Chapter 3 (Bullying Shiro)

65 7 0
                                    

Wilson's P.O.V

Andito kami ngayon sa bahay nila Kenneth. Nag-iinuman,gusto namin tumambay dito kasi malaki at tahimik.

"Mga pre?ano na plano natin?"pagbabasag ng katahimikan ni Eric

"Plano?saan?" tanong naman ni Carl

"Doon sa epal na transferee? Kay Shiro pare!" sabi ni Eric

"Bayaan mo na nga yun!" sabi ko

"Ano na naman yan pare.Papalagpasin mo pa ba yun? Anong nangyayare sayo! Dati game ka ah."-Eric


"Oo nga naman!" Pagsasang-ayun ni Julius.

Hindi na ako umimik at pinabayaan nalang sila

"Ok ganito ang plano natin!" Sabi ni Eric

Eric,Julius,Kenneth,Carl and Wilson picture at the side ------------->

Macey's P.O.V

"Macey.!" tawag ni Eric sa akin

"Hoy Macey oh tinatawag ka ni Eric,Kilig ka na nyan? hahhaa" sabi ni Aysha,baliw talaga ito pero ayyiiee..!! hahah inaasar lang sarili?

"Bakit?" tanong ko.

"Halika dito." sabi naman ni ni Carl.

Pumunta ako sa upuan nilang lima. Yung apat nagkukulitan habang si Wilson? ewan ko natutulog yata yun eh. Nakatakip kasi yung libro sa pagmumukha nya.

"Oh bakit?" Sabi ko na hindi pa ring nagpapahalata na kinikilig.

"Upo ka!"-Julius

umupo ako sa tabi ni Wilson

"Pwede ba kami humingi ng favor?" seryusong sabi ni Eric

"Ah ok? ano ba yun? Basta kaya ko." Sabi ko

"Ganito kasi yun........" pabiting sabi ni Eric

"Ano ba pabitin naman to oh...!" hahha sabi ko

"Ok ganito .Sabihin mo kay Shiro na magkikta kayo sa rooftop pagkatapos ng klase natin."sabi ni Eric

ano ba ito bat si Eric lang nagsasalita -_-

"Huh? paano ko sasabihin yun.Di pa naman kami nag-uusap" sabi ko

"Ikaw na bahala doon." Sabi ni Kenneth

"Paano pag hindi ko nagawa?"tanong ko

She's Supposed To Be Dead (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon