The Mark on his Neck

20 8 0
                                    


Long ago, Macrinus was a great warlord from the kingdom of Andrebith ruled by king Leoford. But he suddenly vanished 30 years ago without telling his reasons to the king but he fell in love with a woman and decided to run away to start a family.

(King Leoford is the archenemy of Luther. One of his rivals since on his younger years who also wanted to end his reign.)

----

Sa isang lugar malayo sa kinaroroonan ng Glyswing ay may maliit na tavern kung saan puro mga tomador ang nagpupuntahan. Sa hindi inaasahang pangyayari ay may mga piratang nagtatawanan dahil sa labis na kalasingan.

"Sino ba pinaka matapang dito?! HAHAHAHAHA" bulyaw ng isang piratang mataas ang balbas sa kasamahan niya.

"Hoy babae! Bigyan mo pa kami ng alak," sigaw nito sa matandang nagmamay ari ng lugar. "Kita mo naman siguro wala na kaming maiinom?!" Pakita niya sa basong inaalog pabaliktad na wala nang laman. Nag-alangan pa ang matanda dahil sa takot nito sa kanila.

"Ipagpaumanhin niyo mga ginoo ngunit hindi pa kayo nagbabayad sa huli niyong ininom," sagot nito na siyang ikinagalit ng pirata.

"Huh?! Sino ka ba sa tingin mo?! Alam mo ba kung sino ako?!!" singhal niya sa matanda at agad na tumayo at inilabas ang kanyang patalim. "Pwede na ba itong pambayad?" Dagdag pa nito na mas lalong ikinatuwa mkng kanyang mga kasamahan.

Dahil sa hindi makatarungang pang-aalipusta sa kanilang kabuhayan, lumabas ang asawa ng babae mula sa kusina. Natatakot man ngunit hindi na nito mapigilang pagsalitaan ang mga ito.

"Kung wala kayong pambayad maaari na kayong lumabas! Sa iba na kayo manggulo!" sigaw nito sa kanila. Ngunit mabilis lamang itong hinablot ang kanyang ulo at malakas na inuntog sa lamesang pinag-iinoman nila. Lahat ay natulala sa nangyari maliban sa mga kasamahan nito.

Napahiwi ang matanda sa napakalakas na epekto sa kanyang mukha na nag sanhi ng malaking sugat at pagdurugo sa ilong.

"May mga kawal bang nandito?! Pakiusap tulungan niyo kami." Pagmamakaawa ng lalaki kahit na dikit parin ang ulo nito sa mesa. Walang sino mang mga taong nasa loob ang nag lakas na pigilan ang nangyari.

"Sumigaw kaaaa! HAHAHAHAHA walang tutulong sayo dito." Tawa ng pirata na hawak parin ang matanda sa ulo.

Hindi nila alam na sa kabilang lamesa ay may estrangherong nakikinig lamang sa mga pangyayari. Tumayo ito at pumunta sa pinangyarihan ng gulo.

"Enough," maikling salita at nagpakawala agad ng isang matinding suntok sa piratang humawak sa matanda.

Hindi makapaniwalang napaatras ito habang hawak ang duguang bibig. Ang lalaki ay nakasuot ng makapal na balabal na dahilan kung bakit hindi nila maaninag ang kabuuan ng mukha.

"Isa kang hangal na gawin yan sa akin!"

Hindi nila alam ang nakakubling marka sa bandang leeg ng misteryosong estranghero na nag uudyok ng kapahamakan.

Isang alakdan.

Nang makita ito ng iba pang pirata ay tila nag alangan ang mga itong umatake. "ANO PA ANG GINAGAWA NIYO MGA HANGAL?! SUGURIN NIYO NA SIYA!!" sigaw ng lider sa mga kasamahan. Hindi na nagdalawang isip pa ang mga alipores niya at sunod-sunod na pinaunlakan ng mga matutulis nilang mga punyal at espada ang estranghero.

"Hindi ito totoo," tanging nasambit na lang ng lider matapos makitang isa-isang natatalo at basag ang mga mukha ng kanyang mga alaga.

"S-Sino ka ba talaga?"

Nagkagulo sa loob ng tavern na naging dahilan ito ng pagkawasak ng mga kagamitan–nasirang mga lamesa–basag na mga baso–mga silyang nagliliparan sa ere. "Imposibleng ikaw ang—" hindi na niya natapos pa na magsalita dahil agad itong sinakal ng estranghero. "I-Ik-Ikaw a-ang si-sina—'." Kahit na sakal na siya nito ay wala nang nagawa pa ang kawawang pirata at tuluyan nawalan ng malay matapos makita ang nakakubling marka.

The Manservant Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon