Minulat ko ang aking mga mata narinig ko ang karipas nang takbo nang mga kabayo.
Tiningnan ko ang paligid, Bakit nasa loob ako nang kalesa?
"Mahal na princesa, gusto nyo ba po ba nang ubas?" Nilingon ko ang aking Katabi nanlalaki ang mga mata ko
Anong nangyayari?
"Mahal na princesa may problema po ba?" Tanong nang isang dalagita na Katabi ko nakasuot siya nang isang magandang damit
Yumuko ako Tiningnan ang aking suot, napaka-ganda at napaka-gara nito kasing kulay Ito nang champagne at maraming nakislap na diyamante.
Ngunit namutla ang aking mukha
Dahil Ito ang suot nang princesa bago siya mamatay.
Nilingon ko ang bintana na nasa aking gilid, Mas Lalo pang namutla ang aking muka nang natanaw ko ang Bahay. Dahil Sa tapat nang bahay namatay ang Princesa at ako na ngayon ang princesa Sa storyang ito.
"P-pwede bang hindi na muna tayo tumuloy?" Tanong ko nang nanginginig
"Hindi na po maari kamahalan, Ayos ka Lang po ba" nilagay niya ang kanyang kamay Sa aking noo
"A-ayos Lang" sinubukan kong kausapin si lola Diane Sa aking isip ngunit hindi siya nasagot
Napakalapit na namin nakikita ko na ang mga naka itim na lalaki na nakaupo Sa itaas nang mga puno.
"I-itigil n-nyo" nanginginig ang boses ko hindi ko na alam gagawin.
"Ang Princesa!!" Natabunan nang sigaw nang nga kawal ang aking sinabi
Namumuo na ang luha ko at Hindi Alam ang gagawin dahil ilang segundo nalang ay may tatamang palaso sa akin at mamatay ako.
"Ikaw ang bida sa kwentong gagawin ko"
Hininga ako nang malalalim inaasahan na gagana ang aking gagawin
Mawala sila mawala sana sila.
Mawala sila mawala sana sila.Bigkas ko Sa aking isip habang nakapikit nang mariin
Pakiusap
Unti unti nang tumigil ang ingay sa paligid, Nag-hintay muna ako nang sampung segundo bago imulat ang aking mga mata
Nilibot ko ang aking tingin. Naluluha ang mata ko nang nakita ang isang dalagitang duguan na kausap ako kanina.
May dalawang palaso na nakatarak sa kanyang dibdib.
Mabilis Kong nilingon ang bintana, Marami ring nakahandusay na duguan na kawal. Tuluyan nang punatak ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Natatakot ako
Tinulak ko ang pinto nang kalesa at lumabas. Hindi ko pinansin ang mga kawal na nag-sasabi na pumasok ulit ako Sa loob
Nang mapakan ko ang lupa na may dugo ay bumugtong hininga ako. Nahagip nang mata ko ang isang lalaki na may hawak pang pana nag-tatago siya sa talahib nang mga damo. Hindi siya nakatingin Sa akin
Yumuko ako at pinulot ang isang pirasong palaso may nga dugo pa ito.
Hinagis ko Ito pataas sa era at nang malapit nang bumagsak sa kalupaan ay sinipa ko Ito nang malakas papunta sa lalaki na nasa talahiban tumama Ito Sa kanyang balikat dahilan upang sumirit ang dugo, narinig ko itong sumigaw
"M-mahal na princesa a-ano pong ang ginawa nito?" Tanong sa akin nang kawal
"Hulihin nyo siya at dalhin sa palasyo, Kaylangan natin nang saksi Sa mga nangyari" Sabi ko at tumalikod na at sumakay sa kalesa
Muntik na akong masuka nang naalala Ko ang nag-kalat na dugo Sa loob nito.
"Bilisan niyo" Sabi ko Sa kustero
Hindi ko alam kung anong mga mang-yayari at kung bakit Ito nangyari. Inaasahan ko nalang na maganda ang kalalabasan nang gagawin Kong kwento
Hindi ko sinasadya na saktan ang iba, Kaylangan Lang talaga nang isang saksi para malaman Kung sino ang may pakana nang lahat nang ito.
Naisip ko si mama. Pano na kaya siya kung naiba na ang takbo nang storya? Nandito parin kaya siya?
Pinunasan ko ang mga luhang nadaloy sa aking pisngi.
BINABASA MO ANG
True the unknown
Historical Fiction"ikaw ang magiging bida sa gagawin kong storya" Dahil wala na siyang magulang ay kaylangan niyang tumayo sa sarili niyang mga paa, Ngunit pano nalang kung ang papasukan mo palang trabaho ay hindi aayon sa inaakala niya. Kakaiba ang bookstore na napa...