Chapter 4.

743 16 1
                                    

Chapter 4.

*mulat mulat*

Ba't puro puti ang paligid? Langit na ba to? Ang kurtina kasi puti. Ang sahig puti. Ang dingding puti. Ang kama puti. Teka, KAMA?

MAY KAMA PALA SA LANGIT? SOSYALERA PALA SI LORD. Peace bro V (_ _) V

Teka, ang lamig lamig naman dito. Ang mga kamay ko parang di ko na magalaw. Hanggang dito nalang ba ang buhay ni Jasmine Faith Bahaghari-Martinez?

PATAY NA BA KO? SA LANGIT NA BA TO? PAANO NA SI MAMA? SI DADDY? DI NA KO MAKAKAGANTI SA MGA IMPAKTA? [Impakta= yung mga overbleached na sumabunot sa buhok ni Jasmina kaya tawagin niyo na rin silang mga impakta, ang sama lang eh ~_~]

*tingin tingin sa paligid*

Expresyon ko ----------> O.O

Expresyon niya -------> --_--

"Buti naman at nagising ka na. Alis na ko."

WAAAAAAAAAAAAAAAAAH si gwapong bad boy! Pero ano naman ang ginagawa niya rito? Aalis na yata siya kaya tinawag ko.

"Teka. Anong nga pala ang ginagawa mo rito?"

"Binabantayan ka." agad siyang napakamot sa ulo. OMOO ANG KYUT KYUT NIYA WAAAAAAH.

"Ahhh." mahinang sabi ko

"This means nothing okay? Don't even think about falling in love with me. I'm not your Mr. Nice Guy."

LOVE?

NICE GUY?

Ano daw?

Medyo mahina pa ako sa English eh V(_ _)V

"Pwedeng pakiulit? Masyado kang mabilis eh." -Ako

"Isa lang ang ibig sabihin niyan." sabi ni gwapong bad boy habang nakangiti ng mala-demonyo at papalapit ng papalapit sa mukha ko. ANO KAYA ANG PINAPLANO NITO? Mawawala na ba ang pinakaiingatan ko ngayon?

MAWAWALA NA BA ANG FIRST KISS KO?Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah #____________#

Nakita niyang namula ang aking mga pisngi at agad na nahulaan ang tumatakbo sa isipan ko. Tumawa nalang siya ng marahan at sa halip na nakawin ang aking precious first kiss ay binulungan ako.

"Don't even think when you see me. Just run fast or you're going to be dead." at agad agad ring umalis mula sa silid.

WAAAAAAH IUWI NIYO NALANG AKO SA BUKID ANG SAKIT NG KAGWAPUHAN NIYA TT_TT

PERO ANG GWAPO GWAPO NIYA TALAGA

Teka, akala ko ba patay na ko??

(Miss Author: JASMINA WAG KANG TANGA! BUHAY KA PA! SI PRINCE CHARMING MO YUN!)

Ahhhh ganun ba Miss A.? Prince Charming? CRUSH KO NA BA SIYA?

Dugdug. Dugdug.

Ang puso ko...mukhang naeexcite.

Dugdug. Dugdug.

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH >>..<<

After 30 minutes ay nakalabas rin ako sa langit este clinic. (Clinic pala ang tawag sa puting room na yun. Nandoon ang doktor, nars at dentist na magpapagaling sayo pag may sakit ka. WOOHOO nagiging maalam na ko dito sa Maynila ah XD)

Tapos na ang 1st class ko (tama ang hinala niyo, absent ako. Bwisit kasing mga bruha na yun eh. Next time na makita ko sila, kukutusan ko talaga sila ng bonggang bongga) at kasalukuyang may isang oras na break. Makahanap nga ng makakain at ako'y nagugutom na.

Ayon sa mapang hawak ko, nasa kaliwa lang ang maiksing daang papuntang cafeteria. Makashortcut nga XD

*lakad lakad*

Walang tao ang gumagamit ng daanang ito ah...

*lakad lakad*

Ano kaya ang ginagawa ni gwapong bad boy? Nakakain na kaya siya? Di pa ko nakakapasalamat sa kanya. Hindi kasi ako makapagsalita sa kagwapuhan niya +___________+

*lakad lakad*

Di bale next time nalang ako magpapathank you sa kanya.

*lakad lakad*

Si mama kaya kamusta? Si daddy kaya nasa opisina na?

*lakad lakad*

Ang layo naman ng shortcut na to. GUTOM NA KO WAAAAAAAAAAH TT_TT

*lakad lakad*

"huhuhuhuuuuuuuuuuuuuu hik hik huuuuuu"

*hinto*

Teka, ano yan? may umiiyak ba?

<<_<< Tingin sa kaliwa.

>>_>> Tingin sa kanan.

*insert expression* Tingin sa likod

*insert expression* Tingin sa una

Wala namang tao ah. Guni guni lang yun siguro ng isang taong lumilipad palagi ang isip XD

*lakad lakad ulit*

"huuuuuuh hik hik huhuhuhuhuhuhu hikhik"

Ayan na naman ang ungol at hikbi. Wala namang tao. IBIG BANG SABIHIN MINUMULTO AKO? DYOS KO LORD WAG PO!!!!

[Miss A: JASMINENA! DI TO LEFT FOR DEAD. MAG-AYOS KA NGA. DI KA MINUMULTO. Sa hitsura mo pa lang, tyak na matatakot na yung mga aswang sayo if ever XD]

[Jasmine: Ang sama m naman Miss A. MAG RERESIGN AKO MAMAYA. Wala ng magkwekwento ng walang kwentang istoryang to...sige ka]

[Miss A: Aba aba sumasabat ka na ngayon ha. Hala! FACUNDO IPATAPON SI JASMINA SA TIMBUKTO!]

[Jasmine: bleehlat :p]

*back to reality*

"Hellooo? May tao po ba diyan?" sabi ko

"huhuhuhuuuuuuuuuuuuuu hik hik huuuuuu" May tumunog ng kalas ng dahon at nabaling sanga

"Kung naliligaw po kayo, di po to ang daanan papuntang kabilang buhay."

"huhuhuuuuuu hik hik ahhuuuuhuhuhu" Tunog ng yapak ang sumunod kong narinig

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH MISS AUTHOR DI NAMAN TO HORROR AH TT_TT

"Magpahinga na po kayo. Wala na po kayong mababalikan dito sa lupa" Lord maawa po kayo sa akin at sa kaluluwang ito. Tanggapin niyo na po siya diyan sa langit at nang ako'y mabuhay ng mapayapa.

"hik hik huhuhuhuhu ahhhhhuuhuhu" papalapit ng papalapit ang tunog ng mga yapak at di ko na kinaya kaya ginawa ko ang kung saan ako magaling...ang tumakbo XD

Lumingon lang ako ng konti dahil takot akong baka habulin ako ng multo.

BOGSSSSSH

Pader na naman ba tong nabunggo ko? Mukhang hindi pader, parang tao yung nabunggo ko. Bigla ko tuloy naalala si demonyo. Dito rin kaya siya nag-aaral? Baka siya na naman tong nabunggo ko. Lord wag naman po sana puro nalang ako kamalasan sa araw na to pag nagkataon (--_____--)

Pero sabay ng pagmulat at pagtingin ko sa taong iyon ang isang napakalakas na sigaw mula sa lola niyo.

Isang nakagapus at nakatakip ang bibig na babae ang nakabulagta sa daanan. Walang malay pero mukhang di naman sugatan.

~~

Hayan at natapos na naman ulit ang isang chapter. Sorry po if maikli at parang walang major major ang nangyayari, medyo busy po kasi sa studies eh. Sa tingin niyo po, sino kaya yung babaeng nakagapus? Magiging kaibigan kaya siya ni Jasmina o kaaway? Abangan~ kekekeke

Salamat sa pagbabasa! Sana patuloy niyo pong suportahan ang FPPU! Comment, Vote and Follow if you want! Wala pong pumipilit sa inyo :)))))))

Baka mga Sunday na rin po ako makakaUD, may camping po kasi ako bukas hanggang Saturday ^____________^ V

See you sa next chapter! :)))))

Flower Princes of Princetown University (ON HOLD) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon