2

56 2 0
                                    

Umupo ako sa aking kama na gawa sa mga tuyong damo, lumingon ulit ako at nakakita ako nang tupa sa aking gilid.

"Ahhhh!" Hindi ko mapigilang mapasigaw

"Rae! Rae Anak ayos ka Lang ba?" Tinig nang isang malumanay na boses na pamilyar na pamilyar Sa akin.

Lumingon ako Sa pinang-gagalingan nito. Nanlaki ang aking mga mata

"Mama?" Tanong ko nang naluluha

"Ako nga anak, Bakit anong problema?" Tanong niya nang pag-aalala

Naluluha ko siyang niyakap

"Ang baho mo Rae amoy kang tae" Sabi niya habang yakap ako

Natawa nalang ako, Hindi ako makapaniwalang nandito si mama

"O siya maligo ka na at pupunta pa tayo sa palasyo"

"Ano pong gagawin natin don ma?"

"Hindi mo ba naalala na tayo ay isa sa mga mag-luluto sa gagawin na salo-salo na gagawin mamaya, Dahil darating ang Princesa nang kankularan at papakasalan ang anak nang Hari, Ang Principe"

Ngiti Lang ang naisagot ko, kahit Hindi ko Alam ang mang-yayari ay may tiwala ako kay mama at Lola Diane.

Tiningnan ko ang suot Kong damit parang nakita ko na ang style na to Sa Pinterest cottagecore ba tawag duon? Di bale basta may damit ako

Lumabas ako sa kulungan nang mga tupa Nilibot ko ang aking tingin paglabas ko. Hindi pamilyar Sa akin ang lugar na ito, Para iyong Kubo ngunit hindi gawa sa kawayan, Puro bato at nag-lalakihang kahoy  ang gawa nito

Parang Ito Yung mga Bahay na nakikita ko Sa Period Historical movies. Tiningnan ko ang labas nang bahay at napapalibutan to nang mga madidilaw at berdeng damo.

Nakakita ako nang isang balon sa isang sulok, lumapit ako rito at sumalok sanaka-kabit na timba.

Nag-igib ako at nakakita ako nang isang palikuran Sa loob nang aking Bahay, Gusto ko na talagang maligo dahil amoy akong Tae nang tupa, Tinangal ko muna ang aking damit

Marami itong layer una ay apron ang sunod ay ang dress na longsleeve na sumasayad Sa aking mga paa, tinggal ko na rin ang aking mga pang-loob.

Mabilis akong naligo, paglabas ko ay may narinig akong mga Tambo nang kabayo Itanong ko kaya kay mama kung anong taon na ngayon

Lumapit ako sa tunog na iyon, Namangha ako nang nakita ko ang isang kalesa.

May dalawang kabayo ang nasa Harapan nito  at may sakay na isang babae na napaka-ganda nang suot marami ring naka-palibot ba kawal sa kalesa

Siguro ay Ito ang princesa na sinasabi ni mama. Na-intriga tuloy ako Kung paano tatakbo ang istoryang Ito, tiningnan ko ang aking kamay at nakita ko parin ang singsing

Pano ko to gagamitin para makausap Sa Lola Diane? Kinatok ko ang sing-sing hinipan ko rin Ito. Pano ba to?

"Lola Diane? Lola?" Bulong Kong tawag habang nakatapat ang bibig ko Sa singsing

"Bakit Rae?"  Narinig ko ang boses Ni Lola Diane Sa aking utak

"Shutainabells!!" Sigaw ko dahil sa gulat

"Huwag Kang maingay, Hindi ka Nila dapat marinig"

"Huh sino?"

"Ang mga kawal nang Princesa, Hindi ko Nila dapat Makita O marinig dahil mababago ang istorya"

"Kala ko po ba ay ako ang gagawa nang sariling storya ko?" Hindi na rin ako nag-salita, nag-usap kami gamit ang utak.

"Oo ikaw nga, ngunit delikado ang mag-pakita dahil -" Hindi na sya natapos mag-salita

Dahil may nakita akong mga pana na tumatama sa kalesa at mga kawal. "OMG!" Sigaw ko dahilan upang mapatingin ang ibang mga kawal Sa akin

Nilingon ko ang puno may nakita akong lalaking may mga  hawak na palaso, Marami sila room

"Ang Princesa!" Sabay sabay na sigaw nang kawal

Nakatulala Lang ako room, naririnig ko ang mga sigaw ni Lola Diane na umalis na ako roon ngunit hindi ko nagawa

Tinapat Sa akin nang lalaki ang kanyang palaso, Parang bumagal ang paligid tatamaan na akong nang palaso ngunit may biglang humigit Sa akin at nasub-sob ako sa lupa.

"Mag-iingat ka" narinig ko ang boses nang lalaki.

Ngunit Bago ko pa sya malingon at mag-pasalamat ay nawala na siya.

"Mahal na princesa! Wala na ang Mahal na princesa!" Narinig Kong sigaw

Bumugtong hininga ako, tinaas ko ang aking ulo sa pinag-tataguan at tiningnan ang paligid, wala na ang mga Tao na may palaso kanina, marami ring nakahandusay na duguan na kawal. Ngunit pansin ko na napakarami ang naka-palibot Sa kalesa na sinasakyan nang princesa

Unti unti akong lumapit, palakas nang palakas ang kabog nang aking dibdib, Nag-kalat ang dugo sa paligid

Pagkalapit ko sa kalesa ay nakita ko ang katawan nang princesa na may dalawang palaso na nakatarak sa kanyang dibdib gusto kong masuka Sa lala nang pang-yayari

Unti unti Kong tinaas ang aking tingin at nakita ko ang muka niya.

B-bakit?

Bakit kamuka ko sya

And everything went black

True the unknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon