****************************************************
(Part Three)
"Wooooowwww! Nadaming riiiddeesss!!" Sabi ng cute na cute na si Suzy pagkababa namin ng sasakyan.
So? Dito niya pala kami balak dalhin haa. Hmm mukhang masaya tooo!! Bungad agad samin yung malalaking rides eh at rinig na mula dito sa labas yung mga sigawan ng mga tao. Naeexcite na akoooo! ^o^
"Moshi, lets go?" Sabi niya habang nakatingin ako sa may gateway ng Themepark.
*nods and smile* ^u^
Ngumiti din siya at hinawakan na niya yung kamay ko at pumasok na kami sa loob. Buhat buhat niya din si Suzy. Nagbayad na siya ng ticket at pumasok na kami. At syempre, naglabas na ako ng camera. Hihihi, eto ang pinaka hindi pwedeng mawala eeh.
Nagpicture picture muna kami syempre. At may naririnig ako na para daw kaming isang family. Hahaha. Tignan ko yung mga picture namin sa camera, at oo nga nuh. Para kaming isang pamilya. Narealize ko na lang nakangiti na pala ako. Para akong baliw haha.
Pumunta naman kami sa rides na para sa mga bata at pinasakay dun si Suzy. Nakaupo lang kami ngayon ni Max sa isang bench habang nakabantay ang tingin kay Suzy. Ang saya saya ni Suzy. Ako yung natutuwa para sa kanya. Naiiyak tuloy ako.
"Moshi? Hala! Bakit ka naiyak?"
"Huh? Ah, wala ito"
"Hala! Ayaw mo ba dito? May nagawa ba akong hindi mo gusto?"
"Hindi moshiiii! Masaya lang ako. Kasi yung totoo? Ngayon lang ako nakapunta ng isang themepark eh. At hindi ko maitatangging sobrang saya dito" sabi ko sa kanya sabay ngiti.
Lumapit siya sa akin at pinasandal ako sa may balikat niya habang hawak niya ang ulo ko.
"Ganun ba? Alam ko na pala ang gagawin ko. Lagi kitang dadalhin sa mga ganito"
"Salamat moshi" Naluluhang nakangiting sabi ko. Ganito pala talaga ang feeling ng tears of joy, ano? Ang saya saya. Sa sobrang saya, mapapaiyak ka na lang talaga.
"Tingnan mo si Suzy oh. Tingin mo masaya na siya?" Tanong ni Max
"Oo. Ako nga yung natutuwa para sa kanya eh. Ang saya saya nya ngayon." *sigh*
"Oh bakit?"
"Naalala ko lang yung kapatid kong si Chicklet. Gusto kong makitang ganyan din sya kasaya. Gusto kong maranasan niya din ang mga masasayang bagay gaya nito. Naaawa ako sa kapatid ko. Ayokong magaya siya sa akin na kahit kailan hindi sumaya nung bata pa ako"
"O sige, hayaan mo sa susunod siya naman ang isasama natin haa? Okay ba yun?"
"Moshi naman eh. Bakit ka ba ganyan? Bakit ang bait bait mo?"
"Kasi mahal kita. Handa kong gawin ang lahat ng makakapagpasaya sayo. Tatandaan mo yan haa!"
"Ang swerte ko naman at ako ang minahal mo"
"Mas swerte kaya ako. Ako lang ang pinansin mo"
Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Nang makatatlong rides na sa mga kiddie rides si Suzy, may isang parang little house dun kung saan pwede mo munang iwan ang mga bata. Pwede sila dung matulog, maglaro at kumain. May nagbabantay naman sa kanila. Iniwan muna namin si Suzy dun at mukhang pagod na kasi siya at para kami naman ang makapag-enjoy ni Max. Syempre may bayad dun.
Pagabi na pala. Maganda na ang themepark kasi bukas na ang mga ilaw. Una naming sinakyan ferris wheel. Balak kasi naming masolo ang moment at mamaya bago kami umuwi, isasama naman namin dito si Suzy.
BINABASA MO ANG
Childhood Gangster
Teen FictionGirl who chooses between her prince charming and her knight in shining armor. Kayo? Sinong pipiliin niyo? Yung pinapangarap mo o yung laging nandyan para sa'yo? Basta marami pang magagandang kaganapang magaganap! Basahin nyo, maganda 'to! Promise...