CHAPTER 2

0 0 0
                                    

Nandito kami ngayon sa palengke, birthday bukas ni nanay. Marami-rami ang pupunta dahil sa first time mag handa ng ganito ka garbo si nanay. 

"Wow! Kuya, kong makaiwas ka naman sa mga babae nakakasabay natin parang may malubhang sakit ha?"

"Kanya-kanyang style!"

"Style mo bulok!"

"Bilisan mo na nga!"

"Ito na nga po!"

Simula naghiwalay kami ng ex girlfriend ko naging mailap na ako sa mga babae madami-dami na rin ang na reto ng mga kaibigan ko sa akin pero lahat tinanggihan ko.

"Mga gulay at prutas completo ba lahat?"

"Opo!"

"Mga karne?"

"Opo!"

"Sumakay ka na, para makauwi na tayo agad!" 

Sa labas pa lang kami nang bahay rinig na namin ang masayang tawa nang aming ina.

"Sino kaya ang bisita ni nanay, Kuya? Abot na sa brgy hall ang tawa"

"Dalhin mo sa kusina ang mga pinamili natin titignan ko kong sino ang bisita ni nanay."

Wala kaming bisita na inaasahan ngayon bukas pa ng umaga darating ang mga kapatid ni mama, kaya nagtaka kami ng kapatid ko kong sino ang kausap ni nanay. Dahan-dahan ko binuksan ang pinto may kausap si nanay isang babae na mahaba ang buhok, nakaputing bestida at sobrang hinhin pag ito'y gumalaw.

"Besh? Ikaw nga, Besh!"

"Bakit hindi ka nag sabi na uuwi ka? Sabi mo next week pa ang uwi mo? Sana nasundo ka namin."

"Biglaan ang uwi ko, besh. Namiss kita!"

"Ako din na miss kita, akala ko naman kong sino ang bisita ni nanay."

Masayang magkayap ang kapatid ko at ang nag-iisang bestfriend n'ya. Nang mamatay ang papa ni Cherlie at na ka pag asawa nang bago ang mama n'ya dinala ito sa manila do'n na tumira at nag-aral. Sobrang lungkot ni Stef, ng umalis si Charlie, wala man ibang kaibigan ang kapatid ko kundi ito lang. Kaya sobrang tuwa n'ya nang magkita ulit silang dalawa.

"Kuya?"

"B-bakit?"

"Okay ka lang? Bakit ka nakatulala?"

"Wala!"

Lumabas ang nanay, galing kusina na may dalang basket na may lamang kamoteng kahoy at petsil na puno ng orange juice.

"Meryenda ka muna anak."

Lumabas kami nang bahay sa kilid nang bahay kong saan may malaking punong mangga do'n kami pumwesto niligyan ng mesa at upuan.

"Na-miss ko po 'to nay."

"Sige lang Cherlie, kain ka lang nang kain alam ko minsan ka lang makakain ng ganyan sa manila."

"Salamat, nanay."

"Okay lang ang buhay mo sa manila, besh?"

"Una hindi okay, magulo mabaho ang usok nang manila hindi gaya dito sa atin naka pa ka fresh, pero sa huli unti-unting naka-adjust hanggang sa na sanay na."

"Minsan na lang tayo nag-uusap sa messenger"

"Sorry, besh alam mo naman."

"Naintindihan ko, kumusta kayo ng step sister mo na bruha?"

"Ganoon parin inaaway ako kahit walang dahilan. Hmp!"

"Sana dinala mo rito para malibing ko sa putik."

PAINWhere stories live. Discover now