Crush mo 'ko noh?

8 1 0
                                    

written: 141013

Crush mo 'ko noh? { one shot }

"Alam ko na pala yung salitang magpapatahimik sakanila."



----x

Monday

"Flora, tignan mo nga 'yang mga 'yan, kanina ka pa pinagtritripan oh." sabi ni Thea, kaibigan ko habang tinuro niya sakin yung lalaki naming classmate na kanina pa ako pinagtatawanan.


Tinignan ko yung mga tinuro ni Thea at inirapan sila, "Bahala sila sa buhay nila. I don't care kung maubosan sila ng hangin kakatawa."


"Ang taray mo talaga pero, hello? Hahayaan mo nalang silang ganyan?!"


"Crush siguro nila ako kaya ganyan sila," sabi ko atska tinuon ulit ang pansin ko sa libro at nagbasa nalang. 'Wag kayo, di ako nag-fefeeling na may gusto talaga sila sa akin. Gusto ko lang silang asarin, para sa ganun, patas kami.


---

Tuesday


"Ano ba! Ibigay mo nga 'yan sakin oy!" sabi ko kay Three na classmate namin. Inagaw niya kasi yung librong binabasa ko at since medyo matangkad siya sakin, di ko maabot yung libro ko na hawak niya pataas.


"Ibigay mo sabi!" sabi ko ulit.


"Ayaw!" sabi niya at nag-make faces. Ew so immature of him.


Huminga ako ng malalim. "Ahh. Alam ko na. Kaya mo ako palaging inaasar kasi.. crush mo 'ko noh?" naka-ngisi kong sabi. Di naman siya nakasalita so i took the chance at kinuha yung libro ko.


"Gotcha! Hahaha," sabi ko sabay tawa nung nakuha ko na yung libro ko.


He snapped out, "Leche! Stop Laughing!" sabi niya na may halong inis or.. saya.. or masayang naiinis?? Teka, what am i even talking about?


Tinaasan ko siya ng kilay, "At bakit? Sino ka para pahintuin ako sa kakatawa?"


Natawa siya ng konti. "Taray mo. Di mo ako kilala, ganun?"


"Magtatanong ba ako kung hindi?" sinakyan ko nalang yung trip niya para sa huli, wala na siyang masabi haha.


Kumunot naman ang noo niya.


"Oh? Bat ka pa nagtanong?"


"Kasi nga, di kita kilala. Duh?!"


Ngumiti siya. Na-weirdohan ako so this time, kumunot yung noo ko. Magsasalita sana ako ng sumigaw ang isa sa kaibigan ni Three.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 03, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

one shots - [ fil ]Where stories live. Discover now