Kabanata 7 †

15.3K 582 60
                                    

Kabanata 7

" I like your lips woman...taste like strawberry."
 
       — King Whiros the great, 2021.

Fhey Luna Cortez Points of view*

“HOY Pengg! Naririnig mo ba ako!? Bakit ba kasi ang hilig mong i-lock ang pinto mo! ”

Dahan-dahan kong inimulat ang mga talukap ko nang makarinig ng ingay at marahas na katok sa labas ng kwarto ko.

“ Buksan mo nga itong bata ka! ”Wala sa oras akong napalingon sa may pinto habang kunot noo. Nang mapagtanto ko kung sino iyon, agad na umasim ang mukha ko at bumalik sa pagkahiga at talukbong ng kumot.

Shit, muntik ko ng makalimutan na human alarm clock ko pala si Tiya.

“Gumising ka na riyang bata ka! Ay ba'y umaga na! Wala ka naman sigurong balak matulog buong araw ano!? Iyan kasi, bakit ka pa kasi nagtatrabaho ng nayt ship- nayt ship na iyan, kung 'di mo naman pala kayang panindigan!? Hindi pa ba sapat iyang binibigay ko sa'yo!? Kulang pa ba para sa'yo?! Alam mo? Gayang-gaya ka talaga sa magaling mong tatay! Mga hindi makontento! Hala bangon diyan at tulongan ako sa kalenderya! Sumasakit ang ulo ko sayong bata ka!”

Maagang rap ni Tiya sa labas ng pintoan ng kwarto ko habang kumakatok, na kung makakatok akala mo may sunog o hinahabol ng aso. Idagdag mo pa ang boses niya na daig pa ang may hawak na microphone. Pwede na siyang makipag one on one kay Flow G sa subrang bilis niyang magsalita. Paulit-ulit lang naman ang mga lumalabas sa bibig niya, halos kulang na lang ma-memorize ko na. Oo, minsan sa subrang basa ng bibig ni Tiya, nasasaboyan niya ako ng masasakit na salita. Pero patagal nang patagal...nasasanay na ako.

Hinahayaan ko na lang na pumasok sa tenga ko ang mga sinasabi niya, tapos diretso labas sa kabilang tenga.

Hindi ba sumasakit ang lalamonan niya kakasigaw?

Agad akong napatakip ng tenga gamit ang unan ko. Ang aga aga pa para marinig ko ang sintonadong boses niya, tsaka medyo inaantok pa si ako, Diyos ko.

"Hoy Peng! Naririnig mo ba ako!?" Sigaw ni Tiya ulit. No choice, umupo ako sa kama habang nakapikit at matamlay pa ang katawan. Sa Library na lang ako matutulog ulit.

" Opo Tiya!" Sagot ko at medyo napalakas pa ang boses. Tsk, grabe naman siya! Nagtatanong pa kung naririnig ko ba siya. E, obvious naman na maririnig ko talaga boses niya dahil daig pa niya ang malaking speaker ng kapit-bahay namin, duhh.

"Mabuti naman! Ayos-ayosin mo 'yang sarili mo baka ibalik kita sa Nanay mo! Oh hala lumabas ka na riyan!!"

Mahabang alburoto niya ulit. Napakamot ako sa ulo at inis na napabugtong-hininga.

Tsk, ba't hindi na lang siya mag patulong sa anak niya?

Teka, marunong ba iyon sa gawaing kalenderya? ni-kahit maglaba ng panty niya nga, si Tiya pa gumagawa!

Napasulyap ako sa cellphone ko.  5: 40 am pa lang.

Hayts, ilang oras lang kaya ang tulog ko? Tinatamad akong magbilang. May kalenderya kasi si Tiya, kaya sa tuwing umaga pinapatulong niya ako magluto ng ulam or 'di kaya mag walis, punas ng mga upoan at lamesa at ano ano pa. Hindi naman ako nagrereklamo, iniisip ko na lang na tulong ko na iyon para sa pagtira ko sa pudir niya at pagbibigay ng baon sa'kin tuwing umaga.

Agad kong kinuha ang salamin ko at naglakad papuntang pintoan ng matamlay at nakapikit pa. Wala pa akong suklay, bahala na.

Maganda pa rin naman ako.

Medyo lutang pa si self mga lods.

MABILIS kong natapos lahat ng pinagawa sa'kin ni Tiya, hindi na ako kumain ng almusal dahil nabusog ako sa dalawang malalaking pandemonay at kape na nilalantakan ko habang nagwawalis at nagpupunas ng mga lamesa at upoan. Nagpapasalamat ako dahil hindi niya ako pinagluto ng ibang putahing ibebenta niya. Dahil kung nagkataon, matatagalan ako.

That Nerd is Mine (Under Editing x Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon