Chapter 6

7 0 0
                                    

Chapter 6

"Saang friend ka naki-tulog?" napayuko nalang ako. Paano ko ba 'to sasagutin.

"Hmm close friend from other school" I smiled.

Sana effective ang alibi ko. At kung hindi naman, nako pano na. "Remember this Victoria, sobrang daming records ng friends mo ang saakin at baka gusto mong isa-isahin ko pa sila. Pinatawag kita kasi may mahalaga kang mission"

Mission? Nako another problem na naman yan.

"Don't you ever mimic, Masyadong bukas ang isipan mo paki sarado"

Muntikan na akong mapatalon sa gulat. Kayang basahin ni dad ang isip ko?.

"Ofcourse"

"Ipapadala kita sa well known school. Ang Ookami School. Alam kong mahirap makisalamuha sa mga Ookami at hindi medaling kumilos doon lalo na kung nandiyan lang sila sa paligid"

Ookami? Sa pagkaka-alam ko yung ay wolves yung mga yoon. Kung wolves, I'm really dead. "Dad paanong magta-transfer talaga ako doon?" nagu-guluhang kong tanong.

"Pack your things, Don't worry hindi allowed ang students na mag-transform to wolves kaya hindi ka nila mahahalata. For sure kaya mo na ang sarili mo"

Napa-iling nalang ako, another problem na naman ba ito. Pumunta ako sa kwarto ko at naka-salubong ko si Yaya Selia. "Young Lady, balita ko pupunta ka na sa Ookami School. Mag-ingat ka, wag kang mag-alala babalik ka naman para sa party"

Nag nod ako at pumasok na sa kwarto ko. Grabe talaga 'tong mangyayari.

I started packing my stuffs. Lahat siguro ng damit na matino dinala ko na. Forsure iba siguro ang mga Ookami. I mean never pa akong nakakita ng Ookami before pero siguro naman kasing hot ni Jacobe Black yung mga tao doon. Siguro mga shir---

"Pupunta ka ng Ookami wala ka man lang pasabi. Don't read twilight" Napatalon naman ako sa gulat dahil kay kuya. Hawak hawak niya yung book collection ko ng twilight.

Umupo siya sa side ng bed ko at tinabihan ko siya. Niyakap ko siya ng patagilid. "Kuya sasabihinin ko naman talaga sayo kaso bukas pa talaga yung plano ko. Alam mo naman diba na mahirap na tayong magkita lalo na ininterogate ako ni Dad kanina. He has a list of my friends at dahil nga wala ako dito kagabi tinatanong na niya ako"

Hinarap niya yung mukha ko sa kaniya. "Remember this make a move na hindi maapektuhan ang lahat. Once na malamang kong nagkaaberya sa Ookami, hindi ako magdadalawang isip na puntahan ka doon. Alam mong napaka-importante mo saakin" hinalikan niya ako sa noo.

Kung iisipin ng mga iba siguro mapagkakamalan kaming may relasyon na romantically. Kaso were siblings at hindi naman pwedeng maging kami.

"Sige na aalis na ako. Mahal kita tandaan mo yan" niyakap niya ako ng mahigpit bago siya tumalon sa may bintana.

I just continue packing my stuffs

*****

"A lovely day for a beautiful princess" nagulat ako ng biglang entrance si Lucas sa dining namin.

"Hello Tito" ngumiti pa siya kay dad.

"Have a seat Lucas" hindi naman nag-atubiling umupo si Lucas.

Ang kapal rin talaga ng mukha nitong papansin na 'to. I continue eating fruits nang bigla akong tawagin ni Dad.

"Victoria, Lucas will be accompanying you in Ookami. I wont let you in there alone, kaya I decided isama siya sayo" napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni Dad.

I mean I'm okay with Lucas but kuya wont let me to be around him at lalo na nasa malayo kami.

"Fine my things are already packed. I'm done eating": I stood up at hinalikan si dad sa cheeks at lumabas na ng bahay. I am at the backseat hinihintay si Lucas. After 15 minutes pumasok narin siya ng kotse.

Vampire's DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon