asuncion pauwi ay saktong pagdating naman ni Leviano na siyang ikinatuwa ni Adelia, na matagal naring may itinatagong pagsinta sa binata.

"Si Asuncion?" tanong ni Leviano sa dalawa.

"Ay naku, umuwi na. Eh inaaya nga namin, ang sabi susunod daw siya. Alam mo naman yung sasabihin lang na susunod pero hindi naman darating." sagot ni Adelia at inilagay pa ang isang takas ng buhok sa likod ng kanyang tenga.

Nakaramdam ng pagkadismaya si Leviano. Kitang-kita iyon sa malungkot niyang ekspresyon.

"Wag kang malungkot dyan, Levi. Malay mo pupunta iyon si Asuncion kaya dapat mag-ayos kana para magandang lalaki kang haharap sa kanya mamaya sa sayawan." pampalubag loob naman ni Norma.

Sa mumunting pag-asa na iyon kumapit si Leviano. Kaya naman naghanda siya. Nagbihis ang plantsadong puting long sleeves at itim na slacks. He paired it with his new polished black shoes. He neatly combed his hair and put a gel on it as he always does.

Mag-aalas otso na ng dumating siya sa sentro. Namataan niya ang mga kaibigan na nasa tindanan ni Aling Belen. Bumibili ng beer at pulutan.

Umaalingaw-ngaw ang tugtog na nang-gagaling sa inarkilang speaker ng baranggay. May kaunting nagsasayaw na sa loob ng palitada.

"Oh pare! Pangmalakasan ang porma mo ngayon ah. Para ka ng mamamanhikan niyan." biro ni Lito kaya nagtawanan naman ang iba pang kakilala niya.

Sumapit ang alas nuebe at nagkayayaan ng sumayaw ang mga kaibigan niya samantalang siya ay nanatili lamang na nakaupo at nakaabang sa entrada ng palitada. Hinihintay ang pagdating ni Asuncion.

"Levi, hindi na ata darating si Asun. Tara, tayo nalang ang magsayaw." aya ni Adelia kay Leviano ngunit tinanggihan lang siya nito at sinabing hihintayin parin si Asuncion.

It's already 10 in the evening but there's no sign of Asuncion's arrival. The DJ started playing love songs and most of couples are already sweetly dancing in the middle of the pavement.

"Asuncion...." Leviano whispered. He immediately left his seat to welcome the advent of the woman he's been waiting for.

Mula sa entrada ng palitada ay pumasok si Asuncion na nakasuot ng isang puting puffed peasant sleeve dress. Habang naglalakad ay inaayos niya ang neckline ng suot na bestida dahil bahagyang nakalabas ang cleavage ng dibdib niya.

May magkasintahan na naghihilahan kaya nabangga ng di sinasadya ang dalaga.
Agad na tinawid ni Leviano ang distansya nila ni Asuncion upang masalo ito.

He caught her in his arms. While the disco lights is illuminating the whole pavement.

Everything went slow. He put her hands on his chest as he snaked his arms on her small waist.

Unconciously, their feet move together with the mellow music. As their heartbeat sang in one rhythm.

Natapos ang gabing iyon na sa limang tugtugin ay isinayaw lang nila ang isa't isa.

Year 1999, he had his first dance with Asuncion Lagmadeo.

🥀





Pag-ibig Na Hindi NasabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon