Chapter 4

58 2 0
                                    

Sa bahay ng Saavedra:

Kararating lang nilang magpinsan sa bahay kung saan nakikitira si Diane.

Oh andyan na pala kayo, kamusta naman ang first day of school ninyo?--tanong ni Ginang Madel sa kanila ni Jerome at Diane

Okay naman po tita kaya lang po hindi lang po talagang maiwasan na mapapaaway ka.--sagot ni Diane

Bakit napaaway ka ba? Sa anong ?--tita Madel

Naku tita! huwag niyo na po itanong baka mainis lang po ako kapag naaalala ko iyon.--Diane

Okay! ikaw anak kamusta naman ang school?--tanong sa anak

Okay naman po mom.--Jerome

Sige magsibihis na kayo at ipapahanda ko na ang mesa ng makakain na tayo.--tita Madel

Opo mom/tita.--sabay na sagot ng magpinsan

Magkasabay na dumating ang magpinsan sa kitchen.

Oh andyan na pala kayo magsiupo na kayo ng makakain na tayo.--tita Madel

Opo tita.--sagot ni Diane

Mom, kailan nga pala uuwi si dad dito sa Pinas?--tanong ni Jerome sa ina

Naku anak, sa susunod na buwan pa siguro uuwi iyon alam mo namang puro negosyo nalang ang nasa isip nun simula ng mag- invest siya sa ibang bansa.--sagot ng mama niya

Puro na lang siya trabaho mom, hindi niya na iniisip ang kanyang pamilya. Payaman siya ng payaman pero napapabayaan niya naman ang pamilya niya.--malungkot na saad ni Jerome

Hindi nakapagsilta ang kanyang mama sa mga sinasabi ni Jerome dahil totoo naman ang mga iyon.

Samantalang sa mansion ng mga Dominguez naroon si Aldrin sa kanyang kwarto tinitingnan ang mga larawan ni Janine at inaalala ang nakaraan.

flashback..

Masayang-masaya si Aldrin papunta sa kanilang tagpuan ng kanyang girlfriend dahil ngayon ang kanilang 2nd anniversary. Nang dumating si Aldrin doon ay inayos niya ang dala-dala niyang bulaklak at regalo para dito.

Makalipas ang dalawang oras ay nagtataka si Aldrin bakit wala ang kanyang girlfriend.

Bakit kaya hindi pa dumarating si Janine kanina pa ako dito ah? baka natrapik lang. maghihintay ako ng isa pang oras paghindi pa siya dadating aalis na ako dito.--ani ng isip ni Aldrin

Ngunit makalipas ang isang oras walang dumating na Janine papaalis n asana siya ng may nagsalita sa harapan niya.

Ikaw po ba si Aldrin Dominguez?--tanong ng hindi katandaang lalaki

Opo,ako nga po. bakit po?--Aldrin

Pinabibigay kasi ito ni Miss Ramos.--sabay abot kay Aldrin at nagpaalam na ang lalaki sa kanya.

Sige po sir, una na ako. naghihintay na kasi yong pamilya ko sakin--paalam ng lalaki sa kanya

Hindi na lamang nagsalita si Aldrin at dali-dali niyang binuksan ang liham na pinadala ni Janine at binasa ito.

"Aldrin, I'm sorry! alam kung masakit ito para sa ating dalawa pero kailangan kong makipaghiwalay sayo dahil kinakailangan. Siguro habang binabasa mo ang sulat na ito ay nakaalis na ako dito sa Manila. Sa London kasi ako gustong paaralin nina mommy at daddy at baka hindi na rin ako bumalik dito dahil ipapakasal ako ng mga magulang ko sa isang lalaking hindi ko pa nakikita. Sana maintindihan mo ako Aldrin. Alam mo kung gaano kita kamahal."

Someday someone's gonna love me #watty2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon