Chapter 2.

930 27 8
                                    

Chapter 2.

Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa yung DEMONYO nasa lungga ko!


JASMINA ano ang gagawin mo?


A. Lumukso mula sa eroplano?

B. Magpakamatay mula sa eroplano?

C. A + B?

Waaaaaaaaaah may letrang D. naman siguro nuh? Isip isip ka Jasmine!


*LightBulb*


D. magtago ng magtago at magdasal na maging hangin.


NAPAKAGANDANG IDEA NG LETRANG D. Palakpakan mo naman yung sarili mo Jasmine! Valedictorian ka na!

Pag-igihin mo yang pagtago mo Jasmine o malilintikan ka talaga sa katabi mong Demonyo. (Uhhmm hindi naman kami literal na magkatabi pero alam niyo naman yun. Alam ko naman kasing puros matatalino yung mga nagbabasa neto)

"All passengers please fasten all your seat belts for we are ready to take off. All passengers please fasten all your seat belts for we are ready to take off."

PALAKA pati ba naman dito sinusundan ako? Huwag mo silang pansinin Jasmine. Kaya mo to! Ajaaa Hwaiting!

"Ma'am let me help you with your seat belt." sabi ni Ateng nakauniporme na tara tara

"Ah okay po." Sabi ko at tumawa na mahina saka nag peace sign kay ate. 

Tinulungan niya akong mag-seat belt. Buti nalang yung si Demonyo may cable sa tenga niya at di yata narinig ang pinag-uusapan naman ni Ateng tara tara.

Lumapit ng kaunti si Ate at binulungan ako. "Ma'am siya na po yung gwapong sabi ko sa inyo kanina. Ang gwapo gwapo po diba? Kyaaaaa gusto ko ulit maging bata."

"Ate nagpapatawa po ba kayo? Di po siya worth it kung ako sa inyo. MUKHA AT KATAWAN, lang po ang meron sa kanya. Wala naman siyang GMRC." sabi ko.

"Good Morning Roxas City?"

"Nagpapatawa po ba kayo ate? Makapagplug naman kayo ng lugar, wagas na wagas! GOOD MANNERS AND RIGHT CONDUCT PO ANG GMRC!"

Sasabat na sana si Ateng tara tara kaso mukhang napalakas yata yung mga huling salita ko. Napatingin saming direksyong si Demonyo. Medyo namumukhaan niya ako kaya halaaa magtago ka na Jasmina!

Siningkit ko yung mata ko at nginuso yung labi para lumaki yung bibig ko. Tinabunan ko rin ng kaunti yung mukha ko para maiba ako sa totoong ako.

"Ma'am ano po yang ginagawa niyo?"

Ate wag ka namang maingay baka mabuking ako.

"Wala naman akong ginagawa ah. Ok na po yung seat belt ko. Makakaalis na kayo" Shupeee na ate.

Mukha namang nagulat si ate ng kaunti kaso nararamdaman kong abor niya rin naman ang gusto kong iparating. Yun nga lang malaking FEELINGERA lang talaga ang yours truly. Ano ba naman kasi tong gulong napasukan ko?

Panay pa rin ang tingin sakin ni Demonyo kahit na umalis na si ateng nakauniporme na tara tara kaya hinarap ko nalang siya.

"May problema ka?" mahinhing sabi ko at nag-balatkayo (chinita eyes and pouty lips).

"You really look familiar. Nagkakilala na ba tayo?" Tanong ni demonyo habang nakakunot ang noo. Iniisip siguro kung kakilala niya talaga ako. 

Tumawa nalang ako ng mahinhin at sinabing, "Hindi ano, ngayon lang kaya kita nakita. Baka napagkamalan mo lang ako kung kanino. Ang alam ko kamukha daw ako ni Anne Curtis." Oh Lord please tulungan niyo po ako. Bulagin niyo lang ng kaunti yung kausap ko para di ako mabuking.

"Ah, okay" sabi niya habang napaisip ng malalim. Di na siya nagsalita pa at tumingin nalang sa bintana.

SUCCESS! NAKAWALA AKO SA BITAG NG DEMONYO. MAGPAPARTY TALAGA AKO. YAHOOOOOO!

Maya maya ay nag-umpisa ng umandar ang eroplano. Hala ano tong nangyayari sa tenga ko? Bakit wala akong marinig? Sakto namang parang tumaas yung unahan ng eroplano. Natakot na ko kaya wala na akong magawa kungdi ang mapasigaw

"LORD MAAWA PO KAYO SAKIN BATA PA PO AKO. WAG NIYONG PO AKONG KUNIN NG MAAGA. LORD PROMISE AAMIN NA PO AKO SA LAHAT NG KASALANAN KO. DI NA PO AKO MAGIGING TANGA. DI NA RIN PO AKO MAGIGING BRAT O SUPLADA. TEKA DI NAMAN AKO BRAT O SUPLADA AH. BASTA LORD PROMISE KO PO MAGIGING MABAIT NA KO. DI NA RIN AKO MAGIGING TARA TARA O BOBO. MAG-AARAL NA PO AKO NG LEKSYON KO. LORD MAAWA KA SAKIN MAG PAPAKASAL PA AKO AT MAGKAKAANAK. ANO NA LANG ANG MANGYAYARI KAY MAMA PAG WALA AKONG MABIGAY NA APO SA KANYA DAHIL PATAY NA KO? WAG NAMAN PO SANA. LORD DINGGIN MO PO AKO. PROMISE KO RIN PO DI NA AKO MANGBABANGGA NG TAO PARA DI NA SIYA MABAS-"

"So ikaw pala yung kanina? You're going to be dead meat," mahinahong sabi ni Demonyo habang pumipikit at natulog na.

Huh ano daw? Toot.. toot.. toot ..toot ..Hina ng signal ko. Teka ba't wala na pala siyang kable sa tenga? Ting...Ting...Ting... Patay narinig niya yata. Sinabi niya ring 'You're going to be dead', dead as in patay? Tuloy na ba ang biyahe ko papuntang langit?

Lord wag po +____________+

Wala namang importantenh na nangyari sa isang oras na byahe sa eroplano. Pano kase tulog si Demonyo kaya tutulog tulugan rin ako. Pinakikiramdaman ko siya dahil takot akong baka sa pagtulog ko eh may gagawin siyang kababalaghan sakin. Wag naman po sana *katok sa kahoy*

Tentenenen! Nakalapag na rin ang eroplano! At last! YOOHOO buhay pa ang byuti ko!

Dali dali akong umalis mula roon. Di pa nga yata nakaparking yung eroplano eh lumarga na ko. Baka mapano pa ako mamaya pag hinintay kong makalapag ng maayos ang eroplano.


Sa Terminal...

*Lakad Lakad*

Nakakamangha talaga ang mga nakikita ko ngayon. Puro ang gaganda at ang gagara! Yung bintana at dingding puro salamin. Tapos ang lamig lamig pa. Pumapasok yata mula sa isang kahong malaki yung hangin tas binubuga pabalik ng malamig na. Ang gara gara talaga. Mukhang mansion! [Miss A: Sa mga hindi po nakakaintindi, aircon po yung pinagsasabi niya. JASMINA TUMAHIMIK KA NA NGA LANG. AKO ANG NAPAPAHIYA SAYO!]


*Lakad Lakad*


"JASMINE ANAK! DITO!" sigaw nung isang lalaki sa akin. Sino kaya yung Pontius Pilatong lalaki ang tawag ng tawag sakin? Hmmp di nga mapansin.


*Lakad Lakad*


"JASMINE FAITH MARTINEZ AKO ANG DADDY MO!"

Daddy? Yung mamang yun ang Papa ko?? 

---


Dear Filipina,

Kung mabasa niyo man po to, isa na po yung malaking karangalan. More power po sa Classmate niyo! Yun po ang inaabangan ko ngayon :)))

Nagmamahal,

Fan :)

---

Natapos na ang Chapter 2! kekekekeke Ano na sa tingin niyo ang mangyayari sa dakilang si Jamina? Magiging malas pa rin kaya siya ngayong nasa Maynila na ang byuti niya? Abangan ~

MALAKING PS:

Sana naman po magcocomment na kayo. haaaaaaayyy :( | VOTE | COMMENT | FOLLOW | ?? Sana di nalang kayo silent readers (assuming talaga akong may readers) pero sana po, magparamdam man lang kayo. Thank you sa pagbabasa! :))))))))

Flower Princes of Princetown University (ON HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon