anino.

10 2 0
                                    

Yuna's pov

Saturday ngayon kaya tanghali nako nagising. Wala din naman kaming tasks since acads break namin this week. Saktong sakto nga eh, balak ng Simp Hub na magchill sa discord while binge watching movies. Horror to be exact.

I'm not really a huge fan of horror genre, pero kasama ko naman sila so hindi ako gaano natatakot.

Medyo tinatamad ako today so late nako nakapag-bukas ng discord sa laptop ko. And as soon as I opened it, I was bombarded with notifs at mentions from them.

jayson#6392: mga walang dulot sa lipunan

amiragaming#8539: bwict kasi si llen ampota

Llen2#1483: ako nanaman nakita nyo

jinny #4392: wala ka naman talagang dulot, ano decoration ka lang sa bansa?

luiskamet#5392: FOUL JINNY HAHSJAJWOWD

yunaqt#6249: goodmorning <3

Llen2#1483: goodmorning ka jan 3pm na

Eto nanaman tong bwisit na to eh. Minsan talaga gusto ko nalang iuntog to sa pader kaso di possible.

yunaqt#6249: kamusta tulog natin?

miles#9258: okay laaaang, tagal mo nag-online ah? busy?

yunaqt#6249: tinatamad HAHAHAHAHHA

luiskamet#5392: GAGO UMUWI ENHYPEN

Hindi nako agad naka-reply kay Luika at madali akong pumunta sa twitter at nakitang nag-post nga ang enhypen.

luiskamet#5392: TANGINA AMPOGI NILA BYE

jayson#6392: yan nanaman kayo sa enhypen ano ba yan tatak ng highlighter?

miles#9258: HOY BAKA MAGALIT SILA SUSBWIEM

amiragaming#8539: highlighter amp HAHAHAHAHAHA

luiskamet#5392: anong highlighter ka jan

yunaqt#6249: HOY ANG MAMAHALING HIGHLIGHTER NAMAN NILA KUNG GANON

Habang patagal ng patagal, umaalis na din ang iba samin pagkatapos manood. Nauna na si Luiska, sunod naman si Miles, tapos umalis na din si Jinny at Amira.

Natira ko nalang kasama ay si Llen at Jay sa call. Pare-parehas lang kami naka-off cam at yung dalawa naman ay naka-deafen.

Hinayaan ko lang na mag-on going ang call habang nagpopost ako sa stan twt ko. Wala din naman nagsasalita at mukang busy din ang dalawa kaya di nadin ako nagsalita at nag-mute nalang.

Di ko na rin namalayan ang oras kaya nabigla ako ng napatingin ako sa orasan namin.

9pm.

Mag-uunmute na sana ako ng biglang pumasok sa call ang rhythm bot ng server.

"Tip toe through the window
By the window, that is where I'll be
Come tip toe through the tulips with me
Tip toe from the garden
By the garden of a willow tree
And tip toe through the tulips with me"

"Tangina nyo naman sabi sainyong wag kayo mananakot ng gabi eh." sabi ko agad pagkatapos ko mag-unmute. Hindi na din sila naka-deafen kaya agad na din silang sumagot sakin.

"Gago ano nanaman pinagsasasabi mo? buong hapon tayong nasa call tatlo walang nagsasalita at nagkwekwento ng scary stories satin." sagot sakin ni Llen.
"Bobo hindi naman kasi story, yung pinapatunog nyo kasi sa bot."

"Tol ayos ka lang? para kang si Loui kahapon. Kaso yung kanya naman may nag-join daw na unknown sa call pero wala naman kaming nakita." sabi ni Jay kaya agad naman akong natameme.

"Weh ba? gago"
"Oo. Kami-kami nga lang nina Luiska at Amira eh. Si Yuna nagdeafen lang."

"Hoy di kasi ako nakikipag-biruan. Tigilan nyo nga yung music tangina di kayo nakakatuwa." irita kong sabi.
"Kahit tumingin ka pa sa playlist channel natin, ni wala ni isa samin yung nagpapatugtog." agad ko naman sinunod yung sinabi ni Llen at pumunta sa playlist channel namin.

Last playlist played was 1 day ago.

Pero nandito yung rhythm bot. Paulit-ulit tumutunog ang tip toe thru' the tulips with me sa channel. Tangina ayoko ng ganto. Nakakatakot.

"Please tigilan nyo na. Hindi ako nakikipag-biruan. I-kick nyo na nga yang rhythm bot."
"Yuna di rin kami nakikipag-biruan sayo. Offline kaya yung rhythm bot."

Dahil inis na ko, sinubukan kong i-kick mag-isa yung bot. Nung una, akala ko lag lang ako. Pero ayaw pala talaga matanggal.

Palakas ng palakas yung kanta kaya medyo nagpapanic nako.

"Tangina goodnight na nga lang matutulog nalang ako."
"Hilig nyo ni Loui umalis nalang bigla. Magpinsan nga kayo." ni hindi ko na nagawang maasar sa comment ni Llen. Ang nasa isip ko lang is yung rhythm bot na paulit-ulit pinapatugtog yung kanta.

"Speaking of Loui, hindi sya nag-online ulit. Gago ghoster ata." pagtataka ni Jay.

Nakausap ko naman si insan kanina, pero ang cold reply nya. Sabi sakin kagabi ni Jay sabi ni Loui na may nag-join daw na unknown user sa call nila pero wala naman daw silang nakikitang nag-join. Tapos bigla nalang daw nag-panic si Loui at nagpaalam na.

"Baka nagpapahinga lang si insan. Nakausap ko naman kanina."
"Ah, sige pahinga kana din."
"Salamat, Jay."

"Goodnight Yuna! sleepwell bebs!"
"Night Yuna pray before you sleep."

"Sige by-" napatahimik ako ng marinig ko na parang nag-gglitch na ang kanta. Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko at umalis na agad sa call.

Pinatay ko na ang laptop at nagkaron ng moment of silence to think about what had just happened sa call.

Mukang hindi rin naman nanttrip silang dalawa, at muka din naman nagsasabi sila ng totoo. Pero sino naman nag-add don? For all I know, kailangan i-add manually ang bot sa call by a specific command.

Pero tinignan ko din naman lahat ng text channels namin, walang nag-add ng song na yon at nag-loop.

Kusa nalang talagang nag-join ang bot, nagpatunog ng specific na song, at nag-loop mag-isa.

I decided to brush it off for now since matutulog nako. Ayokong takutin sarili ko lalo na't gabi na.

Patayo na sana ako when I noticed something outside the window, staring at me.

Out of terror, I stood up unconsciously and slowly backs away from the window. But as I stare back at the mysterious silhouette, something in me clicked.

The silhouette was not outside.

It was a reflection.

Its behind me.

- Hidden from the sun. Where stories live. Discover now