Wrong Send

7 1 0
                                    

written: 150909 

Wrong Send { one shot }

"Oops. Sorry, wrong send. My heart's not for you." 



——————————————————

"Hoy ano ba Zarina! ubos pera ko sayo ah." reklamo ng kaibigan kong si Sam, take note--babae siya.

"Gutom ako eh. Tska sabi mo libre mo naman ako ngayon." sabi ko sakanya habang kumagat ng slice ng cake.

"Pinagsisihan kong sinabi ko yun." sabi niya. Tinignan ko naman siya sabay ngisi.

"Buti alam mo!"

"Huhu. Gaga ka. Pasalamat ka't bestfriend kita!"

"Hahahaha. Thank you!"

"Loka-loka!" sabi niya kaya parehas kaming natawa. Huminto din naman kami, mahirap ng mawalan ng hangin kakatawa ano.

"Sam. Libre mo ako ng load please, last na'to!"

"Lah, abuso ka ha!"

"Sige naaaaa please, please." pangungulit ko.

"Fine. But make sure na gagamitin mo dahil ang alam ko, hindi mo ginagamit yung load mo kaya nasasayang," sabi niya. Totoo naman kasi 'yung sinasabi niya. Kasi, hinihintay ko lang mag-text si ano.. uh.. secret muna, haha.

"Yeah, yeah. Alam ko."



----

"Ano ba Zarina! Late na tayo! Bilisan mong tumakbo!!" sabi ni Sam sakin habang tumatakbo kami papunta sa room namin.

Paano ako tatakbo ng mabilis? Wala naman dito yung taong gusto kong habulin. Hehe char.

"Oo nga! Anong tingin—ouch!" sabi ko ng may nabanga ako.

"Sorry, nagmamadali kasi ako, i mean kami ng kaibigan ko...uh—" napahinto ako sa pagsalita at tumayo mula sa pagkatumba ako (nice right? ako yung may nabangga pero ako yung nahulog) dahil si Jeno—gosh ang gwapo ay pwe! dahil siya yung nakabangga ko. Hala crush, gusto, mahal? (or kung ano pa ang gusto niyong itawag dun) ko pa naman siya.

"Ok lang, I understand." sabi niya tas ngitian ako at umalis na. Ang bait niya talaga—oh wait, di nga niya ako tinulongang tumayo, mabait ba yun? nah I don't care. Alam ko namang mabait siya.

"Hoy! Wag kang tulaley jan! Tara na uy!" sabi ni Sam sakin at isa pa 'tong di ako tinulongan tumayo!



----

"Will you be staring on your phone whole day long?" tanong ni Sam so i snapped out.

"Huh? Bakit ba? Pakialam mo naman?" pabalik kong tanong sakanya. Magsasalita sana siya kaso nag-beep yung phone ko so meaning, may nag-text. Tinignan ko kung sino yun and oh my ghad si asdfghjkl Jeno!!!


From: Jeno <3

Hi, Zarina. Iniistorbo ba kita?


Sa text niyang yun, nag-gulong gulong ako sa kama tas tumalon-talon.

"OMG! See this? Nag-text siya, Sam!" sabi ko kay Sam with matching ngiti and palo effect tas pinakita sakanya yung text ni Jeno.

"Alam ko! Alam ko! Oh ano na? Ano na irereply mo? Ayiee." tukso niya sa'kin. Nag-blush naman daw lola niya emeghed.

Pero may sinabi pa siya, "Paniguradong may hihingiin na naman 'yan sa'yo," kaya tinignan ko siya ng masama.

one shots - [ fil ]Where stories live. Discover now