Mata.

22 3 0
                                    

Loui's pov

Madali din naman natapos yung event kaya maaga din kaming nakapag-pahinga. Hindi muna ako sumali sa discord call nila kasi puro katarantaduhan lang naman yung pinaguusapan kaya mas minabuti kong maligo muna para at least mamaya wala nakong gagawin pa.

Habang naliligo, naririnig kong tunog ng tunog ang phone ko. Siguro dahil sa chats lang din nila. Kahit kasi anong ingay at pangfflood ginagawa ng mga yon, mas pinili kong hindi i-mute ang server namin. Wala, ang cute lang kasi kapag nagkakagulo sila tsaka masarap din sa tenga marinig yung mga notifs kong sunod-sunod.

After ko naman maligo ay nagbihis muna ako bago buksan ulit phone ko.

99+ notif galing sa discord.

Nagcheck na ako ng notifs at nag-join na sa voice call na on going padin hanggang ngayon.
Sakto, naabutan kong nagkwekwentuhan sila ng nakakatakot. Mostly, si Jay.

"Tapos ayon, nagulat nalang kami." pagtapos ni Jay sa kwento nya.
"Gago sabi ko sainyo tama na eh gabi pa naman na." halata sa boses ni Yuna na takot na takot sya sa kinwento ni Jay, kaya medyo natawa ako.
"Pero legit Jay? totoo yon?"
"Oo nga legit. Tong si Luiska laging hirap paniwalain."
"Trust issues lods."
"Uy si couz nandito na sa call! hii couz!"

Napangiti ako sa bati ng pinsan ko.

"Hello guys!"
"Gago sorry di ka namin napansin. Masyado kaming focused sa kwento ni Jay eh."
"Okay lang Luiska no worries!"

"Couz kanina pa nananakot mga yan. nakakainis na nga eh."
"Inis reveal."
"Tanginamo Luika."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAAHA" di ko na napigilang tumawa. Balik bangayan nanaman kasi sila. Either pinagtutulungan nila si Yuna, o makikipag-bangayan 1v1 sa kanya.

Minsan kumakampi ako kay Yuna kasi baka umiyak. Pero madalas isa din ako sa mga nangaasar sa kanya.
Pero may napansin ako.

May unknown sa server namin.

At first, akala ko bug lang kasi sa may right corner ko lang nakikita name nya. Offline din.
Pero bigla nalang to nag-online at nag-join sa voice channel namin.

"Huy gago sino ka? spy ka noh?" bungad ko at narinig na tumahimik sila Jay sa pag-sasalita.

"Gago Loui, sino kausap mo? anong spy?" medyo nagtaka ako sa tanong ni Jay. Hindi ba nila kita yung nag-join? kahit na hindi sila nakatingin sa screen alam kong may specific na tunog kapag may nagjjoin at naglleave sa call eh.

"Hoy couz wag kana manakot iiyak na talaga ako." Yuna stated and I saw her deafened herself.
"Teka nga, magrerejoin ako baka bug or lag lang talaga ako."
"Go lang, wait ka nalang namin."

Nag-leave na ako at nagrestart ng discord. I have this heavy feeling na hindi yun bug or lag eh. Hindi ko na alam, ayoko nalang takutin sarili ko since mag-isa lang ako sa bahay currently.

Pero yung totoo, ang creepy talaga. Wala din naman nag-notif samin na may nag-join na sa server namin. Kahit siguro sila walang alam, hindi nga nila ata nakitang may nag-join eh.

After ulit magbukas ng discord ko, agad akong nag-join ulit. This time, kasama na namin sa call si Amira and may kinekwento din sya.

"Gago Amira ang creepy tangina di nako makaihi." Jay commented habang naririnig namin natatawa nalang si Luiska sa kabilang linya.
"Pero seryoso, nangyari talaga yon." Amira assured kaya lalo  silang nag-kagulo.
"Tangina ayan kwento pang nakakatakot kahit gabi na ayan tuloy mahihirapan na kayo makatulog." asar ni Luiska habang patuloy padin sa pagpapanic yung dalawa.
"Hello guys, rinig nyo bako?"
"Hi loui welcome back!" Luiska was the first to acknowledge my presence.
"Gago Loui bakit lagi ka nalang late tapos nanaman kwento ni Amira."
"Di kasi nagbbug ata discord sakin? ewan may parang nagloloko ata. May unknown kasi ditong kasama natin sa voice channel eh."

Nanahimik lang sila.

Nakakapanibagong marinig na manahimik sila. Palagi kasi silang may comments kahit walang kwenta eh. Weird na this time, wala silang side comments.

"Nice joke Loui." si Luiska lang ang nagsalita.
"Gago seryoso kasi ako. Alam kong nagtatakutan kayo, pero legit may unknown talagang kasama dito sa voice call natin."
"Loui, naka-open discord ko sa laptop. Tayong apat lang ang nasa call."

Tumindig balahibo ko.

Parang hirap na din akong paniwalaan na baka nagloloko lang talaga laptop ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya kinuha ko ang cellphone ko at pinikturan ang call namin.

To my surprise, hindi kita sa picture na kasali ang unknown sa call namin.

"Gago sinubukan ko kuhanan ng pic pero hindi sya nalabas sa gallery ko!" I started to panic.

Rinig ko silang nagsasalita but I'm too busy to panic. Gago? ano to? prank? kasi kung oo, hindi ako natutuwa sa prank nila. Bakit hindi kita sa picture na kinuha ko yung unknown na kasama namin sa call? bakit ako lang nakakakita?

" Hoy Loui, ano na? baka pagod ka lang ayaw mo pa ba matulog?" gladly, Jay snapped me out of my thoughts.
Agad akong lumapit ulit sa laptop and saw that the unknown user was gone. Wala na din sya sa list ng mga members sa server.

Nag-iimagine lang ba ako?

"Hoy Loui?"
"Hello? nandito ako." I replied habang chinecheck padin ang mga kasama sa servers.

Ako.. Si Jay.. Si Yuna.. Si Luiska..Amira.. Llen.. Jm.. at si Jinny.

"May unknown user talagang kasama natin kanina. Seryoso guys hindi nyo nakita?" I asked once again. For clarification.

"Beb wala talaga. Loui okay ka lang?" tanong ni Jay na agad kong sinagot.
"No, baka pagod lang talaga ako. Magpapahinga na muna ako guys."

"Sabagay. Sige Loui pahinga kana. Next time nalang ulit tayo magusap usap. Gabi na din eh."
"Bye Loui! sleepwell!"
"Loui pray before you sleep! goodnight!"
"Bye Loui stay safe!"

"Bye guys!" I replied and left. Sinara ko na agad ang laptop at pumunta sa kama ko para humiga.

Hindi ko padin matanggal sa isip ko ang nangyari kanina. Hacker ba yung unkown user? prank lang ba yon?
Either way, kahit anong isip ko dito hindi naman din masasagot.

As I slowly feel myself falling asleep in my dark room, I noticed a silhouette sa may bandang door ko.

I suddenly realized, I can't move anymore. Hindi ko din maalis ang tingin ko sa door way. Unti-unti kong nakikitang papalapit ang silhouette sakin.

No.. Hindi na sya silhouette.

I can only see pairs of eyes creeping up towards me habang wala akong choice kundi panoorin to.

Slowly and steady, everything went dark.

- Hidden from the sun. Where stories live. Discover now