CHAPTER 6

0 0 0
                                    

"Tara na?"
"Sure!"

Pauwi na sana kami nang biglang lumakas ang hangin sabay ulan.

"Ang Malas!"
"Tawagan ko si Steff, na sunduin tayo."

Napa mura ako ng makita ko walang signal ang phone ko.

"Wala ako signal." Mahina kong sabi.
"Pasok muna tayo, Hintayin na lang natin tumila ang ulan." Naiinis na sabi ni Lee.

Napa upo ako sa sofa, buti na lang talaga kahit luma na ang bahay namin walang butas ang bubung. Napatingin ako kay Lee, tahimik lang ito nakaupo sa kabilang sofa.

"Gutom ka na ba?" Tanong ko sa kanya.
"Medyo"

Tumayo ako kinuha ang bag kong dala na may lamang tatlong Nodles at isang supot na tinapay.

"Mag luluto lang ako ng nodles, Pasensya ito lang na dala ko kanina."
"Ako na."

Inigawa n'ya mula sa akin ang hawak kong nodles, sumonud naman ako sa kanya papuntang kusina. May mga gamit naman sa kusina gaya ng mga lumang plato mangkok kutsara at isang caldero na maliit. Mahirap lang kami no'n kaya wala kami stove kahoy lang ang gamit namin pang luto  para tipid na rin.

"Bumalik ka na sala."

Wala ako magawa kundi bumalik sa sala, lumapit ako sa bintana kitang-kita sa labas kong gaano ka lakas ang ulan at hangin. Hapon na rin kami naka tapos ipasok ang mga materyalis sa loob ng bodega, may maliit kaming bodega sa kilid ng bahay.

"Ay!" Napa sigaw ako ng  biglang kumidlat na may kasabay kulog na malakas.

"Kumain ka na."

Hinila ako ni Lee, papunta sa kanyang likod at tinabunan ng kurtina ang bintana.

"O-okay."

Umupo ako ng sofa binigay n'ya naman agad sa akin ang mangkok na may lamang mainit na nodles.

"Dito muna tayo matulog."

Hindi na ako nagulat sa sinabi n'ya, alangan naman sulungin namin ang ulan para lang maka uwi mas lalo magalit si Nanay, sa amin.

"Ako na ang mag hugas." Presinta ko.

Dinala ko sa kusina ang mga ginamit namin at hinugasan. Isa lang ang silid namin dito sa bahay.

"Sa sala na ako matulog."
"H-ha?"
"Sabi ko sa sala na ako matulog."

Tinapos ko agad ang hinugasan ko at saka pumasok sa loob ng kwarto na may walis at basahan dala. Pinunasan ko muna ang mga gamit nasa loob ng silid bago mag walis pinalitan ko rin ang sapin ng kama at punda ng unan ng masegurado kong malinis na ang silid lumabas ako para tawagin si Lee, nadatnan ko siya, naka upo sa sofa .

"Pasok ka na sa silid, do'n na tayo matulog malamig at ma alikabok dito sa sala."

Napatulala lang ito sa akin, na parang  hindi makapaniwala sa sinabe ko.

"Bakit? may sinabe ba ako mali?" Takang tanong ko.
"W-wala."
"Pasok ka na, alam ko napagod ka"
"O-okay."

Ako naman pumunta sa likod bahay para ilagay sa timba ang mga maduduming sapin.

"Bakit na sa sahig ka?" Nagulat ako ng makita ko siyang nakahiga sa sahig na walang sapin ang hinihigaan.

"Ikaw na sa kama."

kumuha ako ng lumang damit ni papa at saka binigay sa kanya.

"Mag palit ka muna ng damit mo."

Inayos ko ang kumot sa kama ng mapatingin ako bigla kay Lee, ng hubarin nito ang t-shirt sa harap ko. Bigla ko nabitiwan ang kumot at napatulala sa katawan ni Lee, kulang na lang tumulo ang laway ko.

"Okay ka lang?"
"H-ha? Oo."

Kunwari na lang ako na busy sa gingawa ko. Muntik na ako mahuli.

"Okay, lang ba sayo na mag katabi tayo sa kama?"
"Malaki naman ang kama."

Nauna ako humiga nakatalikod sa kanya maya-maya ramdam ko na rin humiga na siya sa tabi ko. Malaki ang kama pero feeling ko sobrang liit nakaramdam ako ng mainit, samantala kanina lamig na lamig ako.

Hindi tuloy ako makatulog kaya't panay ako galaw.

"Matulog ka na."
"O-okay."

Kahit anong pilit ko makatulog hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Na bigla ako ng yakapin ako ni Lee.

"Kanina pa ako nahihilo sayo, galaw ka ng galaw."

Mahinang sabi nito sa akin, Mas lalo ako nakaramdam ng init ng maramdaman kong tumatama sa balat ko ang kanyang hininga.

"Lee."
"Matulog na tayo, hayaan mo ako yakapin ka kahit ngayon lang."

Tahimik lang ako hanggang sa maramdaman kong na lang humihilik na ito, Napangiti tuloy ako dahan-dahan ako humarap sa kanya at unti-uti ko pinalupot ang isang kamay ko sa katawan n'ya para gumanti ng yakap.

Malandi na kong malandi matagal ko ng pangarap to, kaya grab ko na kinikilig ako sa posisyon namin ngayon dati sa panaginip ko lang ito nangyayari ngayon sa totoong buhay na. Nakatulog ako na may mga ngiti sa labi.

Naka ramdam ako ng init na tumatama sa mukha ko, bumangon na ako at nag-ayos ng sarili. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng silid.

Naabutan ko si Lee, sa labas ng bahay na tinatabi sa kilid ang mga sanga ng kahoy naputol dahil sa lakas ng hangin ka gabi. 

Bigla ko naalala ang nangyari ka gabi kaya napangiti ako habang nakatingin kay Lee, napawi ang mga ngiti ko napatigin siya sa gawi ko. Nagtama ang tingin naming dalawa. Ang gwapo niya talaga para siyang babae dahil sa kinis ng balat niya at ang linis pa niyang tignan. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nakakatitig siya sa akin.

Umalis siya sa kinatatayuan niya at naglakad papunta sa akin.

"Uwi na tayo, tumawag na sa akin si nanay nag-alala na sila sa atin."

Lock ko muna ang bahay at segurado na hindi mawala ang mga materyalis sa bodega bago kami umalis, Madami kaming na daanan sa kalsada na mga putol na puno. Nakarating kami ng bahay sa pinto pa lang naka abang na sa amin si Nanay at Steff.

"Bakit hindi lang man kayo tumawag ka gabi?!" Bungad agad sa amin ni Nanay.
"Wala po kami signal, Sorry Nanay."
"Hoy! Babae, Alam mo ba sobrang kaming nag-alala ni Nanay, buti na lang si Kuya ang kasama mo."
"Kong hindi ko pinasama kahapon sayo si Lee, sana mag-isa ka stranded! Simula bukas huwag ka aalis kong hindi mo kasama si Lee."

Para akong bata pinagalitan ng magulang dahil sa tumakas ako kaya't bawal na lumabas kong walang kasamang body guard.

"Nay, pauwi na sana kami kahapon kaso biglang lumakas ang ulan at hangin wala ring signal ang phone namin. Safe naman kami nakauwi kaya relax." Paliwanag ni Lee.

"Ah! basta huwag ka na aalis Cherlie, kong hindi mo kasama si Lee, naintindihan mo ba ako?"
"Opo, Nanay."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PAINWhere stories live. Discover now