CHAPTER 11

363 13 0
                                    

JEMA'S POV

Today si Friday and bukas na kami aalis ni Deanna at hindi pa namin napag uusapan kung saan kami pupunta at hindi ko alam bat yun yung naisip na dare ni Bea kay Deanna pwede namang kumembot na lang siya sa mall ganon HAHAHA pero yung totoo kinakabahan talaga ko kase first time ko siya makakasama and umaasa din ako na sana maging magkaibigan kami. Papasok pala muna ko ngayon para makapagcelebrate kami and may klase ko sa hapon mga 2:00pm pa naman eh 9:00am pa lang 

"Hi Coach, congratulations satin" sabi ko agad kay Coach ng makita ko sa siya gym

"Oy Jema ang galing mo kahapon ah ikaw ang taga puntos" papuri naman sakin ni Coach at ngumiti na ako

"Ay nga po pala coach paalam lang ako wala ako this weekend kase may pupuntahan lang" sabi ko naman sa kaniya actually kinakabahan ako kase baka hindi ako payagan 

"Eh pano ang training  natin?" tanong niya naman 

"Magte-training muna ko Coach mag isa dalawang araw lang naman po yun Coach" pag papacute ko pa 

"Eh sige basta ikundisyon mo pa rin yung sarili mo at sa isang linggo pa naman ang laban natin" sabi naman ni Coach kaya napangiti ako ng todo 

"Thank you Coach, san pala tayo magcecelebrate?" dagdag ko pa

"Ah don sa canteen anndon na din sila" pagkatapos sabihin ni Coach yon ay pumunta na kami sa canteen at nandon na nga sila at nagkakagulo

"JEMAAA!" sigaw sakin ng isa kong teammate kaya naman ngumiti lang ako

"Okay guys, Congratulations sa ating lahat hindi pa naman final pero ang manalo kahapon ay isang malaki ng karangalan para sakin bilang isa niyong Coach" sabi naman ni Coach sa amin at nakinig lang kami 

"OKAYY, CHEERS" sigaw ng isa at kinuha na namin yung tigi-tigisa naming baso ng coke 

"CONGRATULATIONS, ADAMSON!" sigaw ni Coach sigaw namin sabay tawa 

Mga isang oras din kami sa canteen at nagkwekwentuhan lang pagkatapos non ay umuwi na muna ko sa condo ko para doon na mag lunch dahil 2:00pm pa naman ang klase ko at isa lang yon at pagkadating ko naman sa condo ko nagluto muna ko at ang niluto ko lang ay sinigang na kasya para sa akin at nagsaing, pagkatapos noon ay nagpahinga muna ng may biglang mag text sakin 

~~~~ TEXT MESSAGE FROM: "UNKNOWN" ~~~~

"San kayo pupunta bukas? -Bea" nagulat ako dahil kanino nakuha nito yung number ko 

~~~~ TEXT MESSAGE TO: "BEA" ~~~~ (iniba ko na yung name niya sa phone list ko)

"Kanino mo nakuha number ko Bea huh? HAHAHA, hindi ko pa alam hindi pa naman ako kinakausap ni Deanna" sagot ko naman sa kaniya

~~~~ TEXT MESSAGE FROM: "BEA"~~~~

"Kay Jho hehe, okay just update me huh" sabi niya naman 

~~~~ TEXT MESSAGE TO: "BEA" ~~~~

"Ayaw ko nga HAHAHAHA" text ko ulit sa kaniya 


~~~~ TEXT MESSAGE FROM: BEA~~~~

"Don't kidnapp my friend Jema HAHAAH, okay just enjoy tomorrow" text niya naman sakin at natawa ko 

My Lifetime Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon