Llen's pov
May napapansin ako these days. Parang iba sa mga kaibigan ko medyo mailang na sa discord server namin after mag-laro last week. Yung iba din sa kanila nagsasabing may nagpaparamdam daw ata sa kanila irl o kaya naman sa server namin.
May pasok na kami today kaya maaga na ulit nagsipag-gising mga kaibigan ko. Some of them online na sa discord, maybe waiting na may magjoin sa call before sila sumali kaya I always take the duty para mag-join.
Nag-join ako sa study taym vc at nagantay for a few minutes bago mag-join si Jay.
"Goodmorning Llen!" bati nya.
"Goodmorning tol, kumain kana?"
"Oo kumain muna ako almusal bago mag-join. Ikaw ba?"
"Di pa, siguro mamayang lunch nalang." nakita ko syang tumango at nanaig nanaman ang katahimikan sa vc namin.Habang inaantay ang iba, nag-add ako ng music bot. Weirdly naman, nakita kong nagulat si Jay dahil naka-on cam sya.
"Gago, ikaw nag-add ng bot o kusa sumali?" aligaga nyang tanong.
"Ako. Di naman nasali mga bot biglaan sa vc kung walang mag-ccommand eh.""Hindi sa kwento ni Yuna." kwento?
Napatigil ako. Wala naman kakwento sakin si Yuna kahapon.
"Anong ibig mong sabihin? wala naman nakwento si Yuna ah?""Diba nga, may nag-join daw na music bot nung magkakausap tayong tatlo? ewan kung nagbibiro sya pero kasi sa screen ko at sa audio wala naman bot at natunog."
Kinilabutan ako.
First, it never happened sakin. Ako laging mag-isa sa server at laging nasa vc, pero wala naman nagpaparamdam sakin.
Second, kung may nagpaparamdam talaga sa server, edi sana lahat kami may experience na."Medyo natatakot nako sa server natin. Gawa ba tayo bago?" narinig kong suggest ni Jay kaya nabaling muli tingin ko sa screen.
Pero may iba pakong nakita.
"Tangina Jay umayos ka ang aga aga nanggagago ka."
"Topak mo gago nakain ako dito ng piattos." sagot nya pero ganon padin screen ko.Hindi si Jay yung nakikita ko sa cam.
"Pede ba mag bg dito? gago ibalik mo sa muka mo yung cam di ako natutuwa sa bg mo."
"Llen sasapakin kita eto oh, kumakaway ako sa cam." kumaway din yung entity sa camera. Tangina hindi si Jay yan.A shadow-like entity smiling right at me while waving its hand.
"Gago putangina." umalis muna ako saglit sa call at humingang malalim.
Ilang minuto muna ako nag-antay bago mag-join back ulit."Tangina Llen, tinatakot moko." agad na bungad ni Jay pagdating ko ulit sa call.
Si Jay na ulit ang nasa cam. Halatang iritado sa inasal ko, at mukang walang alam sa nangyayari.Hindi ako nakasagot at nakatitig nalang sa call namin. Unti-unti na din silang nag-jjoin at sa wakas, buo na kami.
Sa buong call nanahimik lang ako. Napansin din nila at nagtanong, pero sinagot ko lang na wala lang talaga ako sa mood magsalita. Pinapanood ko lang sila magtawanan at nakinig sa kwentuhan habang iniisip padin ang nangyari kanina.
Malakas lang kabog ng dibdib ko. Haunted ba talaga tong server na to? o talagang naiisip o naiimagine ko lang mga kinekwento nila Yuna?
No, ghost aren't real. Tangina isip bata ka kung maniniwala ka pa sa ganon.
Di ko namalayan ang oras at natapos na agad ang klase. Nakaligtaan ko na din ang nangyari dahil baka sabog lang talaga ako non since ang aga aga pa.
We spent our afternoon laughing and telling stories habang yung iba samin ay nasa call, pero naka-deafen.
While listening to them, I faintly heard someone calling me.
"llen!"
Tinanggal ko ang earphones ko at tumingin sa pintuan.
"po?" sagot ko at iniintay na pumasok sila.
Walang sumagot.
"Bakit po?" sigaw ko nang tanong at inaantay ang sagot nila.
Wala padin.
Medyo nainis na ako kaya tumayo ako at pumunta sa papunta sa pinto. Pero bago ko to buksan, may narealize ako.
Umalis nga pala sila at ako lang ang natitira sa bahay.
"llen, labas ka nga saglit." utos ng boses habang hawak-hawak ko padin ang doorknob.
Hindi naman llen tawag sakin sa bahay. Walang natawag ng llen sakin bukod sa mga kaibigan ko.
Binitawan ko ang doorknob at dahan-dahang lumayo. Pero hindi pa don natapos ang lahat.
Unti-unting biglang bumukas ang pinto, making a creaking noise. Sa pagkabigla, bumalik ako sa laptop ko at nag-unmute.
"Gago may multo sa bahay!"
Narinig ko lang silang tumatawa sakin. Tangina kung kailan ako seryoso sana sila tatawag sakin.
"Ayaw mo ba kami sagutin Llen?"
"Llen, labas ka dali."
"Llen bakit ka natatakot?"Nabitawan ko ang hawak kong cellphone. Tangina? pano nila alam? pano—
Dark screens.
Nawala silang lahat sa camera. Only darkness could be seen.
"Tangina nyo di magandang biro to ha? kung bumabawi kayo sa prank ko dati, nakabawi na kayo. Tigilan nyo na.""Llen, laro tayo sa labas."
"Llen may iuutos ako. Labas ka dito sa pinto saglit."Paulit-ulit nalang sila ng sinasabi. Paulit-ulit ko na din sila pinapatigil pero bigla silang lahat ng off-cam.
Natahimik ang paligid.
Ang naririnig ko nalang is yung footsteps pababa sa hagdanan.
Mabigat at malakas ang tunog, kaya kahit maingay rinig mo padin.I started to panic. Binabawi ko na lahat ng nasabi ko kanina. Putangina kung kailan talagang iisa lang ako sa bahay, dun pa mananakot.
"Llen, hoy tangina neto bat ka ba nagpapanic?" nakahinga ako ng malalim ng marinig ko boses ni Yuna.
Napatingin ako sa screen at nakitang hindi si Yuna ang nagsalita.
Nasa screen ko ulit ang nakita ko kaninang umaga. Pero ngayon, nasa screen na sya sa kanilang lahat. Nakangiti at kumakaway sakin.
Palapit na ng palapit ang yapak kaya agad akong tumayo para isara ang pinto.
Pero hindi sya masara-sara. Kahit anong push ko, ayaw padin magsara ng pinto.
Napatigil nalang ako ng may nakita nakong nakatayo sa labas ng pinto ko.
Nakangiti at nakaway sakin.
"Llen, laro tayo ulit."
![](https://img.wattpad.com/cover/285504653-288-k930658.jpg)
YOU ARE READING
- Hidden from the sun.
HorrorTakes place in their very own discord server. 8 friends that would always hang out, talk to each other, and many more. Not until something unexpected happened that made their circle fall into a deeper event.