"Kumusta date niyo ni Takashi?" Unang tanong na binugad sa akin ni Yuzuha na nakangisi sa akin.
Kapag naalala ko talaga yung nangyari kahapon, kinikilig ako. Lakas talaga epekto ni Takashi sa akin.
"Uy! Nakangiti siya!" Siko sa akin ni Yuzuha.
"Ano ba? Parang sira 'to." Tawa ko sa kaniya.
Dumating na ang teacher namin para magturo, pero kinukulit pa rin ako ni Yuzuha about sa date namin ni Takashi. Kating-kati 'to humagilap ng tsismis, Marites ka ba girl?
Ano kaya magandang way para sagutin si Takashi? Hindi pa ako nagkaroon ng boyfriend before, kaya gusto ko sana maganda, at memorable for me and para sa kanya.
Tumingin ako sa bintana para makakuha ng ideas, baka sakaling meron ako makuha.
"the moon is beautiful, isn't it?"
Alam ko na! Bibili na lang ako ng mga kailangan ko mamaya!
"Hoy, y/n! Sabog ka ba? Kanina pa kita tinatawag!" batok sa akin ni Yuzuha.
Nilingon ko siya, yung iba naming kaklase wala na kasi nagbell na pala para mag lunch.
"Hanap ka ni Takashi, nasa labas." Turo ni Yuzuha kay Takashi na nasa gilid ng pinto naka sandal habang nakatingin sa akin.
"Sabihin mo, masama pakiramdam ko, hindi ako sasabay sa kaniya kumain saka umuwi kamo. Matutulog ako." Sabi ko kay Yuzuha sabay heads down para kunwari effective.
"Huh? Bakit hindi ikaw?" Tanong ni Yuzuha.
"Bilis na! Mamaya explain ko sayo!" sagot ko sa kaniya.
Narinig ko naman yung footsteps ni Yuzuha papunta kay Takashi.
"Takashi, masama raw pakiramdam niya, hindi raw siya sasabay sayo kumain at umuwi mamaya. Matutulog daw siya ngayong oras." Sabi ni Yuzuha kay Takashi.
"Ganun ba? Sige, pasabi na lang dadaan ako sa kanila mamaya." Sabi ni Takashi.
Sumilip ako sa kanila, at nakita kong nakatingin sa akin si Takashi.
"Sige na, Yuzuha. Salamat. Sayang yung strawberry drink dito bigay ko na lang sa iba." Parinig ni Takashi at saka siya umalis.
Sorry strawberry drink at Takashi, promise ngayong araw lang 'to.
"Y/N. bakit mo ako pinapatawag? Yari ako nito kay Takashi, sabi ko pupunta ako sa club niya." Kamot ulo ni Hakkai.
"I have a plan to surprise Takashi today." Anunsyo ko. Nagkatinginan naman silang magkapatid at binalik sa akin yung tingin na nagtataka.
Bumuntong hininga ako at saka ako ngumiti sa kanila.
"Isusuprise ko siya para sagutin ngayong araw." Ngiti ko.
Tumili naman 'tong si Yuzuha at saka ako niyakap habang nagtatalon pa.
"So ganito yung plano, ikaw Hakkai kailangan mo ko bigyan ng mga 2 hours para maprepare ko yung surprise. Yung surprise gaganapin sa bahay ko sa rooftop. Tapos tayo naman Yuzuha, bibili ng mga kailangan ko." Sabi ko sa kanila.
Mukhang naintindihan naman nila kasi tumatango-tango yung magkapatid.
"Ok! Madali lang pala, sige una na ako. I-text ko na lang si Ate kapag umalis na si Takashi." Paalam ni Hakkai bago lumabas ng room.
Pumunta kami ni Yuzuha sa crafts store, bumili kami ng mga colored paper at kung anu-ano pa. Gusto ko simple lang pero memorable.
After namin magbayad, agad-agad naman kaming pumunta sa bahay namin para mag-ayos.
"Ma! Nakauwi na ko, kasama ko si Yuzuha." Anunsyo ko sabay takbo papuntang kwarto para magbihis.
Agad akong bumaba para tulungan si Yuzuha at nakaupo siya sa sala naming habang kumakain ng cookies.
"Tara, Yuzuha. Sa taas natin dalhin yang cookies." Sabay kuha ko ng plato ng cookies.
"Bakit ang dami niyong dalang gamit? Para saan?" Tanong ni Mama habang nagpupunas ng kamay.
Ngumiti ako saka niya at saka ako nag finger heart.
"Sasagutin ko na si Takashi." Ngiti kong sagot sa kaniya.
Tiningnan niya ako nang matagal at saka siya ngumiti.
"Totoo ba? Naku! Maghahanda tayo para sainyo, sandali lang at mamimili lang ako." Agad-agad naman umalis 'tong si Mama para pumunta ng palengke.
Umakyat na kami ni Yuzuha, siya sa mga paper cuts ako naman nagseset up. Kanina pa kanta nang kanta si Yuzuha at nagsasabi na "naeexcite ako".
Winalisan ko muna yung buong rooftop namin at saka ko sinabit yung mga fairy lights na may wooden clip at pictures naming dalawa. Sa baba naman is white na tela na may unan at sakto kitang-kita yung city lights.
Nilingon ko yung pintuan ng rooftop at nakita kong sumulpot si Mikey, Draken, Baji, Takemichi, Pehyan, Chifuyu, Emma at orange na buhok na babae. Jowa siguro ni Takemichi 'to.
"Ano ginagawa niyo rito?" tanong ko.
"Tinext ako ni Tita, sabi niya isusurprise mo raw si Takashi. Ayun, sakto nasa bahay sila tapos si Hinata tinext ko to help." Paliwanag ni Emma.
"Ah! Hinata, ikaw siguro yung jowa ni Takemichi?" Lapit ko doon sa orange na buhok. Nginitian niya ako at tumango siya.
"Ah oo, ako nga!" Ngiti ni Hinata.
Pinakilala ko kay Yuzuha ang dalawa kong pinsan at mga kaibigan ni Mikey. Tumulong naman sila magset-up ng lugar, at mukhang may dala rin silang pagkain at kung anu-ano pang pakulo kagay ng party popper, fireworks at torotot.
"Mikey? Bakit may torotot?" Tanong ko kay Mikey.
"Para kapag sinabi mong "I do" kay Takashi, hihipan ko yan para maingay." Tawa ni Mikey at saka ko siya binatukan.
"Aray ah! Wag ka mag-aalala ganyan din gagawin ko sa kasal niyong dalawa!" Tawa niya ulit.
YOU ARE READING
I left a note; Mitsuya Takashi
FanfictionIf I didn't come back to Japan, I wouldn't meet Mitsuya Takashi.