Gitling

16 2 0
                                    

"Hi, how's your day?" Tinabihan niya ako sa sofa at hinalikan sa noo. I smiled at him. Ah, this smell. It's unknown to me but at the same time, it feels like home. A safe place to stay. But it's not like that. Malayong-malayo sa katotohanan.

"Nakasagot naman ako sa recitation kahit papano. And as you said, I always said no when Attorney Reyes asked if I agree with my classmates' answer." Nakapikit akong sumagot at hinayaan siyang ipulupot ang kamay sa aking bewang at marahan akong hilahin palapit sa kanya.

"Are you tired?" He asked again. I just shook my head.

"You sure?" Tanong na naman niya. Hindi ako sumagot at nanatiling nakapikit habang nakaunan sa braso niya.

"You'll not stop me?" Kahit na nakapikit, nakikita ko ang nakangisi niyang mukha. I felt his kisses all around my face until it reaches my lips. Napamulat ako ng doon huminto at naglaro ang kanyang labi.

"Finally . . . you look at me." He smiled and met my lips once again.

Sa bawat pagtatagpo ng mga labi namin- sa sandaling mag-iisa ang mga katawan namin, gusto kong umayaw. Pero ayokong may pag-sisihan sa bandang huli. Gusto kong magtanong kung anong mayroon kami... kung ganito na lang ba kami? Ganito na lang ba palagi? Pero natatakot ako sa pwedeng maging sagot niya. Natatakot akong marinig mula sa kanya na hanggang rito lang kami. Malabong magka-ibigan pero mas malabong magkaibigan lang.

"Sama ka mamaya?" Angel asked. Napa-angat ako ng tingin sa kanya.

"Saan?"

"Lah, nakalimutan mo?" Nanliit ang mga mata niya. I, then, rolled my eyes.

"Itatanong ko ba kung hindi?" She glared at me. Ako naman, tinawanan na lang siya. Ano bang okasyon ngayon? Wednesday. Hindi ba't masyado pang maaga para mag bar hopping? May quiz din kami bukas kaya malabong pa-party. Sasagot na sana si Angel pero may biglang umakbay sa kanya.

"Babe." It was Yael, her boyfriend. Ngumiti sakin ang lalaki bago hinalikan sa pisngi ang kasintahan, umiwas ako ng tingin. Ang lalandi, hindi na nahiya sa prof na nagliligpit pa rin ng gamit sa harapan.

"Kadiri kayo." Ibinoses ni Franco, isa sa mga kaibigan ni Yael, ang nasa isip ko. Mabilis ko siyang inalukan ng high five at sabay kaming natawa na tinawanan lang ng magkasintahan.

"Ano, tara na?" Benjamin arrived with his usual look. Mukha na namang bagong gising.

"Wait lang, sa'n ba tayo ngayon?" Tanong ko sabay tingin sa lalaking kararating lang. Nagsalubong ang kilay niya at hindi inalis ang mga mata sa akin. Para bang ang bigat na kasalanan ang magtanong.

"Ah, haha." Si Angel na mabilis akong tinampal sa kaliwang braso at pinanlakihan ng mata.

"Birthday ni Benjamin ngayon, tanga." Bulong ni Angel na umikot para kunwari akong akbayan.

"Corny mo, Cams." Automatic na sinabayan ni Yael sa pagtawa ang girlfriend. Pero hindi ko magawang sumabay dahil sa sama ng tingin ng celebrant. Pake ko ba? Halos isang linggo palang naman kaming magkakilala dahil sa mag-jowa.

Walang salitang naglakad palabas si Benjamin na sinundan ni Yael. Sumunod din si Angel na naka-akbay pa rin sa akin kaya natangay ako. Pagdating sa parking lot, wala akong nagawa ng itulak ako paupo ni Angel sa front seat ng sasakyan ni Benjamin habang siya ay sumakay sa mustang ng kasintahan. Bumuntong-hininga ako, na hindi ko dapat ginawa.

"Pwede ka namang bumaba na lang."

"Ha?"

"I mean, you're not even officially invited. Baka may date kayo ng boyfriend mo, nakakahiya naman." Gusto kong mapikon sa kanya pero birthday daw 'e. Mananahimik na lang sana ako at baba sa sasakyan niya nang may maisip na kalokohan. Inalis ko ang ngisi at pinalitan iyon ng mas maamong emosyon.

" B A N T A S "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon