Chapter 24

184 14 4
                                    

"Takashi, sleepover ako sa inyo." Paalam ko kay Takashi na nagtatahi.

Nasa home economics kami ngayon, wala akong club kaya madalas akong tumambay dito sa club niya. Nakakatuwa naman kasi may natutunan ako rito kung paano magtahi ng maayos.

"Takashi!! Naririnig mo ba ako?" Kalabit ko sa jowa kong busy.

"Uy!!" Yugyog ko sa kaniya.

Ano ba problema nito? Wala naman akong ginawang- Ah! Ayaw niya nga palang tinatawag na Takashi.

"Love." Tawag ko sa kaniya na may ngiti.

Nilingon niya ako at nginitian.

"Yes, love?" Tawag niya sa akin.

"Sleep over ako sa inyo mamaya." Paalam ko.

"Sure. Make sure na magpaalam ka sa Mama mo ng maayos, ako malalagot. And, daan muna tayo sa inyo para kumuha ng kailangan mo." Sambit ni Takashi.

"Yay!" Palakpak ko.

Makakapagsleepover na ulit ako sa kanila. Hindi naman ako laging nagssleepover sa bahay nila Takashi kasi nakakahiya naman baka isipin doon na ako tumitira. Can't wait to see Mana and Luna.

Pumasok kami sa bahay ko, at naabutan namin si Mama na naghahanda nang meryenda.

"Ma, nandito na ako kasama ko si Takashi." Anunsyo ko at sabay halik sa pisngi ni Mama.

"Si Takashi? Papasukin mo! May hinanda akong meryenda. Yung favorite mo chocolate crinkle cookies." Nilapag ni Mama yung chocolate crinkle sa lamesa at saktong pumasok si Takashi.

Nagmano si Takashi kay Mama kasi nasabi ko sa kaniya yung tradition namin as a Filipino. At simula nun, kada punta ni Takashi sa bahay lagi siyang nagmamano.

"Ma. Magsleep over ako kila Takashi ngayon, ok lang ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Ok lang naman. Diba may mga kapatid ka Takashi? Dalhan mo ng binake kong chocolate crinkle cookies and bigyan mor in parents mo." Ngiti ni Mama.

"Salamat po, Mama." Ngiti ni Takashi.

Yes, Mama na po tawag ni Takashi sa Mama ko. Kasi ang kulit ni Mama, gusto niya Mama na lang daw i-tawag sa kaniya kaysa raw sa Mrs. L/N.

Umakyat ako sa kwarto ko at saka ako kumuha ng kailangan ko kagaya ng pantulog, facemasks para skincare kaming apat and kung anu-ano pa.

"Oh siya. Ingat kayo ah. Yung crinkles wag mo kakainin, y/n ha!" Paalala ni Mama.

"Opo. Babye na." Halik ko sa pisngi ni Mama at saka kami sumakay sa motor ni Takashi para umalis.

Narinig kong tumunog yung cellphone ni Takashi sa bulsa niya, kaso nagdadrive siya.

"Takashi, may tumatawag." Sabi ko sa kaniya.

"Sagutin mo." Inabot niya sa akin yung cellphone niya.

Nakita kong tumatawag si Mikey sa kaniya. Mukhang kanina pa siya tumatawag kasi nakalimang missed call na siya.

"Hello, Mikey?" Sagot ko.

"Oh, y/n! Ang tagal niyo naman? Nandito na kami sa bahay ni Takashi." Sagot ni Mikey sa kabilang linya.

"Ha?! Anong ginagawa niyo jan?" Tanong ko.

Tiningnan ako ni Takashi sa salamin at binalik niya yung tingin niya sa daanan. Ilang kanto na lang at malapit na kami sa kanila.

"Sleep over." Simpleng sagot ni Mikey.

"Hindi naman kita ininvite." Paalala ko sa kaniya.

"Hindi nga, pero si Takashi naginvite sa amin." Sagot ni Mikey na may pang-aasar pang tono.

"Sige." End call ko sa kaniya.

Bumababa ako sa motor ni Takashi, iniwan ko siya doon sa parking lot ng apartment nila at dumeretso ako sa hagdan. Hinantay ko siya sa tapat ng bahay nila para mauna siyang pumasok.

Nakakainis, hindi man lang sinabi ni Takashi na invited yung pinsan kong mokong, at saka akala ko kami-kami lang apat magsskincare!

Hinawakan ni Takashi kamay ko pero agad kong hinawi. Kumunot yung noo niya sa akin. Nakakainis, ingay pa naman ni Mikey.

"Why?" Tanong ni Takashi.

"Ewan ko sa'yo. Buksan mo na yung pinto." Pagsusungit ko sa kaniya.

Binuksan ni Takashi yung pinto at naririnig ko tawanan nila Mikey sa sala. Mukhang iilan lang sila ah. Sumunod ako kay Takashi na dumeretso sa kusina para ilapag yung crinkles na dala na pinadala ng mama ko.

Kumuha ako ng plato para lagyan sila Mana at Luna, marami binake si Mama kaya for sure makakain din sila Mikey.

"Tirhan mo na lang sila Tito saka Tita. Dadalhin ko 'to kila Mana at Luna." Pagsusungit ko ulit sa kaniya.

Hindi ko na siya hinantay na sumagot at dumeretso na ako sa kwarto nila Mana at Luna para tingnan, kaso wala sila doon mukhang nasa sala.

I left a note; Mitsuya TakashiWhere stories live. Discover now