***Chapter 26
'I love you'
Chelsea's POV
Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa amin ni Jack, malayo sa maingay at masayang pag-uusap namin kanina. At biglang naisip ko, paano na lang kaya kung hindi ko siya nakilala? Sino kaya ang dadamay sa akin ngayon dito? Sino na lang ang magpapasaya sa akin sa mga sandaling hindi ko na kaya? Makaramdam pa kaya ako ng saya kung wala siya? Sobrang laki ng pasalamat ko at nakilala ko tong taong to. Nang dahil sa kanya nagkaroon ako ng pag-asa.
Napatingin ako kay Jack sandali sabay tingala sa langit na may ngiti at tiningnan ko ang magandang pagkinanang ng mga bituin. Hindi ko namalayang gabi na pala. Ang sarap titigan ng langit. Sa sandaling nakatingin ako sa langit, nakalimutan ko lahat ng problemang meron ako. Lahat ng lungkot ng nadarama ko.
"Ang ganda ng langit no?" Pagputol ni Daniel sa katahimikan.
"Huh? Ah oo nga eh" Sandaling nagulat ako nang bigla siyang magtanong. Napangiti na lang ako at ibinalik ang tingin sa langit.
"Chelsea..." Tawag niya.
"Hmm?" Sabi ko habang nakatulala pa rin sa kalangitan.
"Si Daniel. Paano mo siya malalarawan?" tanong niya
Hindi ko inaasahan ang tanong niyang yun kaya napatingin ako sa kanya nang may pagtatanong ang mukha.
"Si Daniel. . . bakit mo siya nagustuhan? Bakit mo siya minahal? Anong meron siya?" Muli niyang pagtatanong.
"Si Daniel? Hmm. . ." muli akong napatingin sa langit at inimagine ang itsura ni Daniel. "Una ko pa lang siyang nakita may kakaiba na akong naramdaman sa kanya. . ."
"Gaya ng ano?"
"Hindi ko alam eh. Basta ang pakiramdam ko espesyal siya kahit di ko pa man siya ganung kakilala"
"Eh paano mo siya minahal?"
"Nagsimula ko siyang mahalin nung. . nung araw na nagsimula siyang ipadama sa aking espesyal ako sa kanya. Doing all his lovely and surprising efforts."
"Gusto mo pala ng surprises?"
"Honestly? Oo eh. Natutuwa ako sa tuwing nasusurprise"
"Eh ano ba talagang gusto mo sa lalake?" Bigla nyang tanong. Wala akong maisip kaya natahimik ako sandali.
"Yung totoo.. Hmm, yung napapasaya ako ayos na"
"Parang ako diba?" ><, Sabi ni Jack habang malagkit na nakatitig sa akin na naghihintay ng sagot ko.
"Oo naman" sabi ko at napangiti na may kasamang kaunting pamumula. ^u^
"Tingin ko hindi ka para sa kanya. . ."
"Bakit mo naman nasabi?"
"Kase para sa akin ka" ><,
"Ayan ka na naman haa" ^^
"Alam mo akala ko na sayo na ang lahat, hindi pa pala"
"Huh?"
"Kase wala pa ako sayo." ><,
"Hay nako Jack ang dami mong alam. Anong oras na ba?"
"Oras na para mahalin mo ako"
"Hoy Jack tumigil ka na ngaaa! Gabi na oh tara na, umuwi na tayo!" Sinimulan ko nang tumayo pati na rin siya
"Tumangkad ka pala?" Sabi niya pagkatayo niya "Dati kasi hanggang puso lang kita ngayon nasa isip na rin kita"
"Siraulo ka talaga! Ahaha"
BINABASA MO ANG
Childhood Gangster
Novela JuvenilGirl who chooses between her prince charming and her knight in shining armor. Kayo? Sinong pipiliin niyo? Yung pinapangarap mo o yung laging nandyan para sa'yo? Basta marami pang magagandang kaganapang magaganap! Basahin nyo, maganda 'to! Promise...