Version 5- Realness (AlyDen)

1.7K 36 1
                                    

Author's note:

Dahil kotang-kota na tayo sa kahopian ng AD lately I wrote this one para naman pampalubag loob ng mga shippers. As my crazy brain thinks beyond those things I read and see in other social media's I decided to write something about it. Pero wag tayong maingay dahil dala lang to ng malawak kong imahinasyon. Sana nga totoo!

Oh, by the way baka gamitan ko na naman to ng kanta ni Ed Sheeran. His song DRUNK, ay naku Den. Hahaha!

+++++

March 20, 2015

In preparation for the ALE's victory party that night, the girls were so busy checking and choosing dresses to wear. Halos present ang lahat maliban kay Aly na abala din sa mga photoshoot at iba pang modeling works. Nasa dorm ang karamihan at abala sa kung anek-anek na pakulong gagawin sa gabing yun, sa isang club kasi gaganapin ang celebration. Wala pa ring pahinga dahil on the next day naman ang bonfire para sa mga athletes.

"Besh?". Ella called ng mapansin ang pananahimik ni Den, nakaupo lang ito sa sariling kama habang hawak-hawak ang phone niya.

"Hmmm". Bored na tugon ni Dennise sa kaibigan. Abala kasi si Ella sa pag-aayos ng damit na susuotin niya kahit simpleng black shirt at shorts lang yun.

"Problema mo? You're not yet preparing? Ayusin mo nga yang pagmumukha mo para kang naluging intsik diyan". Den shot her a glare bago nakataas kilay na itinuro ang damit na nakasalansan sa may ulunang bahagi ng kanyang kama.

"Awww, akala ko kasi tinatamad ka na naman. Patingin nga niyan". Lumapit si Ella sa damit na balak isuot ni Den at ngumiti ito. "Ohhh, your showing some skin huh! Baka naman sumakit tiyan mo dito besh, lantaran na ito". It was a sleeveless white dress with a triangular cut on the stomach part at isang pencil cut skirt na kung di siya nagkakamali ay hanggang knee level. Balak din ni Dennise maghigh heels sa gabing yun para maiba naman.

"Can you please leave that alone? If you want magganyan ka din". Mataray na sagot nito sa kaibigan. Ibinalik niya ulit ang atensyon sa kinukutingting sa cellphone. Bahagya namang sumilip si Ella sa may bandang likuran ni Dennise at nahagip ng mata niya ang tinitingnan nito.

"Kaya naman pala ganyan ang mood mo, parang gusto mo pang durugin yang phone mo". Bahagya pang nagulat si Den at kunyaring itinago iyun kay Ella.

"Hindi mo ba alam ibig sabihin ng privacy?". Inilog-out niya ang account sa instagram at saka tumayo para umiwas sa mga sasabihin pa ni Ella.

"Weeh, as if naman di ko pa nakita yan". She's referring to Aly's manager's post, her picture with Alyssa and Alfred wearing a pink shirt. "Sweet nga ni Fred, palagi niyang hatid-sundo si besh".

"Hatid-sundo? Palagi nga siyang nakabuntot, akala mo naman aagawan!". Den sounds like a jealous girlfriend at agad napangiti si Ella. "What?". Inis niya namang tanong sa pagngiti nito.

"Wala! Ang init naman ng ulo mo besh. Grabe ka talaga". Ella took out her phone and checks her twitter account. May mga nakita siyang niretweet ng ilan sa mga fans, pumrente pa siya ng upo sa may study table at binasa yun ng malakas.

Dennise Lazaro @denniselazaro
Dahil siya ay idol mo, idol ko, idol nating lahat @AlyssaValdez2
pic.twitter.com/bQ2pL06F74

Alyssa Valdez @AlyssaValdez2
@denniselazaro Bagay sayo, pero mas bagay tayo. *insertemoji

"Wooh! Tamis naman! May sweet bone din pala tong si Alyssa, baka mamaya naman besh totoo na tong mga biruan niyo ha? May mga two years pang nakalagay dito". Ella said at nakatanggap naman siya ng masamang tingin buhat kay Den. Pinili nitong lumabas at pabagsak na isinara ang pintuan. Nagkibit balikat na lang si Ella at nakangiting ibinalik ang atensyon sa pagbabasa ng kung anu-ano.

Random Collections (volleybelles tandems)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon