JEMA'S POV
Hi! I am Jessica Margarett Casidsid Galanza, Jema for short my mom call me Jessica pag light pa lang ang galit at Jessica Margarett na pag magiging dragon na siya hehe. I'm from Adamson volleyball player ako don pero malapit na din ako grumaduate kaya ineenjoy ko na, 20 years old na pala ko. Sa Laguna pala ang Hometown ko pero ngayon nagco-condo muna ko alangan naman kaseng mag bus ako pabalik balik diba. Mag isip ka nga charot HAHAHAHAHA
Nagte-training kami ngayon kahit kauumpisa palang halos ng 2nd semester kase malapit na din ang UAAP kaya medyo mahaba ang oras ng pagte-training. Sa di naman kalayuan nakita ko Fhem Emnas kung tatanungin niyo kung sino siya, jowa ko sya for almost 1 year na and we're both volleyball player
"Fhem!" tawag ko sa kanya pero mukang di niya ko narinig dahil nakasuksok nanaman sa tainga nya yung earphones niya kaya hinintay ko na lang siya na makalapit
"Hoy bat ba di mo ko pinapansin!" pagtawag ko ulit sa kanya, inis na ko niyan kase nadaanan niya lang rin ako habang nakatingin siya sa cellphone niya
"Ay sorry beh, nakatodo kase ng volume yung cellphone ko eh kaya di kita narinig" pagpapaliwanag niya
"Tapos na ba training niyo sa kabila?" tanong ko agad sa kanya kase aayain ko sana siyang mag coffee date kami
"Tapos naman na, bakit?" pagtataka niya.
"Coffee tayo sa malapit sa Ateneo!" pag-aaya ko sa kanya ngunit napansin kong parang nag-aalangan siya
"May coffee din kase kami nila May at Erika, sige sama ka samin" sabi niya
"Ah sige" ako yung nag aya pero parang ako yung salimpusa, okay lang yan Jema sabi ko sa isip isip ko
Paalis na kami at sumakay na kami sa sari-sarili naming sasakyan ng kalagitnaan ng pagda-drive naalala ko na hindi ako inaya ni Fhem na sumakay sa kotse niya kase kadalasan inaaya niya muna ko eh, nakakapanibago lang. Actually matagal ko ng napansin na parang nagbago siya pero hindi ko na lang 'yon inisip kase baka dahil lang sa traing kaya ganon. Within 10 minutes nakarating na kami sa coffee shop na pupuntahan namin buti na lang at dito din nila napagusapan.
"Halika na" aya sakin ni Fhem pagkababang pagkababa namin
"Saglit lang may kukunin lang ako" kinuha ko yung wallet ko baka kase mamaya hindi dala Fhem yung sa kanya.
"Napagod ka?" tanong sakin ni Fhem habang papasok kami sa coffee shop
"Hindi naman ganon pa din sa dati pero syempre magye-yelo ulit mamaya para di sumakit yung mga hita ko, ikaw napagod ka ba" nakahawak ang kamay ko sa braso niya hanggang sa makapsok na kami
"Ganon din, medyo madaming runs lang ginawa ngayon kase medyo na late kanina" sabi niya pero napaisip ako
"Ah mag yelo ka mamaya" pano siyang male-late eh ang aga niya umalis nung nagtext siya sakin na papasok na siya mga around 6:00am palang non eh 10 minutes away lang naman ang condo niya sa school. Pero di na lang ako nagtanong pa.
Umorder na si Fhem at yung isa niyang kasama na si Erika hindi ko sila ganon kakilala kase hindi naman sila volleyball player, pero nakikita kita ko na sila sa school laging nanonood ng training namin. Nakaupo lang ako habang nags-scroll sa phone ko ng mapansin kong parang may mga tiga Ateneo dito, malamang ang lapit lang sa campus nila yung coffee shop na'to. Nasa ganon akong pagiisip ng dumating na yung order namin.
"Fhem, ito yung sayo oh" sabi nung May kaya naman napatingin lang ako sa kaniya pero hindi niya napansin yon
"Salamat, oh Jema yung sayo" inabot niya sakin yung order ko at tinikman ko 'yon the f*ck mali yung naorder niya.
BINABASA MO ANG
My Lifetime
RandomA girl who fall inlove with another girl and in that way their life become more exciting and challenging.