“Hoy paang tinubuan ng mukha! Saan ka ngpupunta lately at MIA ka???” – Janet
Grabe makapanlait tong si Janet! Ang ganda ko kaya! Hmp!
“Hoy ka din babaeng mukhang nabubulok na paa! Diyan lang sa tabi-tabi ^___^” ganito talaga kami mag-lambingan :p
“Nakita kita nung isang araw may kasamang lalaki”- Jerome
“Nakita mo kami ni babyR?” O_____o
“Binggo!” – Jerome
Loko! Hinuhuli lang pala ako. Eh di WOW! HAHAHAHA. Ako din ang nagbuking sa sarili ko.
“BabyR ha” – Christy
“Lumalablayp pala kaya nawawala” – Yan
“So what’s the real score?” – Janet
“21-25 panalo DLSU” at walang pakundangan akong binatukan ni Janet. HAHAHAHAHA .. Sarey naman! Masyado akong naadik sa panonood ng UAAP women’s volleyball eh! ^____^ v
“Sumagot ka ng maayos kung ayaw mong isako ka namin ngayon at ipatapon sa pinakamalapit na bangin” hala! Katakot naman ng isang to. Okay , HOTSEAT ako ngayon. No choice.
“Sorry naman ^___^ v Ano kasi….” Pano ka ba uumpisahan??
“Ano nga?” hala! Bakit sila nakasigaw??? -____-
“We are more than just friends but we’re not lovers. I mean, not yet” wuuu! Congrats me. Pure English yun aa. Pinag-ipunan ko ng sampung taon yun ^___^ v
“Tsk! Baka naman assuming ka lang?” – Jerome
Isa pa. Hahambalusin ko na to! -___-
“Oo nga. Baka masyado mo lang binigyan ng ibang meaning yung pinapakita niya sayo” – jose
“Okay. Hear this, since may marami naman akong connection dito sa school, I have heard a lot about him. Siyempre campus crush yun eh, what to expect diba? There’s a certain girl named Julia, niligawan daw niya yun dati kaso ifrinendzone siya nung girl kasi nga mas mahalaga daw yung friendship nila” – janet
Ouch! >_< Masakit pala talaga magmahal? .. O____O Mahal?? Im aware that I like him pero di ko alam na ganun na pala ako ka-attached sa kanya. Pero masakit parin yung marinig kung may ibang babae sa buhay niya at mukhang tagilid ang sitwasyon ko. Ano bang laban ko sa Julia na yun. Eh siya niligawan samantalang ako, kulang na lang ako yung manligaw sa kanya L
“Look, we’re not saying this para saktan ka. Siyempre ayaw na naming maulit yung nangyari sayo sa previous relationship mo. Ayaw namin na masaktan ka” – Yan
Napangiti ako. I really appreaciate their concern. Kaya mahal na mahal ko ang tropang to eh ^___^ v
“Thanks guys! Akalain nyo yun may sweet sides pala kayo.HAHAHAHAHA” at lumabas na naman ang kulit nila. Kanya-kanya sila ng pambabara sa kin.
BINABASA MO ANG
The Dancing Cagey
Cerita PendekHistory 101 :p Okay! Honestly, wala na akong balak i-post to online, kaso sabi ng Tropa ko, saying naman daw. Uhmm. Sabagay nag-effort din naman kasi ako kahit epic fail yung dahilan ng pagkakabuo ng story na to :p But then , kahit naman na-broke...