Kahirapan

3.5K 6 0
                                    

"Ang episode na ito ay nagpapakilala pa lalo sa pangunahung tauhan na si Myca.."

Myca's pov

Habang binabaybay ko ang kalsada pauwi ay bigla ko tuloy namiss sina mama at papa ko na nasa probinsiya.

Flashback

"Noy, tingnan mo ang nasulat na letra ng anak mo...letrang M...ano kaya ang ibig sabihin niyan." Sayang saya ang mama ko ng makita ang sulat ko nung ako ay 5 taong gulang pa lamang.

"Siguro ay Mayaman ang ibig sabihin niyan. Ang batang ito ang mag-aahon sa atin sa hirap, Ter." Sabi ni papa habang hawak hawak ang sandok para kumuha ng pagkain sa kaldero.

"Magiging police ang batang ito. Pangarap kong maging pulis noon ngunit walang pera ang nanay at tatay...kaya heto ako ngayon...heto tayo...naghihirap." Mga mapait na kataga ni papa.

Iyon ang mga katagang palaging sinasabi sa akin ng papa ko habang akoy lumalaki.

"Ikaw ang mag-aahon sa atin mula sa hirap."

Nasa isip ko palagi na sana Mayaman ang ibig sabihin ng letrang M na una kong naisulat noong ako ay musmos pa lamang.
Hanggang ngayon nagsusumikap parin akong makamit ang nais ng magulang ko sa akin. Ang mag-aahon sa hirap at dusa na kanilang kinasadlakan ngayon. Galing ako sa mahirap na pamilya. Ikatlo sa apat magkakapatid. Ako ang babaeng matapang at nangangarap na maging maayos ang buhay. Ang mga magulang ko ay nagtitinda ng kakanin. Araw-araw, puyat at pawis ang kanilang pinapaagos mabuhay lang kaming magkakapatid.

Dahil sa kahirapan ay huminto ako ng pag-aaral. Hindi ko yata matatapos ang pag-aaral ko. Hindi ko yata matutupad ang nais ng mga magulang ko. Sobrang lungkot ko dahil hindi ko maipagpapatuloy ang pag-aaral ko.

Nag-apply ako sa iba't ibang tindahan para makatulong ako sa magulang ko. Ngunit, kulang ang pinag-aralan ko kaya hindi ako matanggap-tanggap "Totoo nga talaga na kapag wala kang mataas na pinag-aralan ay wala ding talagang tatanggap sayong maayos na trabaho. Kaya naisipan ko na lang na pumunta kina Tiyo Manuel at mag working student.

Ito ang storya kung bakit ako napadpad dito. Hindi rin madali ang buhay ko. Gagawin ko ang lahat para lang magkapera ako. Ang 4,000 na kinita ko kanina ay ibibigay ko pa kay mama para pambili niya ng gamot. Mahal na mahal ko sila kaya kahit ano gagawin ko kahit pa puri ko ay isanla ko.


🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺

DON'T CALL ME A WHORE!Where stories live. Discover now