Gitna

5 1 0
                                    

Gitna

Dumating ang fiesta at umuwi ang tiyahin ni Asuncion na may kasamang binata na inerereto sa kanya. Si Herman, isang taga maynila na may-ari ng isang pagawaan ng sapatos.

Sunod ito ng sunod kung saan man pumunta si Asuncion. Ito na ang naghahatid at nagsusundo kay Asuncion sa parlor gamit ang magara nitong kotse. Hindi naman makatanggi si Asuncion dahil may utang ang kanyang tiyahin dito at mabuti naman ang pakikitungo sa kanya ni Herman.

Palagi namang nakikita ni Leviano ang pagkakasama ng dalawa kaya wala nalang siyang nagagawa kundi dumistansya. Lalo na at pinagsabihan siya ng tiyahin ni Asuncion.

"Anong ibubuhay mo sa pamangkin ko! ha! Yang pagtatricycle mo! Hindi ako papayag na ikaw ang makakatuluyan ni Asuncion. Magbubuhay daga siya kasama mo!"

Nakaramdam siya ng panliliit dahil sa mga salitang binitawan nito. Hindi man marangya na buhay ang maibibigay niya kay Asuncion ngunit alam niyang hindi niya ito pababayaan kahit anong mangyare.

When Leviano distance himself, that was also the time when Asuncion and Herman had the time to get to know each other.
Ngunit sa bawat oras na kasama ni Asuncion si Herman ay ibang lalaki ang nasa isip nito.

Leviano keeps bugging on her mind. She's wondering why he's not insinuating to her anymore.

That question never leave her even after 10 years.


🥀

Pag-ibig Na Hindi NasabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon