DEANNA'S POV
Today is the UAAP play at sa Ateneo siya gaganapin dahil kami ang host ngayon, alas singko palang gising na ako dahil kinukundisyon ko na yung sarili ko para sa game mamayang 10:00am at dapat 7:00am nasa school na kami dahil magte-training pa kami for 30mins-1hour. Nagluto lang ako ng steamed vegies, fish and of course with rice ang hindi pwedeng mawala sakin. Nakarating na'ko sa school mga around 6:30am naabutan ko naman na ibang team mates ko don.
"Wong" tawag sakin ni Coach O
"Yes po Coach? sagot ko naman agad at lumapit na ko sa kaniya dahil sumenyas siya na pumunta na ko don
"Mag ready ka kase nakausap namin si Jia mo medyo male-late daw siya sa game. Emergency daw kaya sa 1st set ikaw ang setter" kinabahan naman ako bigla sa sinabi ni Coach O kase ngayon palang ako mapapasok sa first 6 "Malaki ang tiwala namin sayo at si Jia ang nagpresinta na ikaw muna" dagdag niya pa kaya mas lalo akong kinabahan
"Sige po, Thank you po" sagot ko naman na hindi pinahahalata ang kaba sa dibdib ko
"Pumunta ka na don kausapin mo sila Alyza" sabi niya kaya umalis na lang din ako
"Ano sabi ni Coach O? tanong ni Kim isa sa mga teammate ko din
"Ako daw muna pumasok sa 1st set at wala daw si Ate Jia" sabi ko sa kanila at nakita ko naman na nagulat nila
"Galingan mo nasa first six ka wag mo bigyan ng bola si BDL HAHAHAHA" sabat naman ni Jonggay at natawa naman kaming lahat
"Kung sakalin kaya kita Pongs? Gusto mo?" sagot naman ni Ate Bei kaya mas lalo kaming natawa
"Deanns, Bei, at Mads punta na kayo dito" tawag naman samin Capt or si Ate Ly dahil tiyak magte-training na
"Kinakabahan ako" bulong ko pa kay Ate Bei at Ate Mads
"Huwag kang kabahan isipin mo na lang na ang laki ng tiwala sa'yo nila Coach, Ate Ly at syempre si Ate Jia" pagpapakalma sakin ni Ate Maddie
"Oo nga Deanns, isipin mo na lang na para kang nagtitinidor ng sabaw" sabi ni Ate Bei at natawa naman si Ate Maddie
"Stop talking De Leon" sabi ko naman at natawa kaming tatlo
Tuloy-tuloy na ang training namin natapos kami mga 8:30 para 1hour break pumunta na ako sa backstage para magayos para sana mamaya ng maabutan ko din si Ate Ly na nagaayos din para mamamaya.
"Hi Deanns" ng mapansin ako ni Ate Ly na papunta sa way niya
"Hi Ate Ly! Goodluck po mamaya!" sabi ko naman sa kaniya ng nakangiti
"Sayo din, ang galing mo na mag set huh" pagsasabi niya naman akin kaya talagang kinilig ako kase sa buong paglalaro niya dito sa Ateneo si Ate Jia lang setter niya
"Thank you Ate Ly, I'm so nervous pa nga because only Ate Jia set for you" sabi ko naman
"Ano ka ba! Magaling ka always remember that, okay?" sabay lapit niya sakin at niyakap ako
"Thank you so much talaga Ate Ly! Labyu!" sabi ko sa kaniya habang kinikilig, siya na ata ang pinakamabait na Captain na naranasan ko ang ayaw niya lang talaga is yung late AHHAHA pet peeve niya yon
Pagkatapos na ng paguusap namin na yon lumabas na kami para magkumpol kumpol sa bench namin para sa game mamaya, andito naman na lahat pwera lang si Ate Jia mamaya pa daw ang dating niya. Nakita ko na din na paparating na yung mga tiga Adamson tsaka yung mga media kanina pa nakaset up malaki naman tong gym ng Ateneo kaya pwede for UAAP actually sa lahat ng school pwede dong mag play nagkataon lang na kami ang host ngayon last year kase ang Lasalle ang host.
BINABASA MO ANG
My Lifetime
RandomA girl who fall inlove with another girl and in that way their life become more exciting and challenging.