Chapter 5

8 0 0
                                    

Nagising ako bigla. Ewan ko ba lagi naman talaga akong nagigising ng madaling araw. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Naabutan ko si kuya naka-upo lang. "Why you are not sleeping" nabigla yata siya saakin.

Umupo nalang ako sa tabi niya at niyakap siya. Namiss ko talaga siya. "Akala ko master mo na ang history ng vampires. Bakit hindi mo alam na hindi naman talaga ako natutulog" what?

"Okay"

Tinignan niya ako kasi naman hanggang ngayon nakayakap parin ako sa kaniya. "Comeon tatabihan nalang kita. Matulog ka na sige na." binuhat naman niya ako papuntang kwarto at hiniga ako ng dahan-dahan sa kama.

"Naalala mo pa ba yung ako yung nagpapatulog sayo sa tuwing luluwas sila mama sa bayan?. Hay pasyensya ka na at mama at papa ang tawag ko sa kanila. Ayoko kasi ng dad tsaka mom dahil mas masaya parin tayo noong hindi pa presidente si papa." Hinahaplos ni kuya yung mukha ko. Yung kamay ko naman nakayakap sa kaniya.

Hindi ko namamalyan nakatulog na pala ako.

****

"Good morning my princess" pilit kong minulat yung mga mata ko. Inaantok pa kaya ako. "Kuyashatapsshhh"

"Ano babangon ka ba diyan o papaliguan pa kita" napabangon naman ako bigla. Hinampas ko naman siya ng sorbang lakas.

"Tsk! Hinawakan mo lang abs ko" napaka-yabang talaga nitong kuya ko.

"Umayos ka, babangon na. Labas na!" sigaw ko.

"Aba't kwarto ko 'to pinapalabas mo ako?. Oo nga pala may bago kang uniform nasa closet kuhain mo nalang. We are going to school. After mong mag-bihis eat your breakfast"

Tumayo na ako tapos inayos ko narin yung kama ko. Ganito pala yung feeling ng nandiyan na ulit yung kapatid mo. I mean sobrang saya at magaan ang pakiramdam. Hindi ko alam na nandiyan lang pala siya sa tabi ko. Kinuha ko yung phone ko. Kailangan ko na pala mag-asikaso.

Naligo ako at sinuot na yung uniform. Pagkalabas ko ng kwarto pumunta ako agad sa dining at tinignan yung mga pagkain. "Kuya hindi naman ako malakas kumain bakit ang dami nito?" tanong ko.

Hindi naman kasi ako makapaniwala napakaraming pagkain mga ilang putahe. "Sorry sa tagal ba naman ng panahon hindi ko na alam ang paborito mo. Halika na kumain ka na. Kakatapos ko lang"

****

"Victoria you're safe" nagulat ako ng yakapin ako ni Lucas. Agad naman siyang bumitaw kasi I smell awkward.

"Lucas brother ko yung kasama ko kaya pwede ba tumabi ka!" sinigawan ko siya, bigla nalang kumunot yung noo niya. Hinawakan niya ng sobrang higpit yung kamay ko.

"I am telling you na matagal ng patay ang kuya mo. Victoria magising ka sa katotohanan. Comeon kailangan mo ng pumasok" kinaladkad niya ako papuntang classroom. Nagulat ako ng umupo siya sa tabi ko.

"Good Morning Class!" tumayo ako at nag-greet sa teacher namin. "Don't worry, your teacher cannot see me. Vampire's ability"

Inirapan ko nalang siya. Psh. Kayabangan. I continue reading the book that our teacher gave us.

"Ito na ba talaga ang school na inaatendan mo?, walang craft something?. Your dad has a power para patigilin yun. Boring" nakapangalumbaba siya sa desk niya.

Ano naman kayang school ang pinapasukan niya, yung puno ng magic?. Ang hirap kasi sa kaniya sumama-sama mabo-boring lang naman pala.

"Alam mo pwedeng manahimik ka nalang.puro kaepalan ang lumalabas sa bunga-nga mo"

"Young Lady Fara may problema po ba?" napatingin ako sa prof. ko. Umiling nalang ako at ngumiti. Tsk! Oo nga pala wala palang nakakakita dito kay Lucas.

"Okay going back to the topic"

Natapos ang klase ko ng may katabing ubod ng epal. Ewan ko ba lagi nalang nagpapa-pansin. "Pwede ba kahit dito sa parking lot tantanan mo na ako" tinignan ko siya ng masama.

Ayun nakangiting akala mo nanalo sa lotto. "Lucas leave my sister alone pwede ba?" I froze.

Nandito si kuya, I smell war. "Ano ba naman yan Prince, sister? Naisip mo ba yang salita bago mo sabihin. Kailan mo pa ba siya naging kapatid ha? Baka magka-alaman tayo, isang pindot ko lang sa phone na 'to maririnig ng daddy ni Victoria ang usapan natin"

"Pwede ba? sa harapan ko pa talaga kayong dalawa mag-aaway?" iniwanan ko sila at sumakay ng kotseng pinadala ni daddy kasi alam niyang wala akong sasakyan pauwi. Siguro nagsapakan na yung dalawa nang iwanan ko sila. Subukan lang magalusan ni Lucas yung mukha ng kuya ko, humanda siya saakin.

Pagdating ko ng bahay agad akong binungad ng isang maid. "Young Lady ipinapatawag po kayo ng daddy niyo. Mukhang galit na galit"

What did I do? Oh damn I remember, hindi pala ako natulog dito.


Vampire's DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon