Sunshine’s POV
“ICE SI RAIN NASA PARK’S HOSPITAL NGAYON! NABANGGA ANG SINAKYAN NILA, BILISAN MOO!!”
*toot toot toot*
Agad naman niya akong binabaan ng phone well, ang totoo--
“Hello?”
“Kanina ka pa namin tinatawagan pero di ka macontact, alam mo naba ang balita?”
“Ano?”
“Nasan ka ba kasi? Magkita nalang tayo sa may upuan malapit sa cr” at binabaan na naman ako ng phone,
“Oh ano ang balita?” tanong ko kaagad sa kanya pagdating ko
“Na delay ang flight namin” malungkot na sabi niya, but omg sumasang-ayon si tadhana sa plano namin
“Wag ka ngang ganyan dapat happy ka”
“Ewan ko sayo, ikaw nga ‘tong mukhang masaya eh” here we go again susuyuin ko na naman ang mahal na prinsesa
“Sorry na Ulan, Masaya lang naman ako dahil makakasama pa kita, oh nasan sila tita?”
“Ano ka ba hindi pa ako mawawala, grabe ka naman. Bumili lang sina mom ng pagkain babalik din yun kaagad” ang totoo niyan eh hindi talaga nabangga ang sinasakyan nila, sinabi ko lang yun kay Ice para masabi niya na ang feelings niya for Rain, we planned it, we dahil marami kami pati sina tita at parents ni Ice kakonchaba namin alam na nila ang lahat, hindi ko nga inexpect na madedelay ang flight nila Ulan pati si tadhana sumasang-ayon sa plano namin.
“Ulan saglit lang ha” tumakbo agad ako, pumwesto ako malayo sa kanya para hindi niya marinig ang boses ko
“Sunshine may problema, traffic kasi matatagalan pa siguro si Ice bago makarating dito”
“Okay basta galingan niyo ha, text text na lang tayo” this time ako na ang bumaba sa phone para naman hindi ako yung palaging binabaan hehehe
“Ba’t kailangang dun ka pa sa malayo pumwesto?”
“Maingay kasi dito” hindi na siya kumibo
”Kanina ka pa tingin ng tingin sa phone mo,may problema ba”
“Uhm wa-wala tinitingnan ko lang ang oras” kanina pa pala niya ako nakikitang tumitingin sa phone ko, tinitingnan ko lang ang oras ini-estimate ko kung anong oras makakarating si Ice sa ospital siguro nandun nayun mahigit limampung minuto na ang nakakalipas
“Hello, sino po to?”
“What? Okay sige po” and then I ended my fake call, pinindot ko lang ang ringtone at nagkunwaring may tumatawag sa akin at boom yun na nagsimula na naman ang acting skill ko best actress yata ako
“Rain, si Ice nasa Park’s Hospital nabangga ang sinasakyan niya!” siyempre bago pa siya maka react hinila ko na siya papuntang parking lot
“W-what? Are you sure? Pano nangyari” malapit lang naman ang ospital dito sa airport mga 10 minutes lang at hindi naman traffic
“Aba ewan ko nandun ba ako?” nagsimula na naman ang acting skill ko kaya ko ‘to!
“Sunshine seryoso ako” aish ang rami pang tanong
“Alam mo tumahimik ka na nga lang, pati ako kinakabahan sayo” at ayun tumahimik na din, ako ang nag drive sa kotse
“Wait last na to, sina mom, alam ba nilang tumakas tayo? I mean hindi tayo nagpaalam sa kanila baka hana-“
“Ulan may tumakas bang nagpapaalam I mean ako na ang bahala just calm down”
@PARK’S HOSPITAL
BINABASA MO ANG
Dear Crush, Bakit Hindi Mo Ako Crush?
Cerita PendekDear Crush, Bakit Hindi Mo Ako Crush? Malalaman ko kaya ang sagot?