(30S-2) FRANCIS

5 1 0
                                    

30 MINUTES Soliloquies

(30S-2) FRANCIS

Sabi mo 30 minutes.

Akala mo ikaw lang ang nahulog sa loob ng trenta minutos na yun?

Grace, ako rin!

Minahal din kita habang nasa gitna tayo ng trapik na mukang ayoko ng matapos.

Sa loob ng 30 minutes na yon.

Naramdaman ko na pwede pa pala akong sumaya.

Grace, hindi ko masabi sayo kasi natatakot ako.

Natatakot, na baka hindi ko mapatunayang hindi ka lang basta substitute sa babaeng minahal ko.

Grace, natakot akong baka masaktan lang kita.
Napuno ako ng takot ng marealize kong minahal nang talaga kita.

Kasi alam ko ang pakiramdam ng taong nakatingin lang.

Ng taong, isang alaala lang.

Nag iintay na mapansin kahit saglit.

Pagkt ganun ang nangyari sa amin.

Sa loob ng 30 minutes na yon.

Grace,
Minahal kita.

Minahal dahil alam kong sayo ako sasaya.

Sayo ako malulunod.

Kung hindi lamang talaga ako bumaba ng jeep para maglakad..

Sana may tayo pa.

Pero bakit ganun Grace?
Mahal mo ako diba?

Bakit di ka rin bumaba ng jeep para sundan at sabayan ako sa paglalakad?

At sa gayo'y ang 30 minutes na nakalipas,

Ay di sana 30 minutes lang.


=============================

Credits to @shirlengtearjerky, The Despicable Guy Book1.

This is monologue is intentionally rephrased.

30 minutesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon