Crush Kita! Joke lang

21 1 0
                                    

written: 160730

Crush kita! Joke lang. { one shot }

"Could you please stop saying that word to me? Baka maniwala pa ako sa'yo."



——————————————————

"Crush kita." he said and paused. "Joke lang! Hahaha." sabi pa niya at tumatawa na ngayon. Kanina pa yan ganyan e. Sabihin ba daw sakin na crush niya ako tapos, joke lang pala yun? Aish.


Inayos ko muna yung buhok ko na malapit ng takpan yung mukha ko, then i faced him and said, "Dapak Jake? Di ka na nakakatawa! Tigilan mo na nga pagsasabi niyan." sabi ko at tumayo mula sa upoan ko at lalabas na.


"Wait. Hahaha di haha na hahahha kita bibiroin haha." sabi niya habang tumatawa.


Teka, ano daw?


"Seriously Jake? What's funny? Pwedi bang tumigil ka na sa kakatawa mo?"


"Ok. Pffft." sabi niya at halatang nagpipigil ng tawa. Nakakainis talaga 'tong isang 'to. Palagi nalang nag-iinit ang dugo ko dahil sakanya!


"And also, could you please stop saying those words to me? It's annoying, you know?" sabi ko.


Naging seryoso naman ang mukha niya. Alam niya siguro na galit ako sakanya dahil napa-english ako.


"Sorry, Yuri. Bati na tayo please?" haaay. Kung hindi lang siguro kita gusto, pinatay na kita. Joke lang. Oo, gusto ko si Jake. Naging kaibigan ko siya dahil bestfriend ko yung kapatid niya, I mean yung twin niya na si Sarah.


"Sige na. Oo na, psh."


"Yun oh! Haha. Sabay ba kayo ni Sarah uuwi ngayon?"


"Ahh, yes."


"Sabay nalang ako sa inyo."


"Bakit? May kotse ka naman at isa pa, maglalakad lang kami."


"Ahh, basta."


"Hmm, okay." Lumabas naman kami sa classroom at pumunta sa may gate ng school. Nakita namin si Sarah dun at nakita niya rin kami. Kumaway siya kaya kinawayan ko din.


Lumapit kami sakanya. "Hi Yuri! Tara na. Wait. Bat ka andito, Jake?" tanong ni Sarah. Mas matanda kasi ito kay Jake.


"Sasabay ako sa inyo."


one shots - [ fil ]Where stories live. Discover now