Chapter 22
My Superman
“Miss panyo oh.” Sabi ng isang lalaki habang binibigay sa akin yung panyo.
Agad ko nang kinuha yung panyo at pinunasan ang muka ko. Ibabalik ko na sana yung panyo pero nagulat ako kung sino ang nag-abot sa akin—
0_0?
“IKAW?!”
“Hehe. Hi. . . ?” ><,
“Hmp. Eh isa ka ring g@go eh. Alam mong nakainom ako tapos iiwan mo ko sa lugar na ganito?!”
Tama. Siya yung lalaking nakilala ko sa club. Yung g@gong nang-iwan sa akin dito.
“Sorry na Miss. Di bale na, binalikan na naman kita eh. By the way, my name is Jack. Ikaw?”
“Chelsea. Just call me Chelsea.”
“Okay Chelsea. . sorry ulit haa?”
“Kayong mga lalaki talaga. . ang hiiilig mang-iwan.” *sigh* “Pero salamat at dinala mo ko dito. . nalabas ko yung problema ko.”
“Huh? Eh ano ba kasing problema mo?”
“Meron kasi akong boyfriend. Yung kauna-unahang boyfriend ko. Yung pinakaunang lalaking minahal ko. Mahal na mahal ko yun. . . pero niloko niya lang ako.” At nagsimula na namang pumatak ang luha ko.
“Bakit? Anong ginawa niya?”
“May ex kasi siya na sobrang minahal niya. Kinuwento niya sa akin yung past nila at nalaman kong magkasingpangalan sila nung pinsan ko, akala ko nagkataon lang yun pala. . . yung pinsan ko at ex na tinutukoy niya ay iisa. Ngayong bumalik na sa Pilipinas yung pinsan ko, nagkabalikan sila. Binalikan niya yung pinsan ko na hindi man lang sinasabi sa akin. Ang sakit eh! Nagmukha kasi akong tanga. Ang tanga tanga ko! Eto ako hintay nang hintay sa kanya, alala nang alala sa kanya. Wala akong ibang inisip kundi siya habang siya nagpapakasaya kasama yung ex niya?!” TT0TT
“Kawawa ka naman pala. Naiintindihan na kita. Kaya naman pala ganyan yung tingin mo sa mga lalaki. Halika, alam kong kailangan mo’to. . .” agad siya lumapit sa akin at niyakap ako.
Tama siya. Kailangan ko nga ito. Dahil sa ginawa niya medyo gumaan yung loob ko.
“Salamat ha? Salamat.” Sabi ko habang nakayakap siya sa akin. Sa wakas at gumaan na ang pakiramdam ko.
“Ayan~ ngayon friends na tayo huh?”
TuT – Me
Ngumiti lang ako sa kanya. Ang bait niya pala. Nakakahiya kasi napahiya ko siya kanina sa club. . .
“Uy sorry din pala sa nagawa ko kanina.” Sabi ko.
“Huh? Bakit?”
“Napahiya ka kasi kanina sa club eh. Sorry huh?”
“Ayos lang yun. Hehe.” ><,
“Bakit ang bait mo?”
“Bakit? Gusto mo bang maging masama ako sa’yo?”
“Huh? Hinde ah. . . Nagtataka lang ako.”
“Narealize ko kasing mas masarap palang maging mabait. Hehe.”
“Bakit? Hindi ka ba mabait dati?”
“Ako? Hindi eh. Sobrang layo ng dating ako sa kung ano ako ngayon.”
“Buti na lang pala hindi kita nakilala dati. Hehehe” ^__^v
“Hehehe. Hmm. . gusto mo na bang umuwi?”
BINABASA MO ANG
Childhood Gangster
Подростковая литератураGirl who chooses between her prince charming and her knight in shining armor. Kayo? Sinong pipiliin niyo? Yung pinapangarap mo o yung laging nandyan para sa'yo? Basta marami pang magagandang kaganapang magaganap! Basahin nyo, maganda 'to! Promise...