Chapter 10.1

520 11 4
                                    

Author's note (choseraaaa)

Sorry. Sorry. Sorry talaga dahil di ako nakapagUD sa mahabang(napaka) panahon. Marami kasing nangyari sa buhay ko?? Hahahaha bastaaaaaa sana ienjoy niyo nalang ang chapter na to. May part two po toh. Ang hirap kasi dahil medyo mahaba hahaha ilalagay ko ang part two mamaya o baka bukas. Have faith in me nalang po hahahaha.

Nagpapasalamat po ako kay Ate REM(nadinededicate ko ang chapter na to) dahil siya po ang nag-inspire sa akin na di dapat ikahiya ang pagiging TANGA hahaha salamat Ate! ^___________^

Salamat po sa mga taong naglalagay ng walang kwentang storyang to sa library nila. Di niyo alam kung gaano ako nasisiyahan :))))))) continue supporting FPPU po!

Halaaa gora na :))) VOTE or COMMENT? Yan lang ang hinihingi ko hahahahaha XD

----

Chapter 10. Part 1.

Acquaintance Party.

Saturday. 6:40 pm. Hilton Hotel.

"Manong guard, estudyante po talaga ako ng Princetown University. Maawa na po kayo sakin. Papasukin niyo na po ako. Late na late na po talaga ako" pagmamakaawa ko sa lalaking nakakulay asul na polo.

Guard siya ng lintek na hotel na pinagdadausan ng acquaintance party ng P.U. Ang parting dapat kinaroroonan ko ngayon. Amputeeeeeeeek late na akoooooo >.<

"Iha, di ka nga pwedeng makapasok sa loob. Unang una, wala kang invitation. Ikalawa, di pwede sa loob ang mga nakaganyang damit. Lalong lalo na ang mga naka paa. Mapapagalitan ako ng boss ko nyan" sabi ni manong habang tinuturo ng bibig niya ang butas butas kong t shirt na linuma na ng panahon at ang sako ng bigas na ginawa kong palda. Di ako naka sapatos dahil sabi ni Illa, dapat makatotohanan daw.

Sinunod ko lang naman ang tema ng party at inayon ang damit at hitsura ko dun. Ba't ayaw akong papasukin?? Masama bang mangarap maging Ms. Acquaintance?

"Manong. Ito po ang tema ng party sa garden ng hotel na to. Nakita mo naman ang ibang estudyante diba? Ganitong ganito rin ang damit nila kasi costume nga manong guard, I'm sure of it!" Nag-ingles na ko! ganyan kasi pag galit na ko, di ingles-ingles na

Itong si manong naman e, pinapahirapan pa talaga ako. Costume to manong! Papasukin niyo na ko huhuhuhuhuhu TT.TT

"Ineng, di ganyan ang damit nila. Lalong lalo na di ganyan ang hitsura nila. Kontodos make up ang mga babae at naka suit and tie ang mga lalaki. Naka gown rin ang mga babae kaya malayong malayong sila sa itsura mo" pagpopoint out ng guard.

Make up daw? Gown? Suit and Tie?

Kinapa ko ang mukha at buhok ko at tiningnan sa mala salaming dingding ng hotel ang hitsura ko. Magulo ang napakahabang itim na buhok at may grasa sa mukha, may dala pang lata na ginawang laruan na hila-hila. Kung naka make-up nga sila, malayong malayo nga ang itsura nila

Wala ka ng magagawa Jasmina! Siguradong hanap hanap ka na ni Illa ngayon kaya kayanin mo yan!

"Pero manong, costume nga to! Ang kulit niyo rin nuh? Papasukin niyo na kasi ako! Dali na manong!" Pangungulit ko kay manong

Papasukin niyo na kasi ako manong. Nag-aalala na siguro yung best friend ko. Wala pa naman akong kagaya nang hi tech na touch screen ba yun na kagaya ng kay Illa? Yung pwede kayong mag-usap na para bang nasa tabi mo lang siya? Mansanas ata yung brand bastaaaaaa

Di naman sa di ko afford ano? Pero makaluma kasi ako e, mas type ko yung sulat kamay teeheee ^_________________^

Miss A: kamo, mangels ka sa makabagong teknolohiya kaya ganyan ka! Maging proud ka nga! Kinahiya pa tsk tsk

Flower Princes of Princetown University (ON HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon