(30S-1) GRACE

7 0 0
                                    

30 MINUTES Soliloquies

(30S-1) GRACE

30 minutes.

Maraming pwedeng mangyari sa loob ng trenta minutos diba?

Kunwari nasa dyip ka, tapos natraffic ka for 30 minutes.
Anong gagawin mo para hindi ka mabore?

Gagayahin mo rin ba ang mga katabi mong natutulog? Nagsosoundtrip? At naglalaro ng cellphone?

Ilang beses na akong natrapik, Francis.
Hindi ko na mabilang.

Maraming beses ko naring nagawa ang mga bagay na iyan para mapigilan ang bagkabagot

Pero kanina,

30 minutes na ang nakakalipas,

Sa loob ng mabilis na oras,

Minahal kita Francis.

MINAHAL KITA.

Alam kong nakakatawa, pero ganoon talaga ang nangyari.

Hindi ko sinasadya.

Ginusto kong malaman mo ang nararamdaman ko..

Pero ayokong maging substitute sa babaeng mahal mo.

Francis..
Ayoko.

Ayokong maging isang alaala na nakatitig lang sayo sa araw araw na ginawa ng Diyos.
Hindi ako makukuntento sa kalagayang iyon.

Gusto ko kahit minsan, mahalin mo ako.
Na kahit minsan, ako lang ang tinitingnan mo.

Mahalin mo ako, kahit sa nalalabing limang minuto bago lamang umandar ang sasakyan.

Mahalin mo ako Francis, kahit saglit lang..

Saglit lang bago ka tuluyang bumaba..


=============================

Credits to @shirlengtearjerky, The Despicable Guy Book1.

This monologue is intentionally rephrased.

30 minutesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon