Ang pangit naman pakinggan kung pangalan natin yong binabanggit eh tayo na diba so dapat may tawagan tayo?--Aldrin
Pwede rin naman.ano ba ang gusto mong tawagan natin?--Diane
Hmmmm..ayaw ko ng honey, sweetheart,darling etc.mas maganda kung ang tawagan natin hubby at wifey what do you think wifey?--Aldrin
Okay lang naman hubby.hehehehe--Diane
Maganda naman diba?--Aldrin
Maganda naman parang mag-asawa tayo sa tawagan natin.--Diane
Mag-asawa naman talaga tayo diba wifey?--Aldrin
Tseh!--Diane
Asus!alam ko naman diyan na kinikilig ka wifey eh ayaw mo lang aminin.--Aldrin
Hehehehe. Oo na kinikilig talaga ako hubby ang gwapo mo kasi eh.--Diane
Talaga lang ha? I love you wifey.--Aldrin
I love you to hubby.--Diane
Hoy!mamaya na nga kayong maglambingan na dalawa baka langgamin na kayo sa kasweetan niyo eh.--Dj
Inggit ka lang kamo best.--Joan
Bakit naman siya maiinggit aber?sakit lang naman sa ulo ang mga lalaki na iyan eh. Sa umpisa lang malambing pero kapag matagal na kayo wala na binabalewala kana.--Michelle
Bitter ka kamo kaya mo nasasabi yan.--Joan
Hindi ako bitter nuh nagsasabi lang ako ng totoo.--Michelle
Girls, nandito tayo para mag-enjoy hindi para mag-away.--Ivy
Oo nga naman. Dapat enjoyin natin itong weekend na ito dahil bukas ng hapon uuwi na tayo sa ating mga sariling bahay.--Nicole
Nagapatuloy na sa paglalakad ang mga kaibigan.
Sa wakas nakarating din tayo.sobrang nakakapagod talaga grabe.--Diane
Sinabi mo pa best, matagal-tagal na rin kasi nating hindi nagagawa ito eh kaya nanibago tayo.--sagot ni Ivy
Nakakagutom at nakakauhaw naman.--reklamo ni Diane
Sinabi mo pa best.--segunda ni Dj
Ito wifey oh may natira pa akong pagkain at tubig sa baon ko.--Aldrin
Wow!ang sweet mo naman Aldrin sa bestfriend namin, wala ka bang extra na food at water diyan?--Dj
Hoy!mahiya ka naman, bakit kasi hindi nagbabaon ng kanya eh!ito oh meron ako sayo nalang kasi parang mas kailangan mo kaysa sa akin.--Kenneth
Sa naubos ko na yong akin kanina eh habang nagbabyahe tayo.anyways!mabait ka naman pala. Salamat dito ha.--Dj
Ayieeh!!!!
Baka kayo ang magkatuluyan best ha?--Diane
Magkatuluyan agad ni hindi nga kami eh!--Dj
So, naeexpect ka talaga na maging kayo sis?--Ivy
Hindi nuh!bakit naman ako mag-eexpect na liligawan ako ng gunggong nayan!--Dj
Asus!kahit kailan talaga best denial ka alam naman naming na may gusto ka rin kay Kenneth eh tinatakpan mo lang.--Nicole
At bakit naman ako magkakagusto sa isang yan na daig pa ang nagmemenopause na babae.--Dj
Ano tingin mo sa akin bakla!alam mo sumusobra na talaga yang bunganga mo eh nuh!alam mo bang matagal na akong nagtitimpi sayo ha!--galit na sabi ni Kenneth
Nagulat naman si Dj dahil nakita niyang nanlilisik na ang mga mata ni Kenneth kaya tumahimik na lamang siya.
Grabe!nakakatakot talaga ang mga mata niya kulang nalang suntukin niya ako.--sa isip ni Dj
Oh, anong nangyari at tumahimik kana diyan?--Kenneth
Napansin naman ni Diane na nanginginig na ang kanyang kaibigan kaya nilapitan niya ito at binulungan.
Best, okay ka lang ba? Dapat kasi tumahimik kana lang tuloy anong nangyari--Diane
Medyo best, nakakatakot kasi siya kung makatingin eh parang gusto niya na akong suntukin.--Dj
Halata ngang natatakot ka eh dahil nanginginig ka at ang lamig-lamig ng kamay mo.heheheehe. natatakot din pala ang reyna ng kamalditahan ha?--tukso ni Diane
Best, tao lang naman ako nuh siyempre natatakot din paminsan-minsan--Dj
Nakahanap kana talaga ng katapat mo best.hehehe..infairness bagay na bagay kayo.--Diane
Best, kung siya din lang huwag na nuh baka mamatay ako ng maaga.--Dj
Ano naman ang pinagbubulungan niyo dyan mga best? Isama niyo naman kami huwag niyo namang solohin.--Joan
Ah...tungkol lang sa......--Diane
Hindi natuloy ni Diane ang kanyang sasabihin dahil kinurot siya ni Dj sa tagiliran.
Aray!bakit ka ba nangungurot diyan best?--hindi mapigilang sigaw ni Diane
Sorry best..hehehehe. akala ko kasi alam mo na--Dj at alanganing ngumiti sa mga kaibigan nila
Hindi mo kasi pinapatapos yong sasabihin ko eh.--reklamo ni Diane
Sorry na best.plsease!!!with matching puppy eyes--Dj
Hindi na ako madadala sa pagpapuppy eyes mo best pero pinapatawad na kita.--Diane
Salamat talaga best.--Dj sabay yakap kay Diane
BINABASA MO ANG
Someday someone's gonna love me #watty2015
Romancesa tuwing magkikita ang dalawa lage na lang silang nag-aaway saan kaya hahantong ang kanilang story: sa pag-iibigan ba o tuluyan nalang magkalayo subaybayan po natin ang story ng dalawang tao na parang aso't pusa